Tungkol sa pagpasok sa mga nursery school, atbp. (Impormasyon tungkol sa mga nursery school, atbp.)
- 1. Ano ang "Day care center, atbp.?"
- 2. Mga maaaring gumamit
- 3 Overview ng benefit approval at oras ng paggamit ng child day care
- 4 Daloy ng aplikasyon
- 5 Kontrata at pagbabayaran ng day care fee at supplementary food fee
- 6 Kapag nag-enroll sa day care center
- 7 Kung sakaling may pagbabago sa nilalaman ng aplikasyon, atbp.
- 8 Day care fee at supplementary food fee
- 9 Mga maaaring pagtanungan (Ward Welfare Division)
Tungkol sa pagpasok sa mga nursery school, atbp. (Impormasyon tungkol sa mga nursery school, atbp.)
Ang mga sumusunod ay impormasyon tungkol sa paraan ng pag-enroll, mga bayarin, atbp. sa mga day care center (*) na naaprubahan at may awtorisasyon ng Hiroshima City.
* Mangyaring tingnan ang download file na "Listahan ng mga nursery school, atbp." para makita ang mga sakop na day care center na nasa pinakababa ng page.
Ang mga kasalukuyang naka-enroll ay hindi na kinakailangang mag-enroll upang makapagpatuloy ng pagpasok sa susunod na taon (kung nag-iba ang mga pangangailangan sa day care center o kung nais lumipat sa ibang day care center, mangyaring gawin ang proseso para dito.).
Overview ng pagtanggap ng enrollment sa Abril 2024
Panahon ng pamamahagi ng form ng aplikasyon
Nobyembre 24, 2023 (Biyernes)
Lugar ng pamamahagi: Ward Welfare Division, mga ward branch office at mga day care center
Unang panahon ng pagtanggap ng aplikasyon para sa Abril 2024
Mula Nobyembre 24, 2023 (Biyernes) hanggang Enero 10, 2024 (Miyerkules)
Ang iba pang mga panahon ng pagtanggap ay nakasaad sa "Panahon ng pagsumite ng approval application at enrollment application" sa talahanayan sa (5).
Tingnan naman ang "Daloy ng aplikasyon" para sa daloy ng aplikasyon.
Impormasyon tungkol sa day care center
1. Ano ang "Day care center, atbp.?"
Ang tinutukoy na day care center (*) sa webpage na ito ay ang mga sumusunod na pasilidad na binigyang awtorisasyon ng Hiroshima City upang mag-alaga ng mga bata kapalit ng magulang o guardian sa mga oras na hindi ito magawa sa bahay buhat ng iba't ibang dahilan.
Pareho sa kahit anong pasilidad ang day care fee. Nag-iiba ang supplementary food fee sa bawat pasilidad kaya mangyaring direktang makipag-ugnay sa pasilidad ukol dito.
Pasilidad |
Mga angkop na edad |
Mga nilalaman |
Tagasagawa ng Operasyon |
---|---|---|---|
Day care center |
0 taong gulang - bago pumasok sa paaralang elementarya |
Pasilidad na may kapasidad na 20 katao o higit pa. |
Hiroshima City, pribadong negosyo |
Center for early childhood education and care (bahagi ng mga day care center) |
0 taong gulang - bago pumasok sa paaralang elementarya |
Pasilidad na pinagsama ang mga gampanin at katangian ng kindergarten at day care center at nagbibigay din ng suporta sa komunidad sa pag-aalaga ng bata. |
Hiroshima City, pribadong negosyo |
Small-scale child care center |
0 - 2 taong gulang |
Ito ay pasilidad na may kaliitan at may kapasidad na 6 hanggang 19 katao. |
pribadong negosyo |
Workplace child care center |
0 - 2 taong gulