Pangalagaan natin ang mga batas-trapiko at kaugalian para sa bisikleta

Xでポスト
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

ページ番号1018677  更新日 2025年2月18日

印刷大きな文字で印刷

“Drayber na pinapangalagaan din ang batas para sa bisikleta”

(Piskal na taong 2022, Hiroshima Prefecture slogan na “Buwan ng pagpapahusay ng kaugalian sa bisikleta”)

Maraming tao ang gumagamit ng bisikleta dahil ito ay isang sasakyan na magaan at madaling gamitin. Kamakailan lang, muli itong nakitaan ng interes bilang sasakyan na mabuti sa kalikasan at nakakatulong sa pagpapalaganap ng kalusugan at nadadagdagan ang mga gumagamit nito kada taon pagkatapos namataan ang pagdami ng mga gumagamit nito para sa pag-commute.

Ngunit, kasabay ng pagdami ng mga gumagamit ng bisikleta, dumadalas din ang pagkakaroon ng aksidente na may kinalaman dito, at nagkakaroon ng sitwasyon kung saan isa sa bawat apat na aksidente sa trapiko ay aksidente sa bisikleta (sa taong 2021).

Sa likod ng mga aksidente sa bisikleta, pinaniniwalaan na mababa ang kamalayan na ang bisikleta ay kasamahan ng kotse, at mayroong batas-trapiko na kailangang pangangalagaan.

Kapag sasakay sa bisikleta, pangalagaan natin ang batas at kaugalian sa trapiko, at isapuso ang pagbibisikleta habang iniisip ang kalagayan ng ating kasamahan.

Simula Oktubre 10, 2019, ang ipinagbabawal na oras ng pagbibisikleta sa Hondori, Kinzagai, at Ebisu Dori ay binago sa "10:00 am hanggang 20:00 pm".(Ang dating oras ay 12:00 pm hanggang 20:00 pm)

Mangyaring makipag-ugnayan sa Hiroshima Chuo Police Station para sa mga detalye.

Alam mo ba? Narito ang limang palatuntunan sa ligtas na paggamit ng bisikleta.

  1. Bilang patakaran sa kalsada, iwasan ang pagbibisikleta sa sidewalk
  2. Magbisikleta sa kaliwang bahagi ng kalsada
  3. Bigyang prayoridad ang mga taong naglalakad sa sidewalk, at magbisikleta nang mabagal sa gilid ng kalsada
  4. Pangalagaan ang patakaran sa kaligtasan
    • Bawal ang pagbibisikleta nang lasing, pagpapa-angkas, at parallel riding
    • Buksan ang mga ilaw sa gabi
    • Sundin ang traffic light signal at pansamantalang tumigil at suriin ang kaligtasan sa mga intersection
  5. Pasuotin ng helmet ang mga bata.

Alamin ang tamang pagsakay sa bisikleta

Lugar na daanan ng bisikleta

Ang mga nagmamaneho ng bisikleta ay madalas na dumadaan sa mga sidewalk na para bang sila ay naglalakad, ngunit ang bisikleta ay tinuturing na "light vehicle" sa Road Traffic Act, kaya ito ay pinapatakbo sa kalsada (kaliwang bahagi) bilang prinsipyo.

Subalit, maaaring dumaan sa sidewalk habang pinangangalagaan ang batas-trapiko bilang eksepsiyon ayon sa mga sumusunod na sitwasyon.

  1. Kung may karatula (larawan sa kanan) na nagsasabing “Puwedeng dumaan ang bisikleta”
  2. Kung ang nagmamaneho ay batang may edad na 13 pababa, matandang may edad na 70 pataas, o taong may kapansanan sa katawan
  3. Kapag hindi maiwasang gamitin ang sidewalk upang siguraduhin ang kaligtasan mula sa sitwasyon ng kalsada o trapiko
Halimbawa ng sitwasyong hindi maiwasan
  • Kapag mahirap dumaan sa kaliwang bahagi ng kalsada dahil sa mga construction sa kalsada, o mga sasakyang magkasunod na nakaparada, atbp.
  • Kapag may panganib na mabangga ng sasakyan na sinusubukang mag-overtake, atbp. dahil sa mabigat na daloy ng trapiko ng mga sasakyan na sanhi ng makitid na daan, atbp.

Batas kapag ikaw ay dadaan sa sidewalk

Kapag magbibisikleta ka sa sidewalk, dumaan sa bahaging mula sa gitna ng sidewalk papunta sa gilid ng kalsada.

Gayunman, kung may nakatalagang marka sa daanan (larawan sa kanan), dumaan sa bahaging iyon.

*Kapag ikaw ay papasok sa kalsada mula sa sidewalk, mag-ingat na huwag dumaan sa kanang bahagi nito.

* Kapag may ibang nagbibisikleta na dadaan sa tapat mo, iwasan ito habang nakatingin sa kanan.

Kapag ikaw ay nasa sidewalk, bigyang prayoridad ang mga taong naglalakad bilang prinsipyo.Dahil diyan, bagalan ang bilis ng pagbibisikleta sa antas na madali itong itigil, at siguraduhin na pansamantalang itigil ang pagbibisikleta kung may panganib na makahadlang ito sa pagdaan ng mga naglalakad.

Ano ang sistema ng pagsasanay sa pagbibisikleta?

Mula Hunyo 2015, kung ang driver ng bisikleta ay paulit-ulit na inaresto nang dalawang beses o higit pa sa loob ng 3 taon dahil sa delikadong gawain na maaaring magdulot ng panganib sa trapiko sa daan, uutusan sila ng Prefectural Public Safety Commissions na dumalo sa “leksyon tungkol sasistema ng pagsasanay sa pagbibisikleta”.

Kung sasalungat ka sa kautusan ng leksyon at hindi dadalo dito, hanggang 50,000 Yen na multa ang iyong babayaran.

14 na delikadong gawain na mapapabilang ka sa leksyon at katumbas na parusa

  1. [Pagbabalewala sa traffic light] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan, o multa na hanggang 50,000 Yen
    Siguraduhing sundin ang traffic light.(Huwag tumawid pagkatapos umilaw ang green light.)
  2. [Paglabag sa batas na bawal dumaan] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan, o multa na hanggang 50,000 Yen
    Huwag dumaan sa mga daang ipinagbabawal ang pagdaan ayon sa karatula sa daan, atbp.
  3. Ipinagbabawal ang mga bisikleta mula10:00 am hanggang8:00 pm sa Hondori, Ebisu Dori, at Kinzagai na mga arcade street.
Karatula na may kinalaman sa batas na bawal dumaan (Hal.) Maliban kung ang mga bisikleta ay hindi kasali sa regulasyon dahil sa mga auxiliary sign. 

Mga karatula na may kinalaman sa pagbabawal na dumaan/pumasok

イラスト:通行止め標識
Sarado ang daan
イラスト:車両通行止め標識
Bawal pumasok ang anumang sasakyan
イラスト:自転車通行止め標識
Bawal pumasok ang bisikleta
イラスト:車両進入禁止標識
Bawal pumasok ang anumang sasakyan
イラスト:歩行者専用標識
Pedestrian lamang

Mga karatula na may kinalaman sa pagbabawal na magmaneho sa kasalungat na direksyon

イラスト:一方通行標識
One-way traffic
イラスト:自転車一方通行標識
One-way traffic para sa bisikleta

  1. [Paglabag sa responsibilidad ng sasakyan sa mga daanan ng mga naglalakad (paglabag sa bagal ng pagpapatakbo)] Multa na hanggang 20,000 Yen
  2. Mag-ingat sa mga naglalakad at bagalan ang pagbibisikleta sa sidewalk na maaaring daanan ng bisikleta.
  3. Sumangguni sa“Batas kapag ikaw ay dadaan sa sidewalk”na nasa itaas
  4. [Paglabag sa klasipikasyon ng trapiko] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan o multa na hanggang 50,000 Yen
  5. Siguraduhin na magbisikleta sa kaliwang bahagi ng kalsada.
  6. [Sagabal sa pagdaan ng taong naglalakad kapag dadaan sa tabing-daan] Multa na hanggang 20,000 Yen
  7. Sa mga tabing-daan kung saan maaaring dumaan ang mga bisikleta, dumaan sa bilis at pamamaraan na hindi nakakasagabal sa pagdaan ng mga taong naglalakad.
  8. Sumangguni sa“ Daanan ng bisikleta”na nasa itaas
  9. [Pagpasok sa nakaharang na tawiran ng riles] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan o multa na hanggang 50,000 Yen
  10. Huwag pumasok sa tawiran ng riles kung nakasara ang barrier, nagsimula nang umandar ang tren, o kung tumunog ang alarm ng tren.
  11. [Paglabag sa responsibilidad ng pagbyahe nang maingat sa mga intersection, atbp.] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan o multa na hanggang 50,000 Yen.
  12. Sa mga intersection, mag-ingat nang mabuti sa ibang mga sasakyan na dadaan, mga sasakyang liliko pakanan mula sa kabilang direksyon, mga taong tumatawid, atbp., at dumiretso nang may ligtas na bilis at pamamaraan ng pagpapatakbo hangga't maaari.
  13. [Pagharang sa sasakyan na may prayoridad sa intersection, atbp.] Multa na hanggang 50,000 Yen
  14. Kapag liliko pakanan sa intersection, huwag humarang sa daan ng mga sasakyan na dumiretso paharap o lumiliko pakaliwa sa intersection na iyon.
  15. [Paglabag sa responsibilidad na dumiretso ng ligtas sa rotonda] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan o multa na hanggang 50,000 Yen
  16. Huwag humarang sa daan ng mga sasakyan, atbp. sa loob ng rotonda.Bagalan din ang pagbibisikleta kapag papasok sa loob ng rotonda.Partikular na mag-ingat sa ibang sasakyan, mga naglalakad, atbp. sa loob ng rotonda, at dumiretso nang may ligtas na bilis at pamamaraan ng pagpapatakbo hangga't maaari.
  17. [Hindi pansamantalang pagtigil sa nakatalagang lugar, atbp.] Pagkakakulong ng hanggang 3 buwan o multa na hanggang 50,000 Yen.
  18. Sa mga intersecton na mayroong stop sign (larawan sa ibaba), pansamantalang huminto bago ang stop line at siguraduhin ang iyong kaligtasan.
  1. [Paglabag sa mga panuntunan sa trapiko kapag dumadaan sa sidewalk] Multa na hanggang 20,000 Yen
  2. Kapag dumadaan sa sidewalk, dumaan mula sa gitna ng sidewalk papunta sa gilid ng kalsada.Gayunman, kung may nakatalaga na marka sa daanan, atbp., dumaan sa bahaging iyon.
  3. Bagalan ang pagbibisikleta sa sidewalk, at pansamantalang huminto kung may panganib na makakahadlang sa daanan ng mga naglalakad.
  4. * Sumangguni sa“Batas kapag ikaw ay dadaan sa sidewalk”na nasa itaas
  5. [Paggamit ng bisikleta na may sirang braking device (brake)] Multa na hanggang 50,000 Yen
  6. Gumamit ng bisikleta na may naka-install na braking device (brake).
  7.  [Drunk Driving] Pagkakulong ng hanggang 5 taon o multa na hanggang 1 Milyong Yen
    Huwag magbisikleta kapag ikaw ay nakainom ng alak.
  8. [Paglabag sa responsibilidad ng ligtas na pagmamaneho] Pagkakulong ng hanggang 3 buwan o multa na hanggang 50,000 Yen
    Paandarin nang ligtas ang manibela, brake, at iba pang mga equipment, at magmaneho sa bilis at paraan na hindi magdudulot ng pinsala sa iba ayon sa sitwasyon ng kalsada, trapiko, atbp.(Huwag humawak ng payong, at huwag gumamit ng earphone/smartphone habang nagbibisikleta.)

Bilang paghahanda sa aksidente sa bisikleta, kumuha ng bicycle insurance.

Dumarami ang bilang ng mga kaso (sa ibaba) kung saan malaking halaga ng pinsala ang binabayaran dahil sa mga aksidente sa bisikleta na dulot ng kawalan ng ilaw o hindi maingat na pagmamaneho sa gabi.

Sa aksidente na kasalanan ng nagbibisikleta, maaari itong magdala ng malaking bigat sa bayarin.

Mahalagang isapuso ang maingat na pagbibisikleta, ngunit sakaling magkaroon ng aksidente sa bisikleta, kumuha ng insurance na mayroong TS Mark o liability insurance, atbp.

Mga halimbawa ng pinsala ng aksidente sa bisikleta at kabayaran para sa mga pinsala

Banghay ng Aksidente

Halagang Babayaran

Nabangga ng isang estudyante sa mababang paaralan na nagbibisikleta paakyat ng burol sa gabi nang may bilis na 20-30 kph ang isang naglalakad na babae. Nawalan ng malay ang babaeng nabangga.

Mahigit kumulang na 95 Million Yen

Isang high school student ang tumawid sa kalsada nang pahilis malayo sa tawiran ng bisikleta, at nagkabanggaan sila ng lalaking nagbibisikleta na dumiretso papunta sa tapat na daanan. Nagdulot ito ng malaking kapansanan sa nabanggang biktima.

Mahigit kumulang na 93 Million Yen

Isang lalake ang nagmaneho pababa at hindi binagalan ang bilis ng pagpapatakbo habang may hawak na PET bottle sa isang kamay, dumiretso sa intersection, at nakabangga ng tumatawid na tao sa pedestrian lane. Namatay ang biktima sa pagkabangga.

Mahigit kumulang na 68 Million Yen.

Naibaling niya ang kanyang tingin sa screen ng kanyang cellphone, at nabangga niya ang isang taong naglalakad. Nagdulot ito ng malaking kapansanan sa nabanggang biktima.

Mahigit kumulang na 50 Million Yen

Nabangga niya ang isang matanda habang nagbibisikleta nang walang ilaw. Natumba ito at namatay.

Mahigit kumulang na 20 Million Yen

Alamin muna ang sitwasyon ng pagkuha ng bicycle insurance

Idikit ang "TS Mark" na sticker para sa ligtas at mapayapang pagbibisikleta

Ang TS Mark ay isang sticker na idinikit sa mga ligtas na ordinaryong bisikleta na dumaan sa inspeksyon at maintenance ng mga mekaniko para sa kaligtasan ng bisikleta na nagtatrabaho sa mga bicycle safety maintenance shop.

Kaakibat ng TS Mark ang 1 taon na incidental insurance na mayroong 2 set na liability insurance at accident insurance, kaya magiging kampante ka sakaling may mangyaring aksidente.

Paano kukuha ng incidental insurance na may TS Mark?

Ang TS Mark ay makukuha mula sa mga bicycle safety maintenance shop sa buong bansa.

Humiling na idikit ang TS Mark mula sa bicycle safety maintenance shop, at kumuha ng inspeksyon at maintenance para sa bisikleta.

Ang bayad para sa pagdikit ng TS Mark ay ang bayad para sa inspeksyon at maintenance ng bisikleta.Ang bayad ay magkaiba ayon sa nilalaman ng inspeksyon at maintenance, ngunit nasa 1,000 hanggang 2,000 Yen ang halaga nito.(Kung kailangang palitan ang mga piyesa nito, hiwalay rin ang bayad para sa mga piyesa.)

Hindi maaaring idikit ang TS Mark lang nang walang inspeksyon o maintenance.

Ano ang nilalaman ng incidental insurance?

Ang TS Mark na incidental insurance ay kaakibat ng mga bisikleta na may nakadikit na TS Mark.Ang insurance na ito ay magagamit hindi lamang ng may-ari ng bisikleta, kundi maging ang pamilya o kaibigan na humiram nito.

Uri ng TS Mark at ang kalakip na compensation ng incidental insurance

Uri

Type 1 TS Mark

(Asul na Marka)

Type 2 TS Mark

(Pulang Marka)

Compensation sa pinsala
Pagkakaospital ng 15 araw o higit pa

10,000 Yen

100,000 Yen

Compensation sa pinsala
Pagkamatay/Pagtamo ng matinding kapansanan (Antas 1 hanggang 4)

300,000 Yen

1 Million Yen

Kabayaran para sa biktima
Pagkakaospital ng 15 araw o higit pa

100,000 Yen

Kabayaran para sa pinsala
Pagkamatay/Pagtamo ng matinding kapansanan (Antas 1 hanggang 7)

10 Million Yen

100 Million Yen

写真:第一種TSマーク 青色マーク
Type 1 TS Mark(Asul na Marka)
写真:第二種TSマーク 赤色マーク
Type 2 TS Mark(Pulang Marka)

Mga pagsisikap upang magbigay inspirasyon tungkol sa kaugalian sa pagbibisikleta dito sa lungsod

Sa gitna ng sitwasyon na 1 sa 5 aksidente ng trapiko ay may kinalaman sa aksidente sa bisikleta, ang Hiroshima City ay nagsasagawa ng street campaign tuwing Hunyo at Pebrero ng bawat taon kasama ang mga lokal na pulisya, paaralan, mga grupo sa komunidad, atbp. sa mga lugar na may maraming gumagamit ng bisikleta gaya ng mga istasyon at paaralan upang pagbutihin ang kaugalian ng mga gumagamit ng bisikleta.

Bukod diyan, nagsasagawa kami ng on-street guidance para sa mga lumalabag sa mga pagbabawal na magbisikleta sa mga arcade tulad ng Hondori, atbp. sa pakikipagtulungan ng mga lokal na shopping district, pulisya, atbp. tuwing ika-18 ng buwan (bilang prinsipyo).

PDFファイルをご覧いただくには、「Adobe(R) Reader(R)」が必要です。お持ちでない方はアドビシステムズ社のサイト(新しいウィンドウ)からダウンロード(無料)してください。

このページに関するお問い合わせ

道路交通局自転車都市づくり推進課
〒730-8586 広島市中区国泰寺町一丁目6番34号8階
電話:082-504-2349(直通) ファクス:082-504-2379
[email protected]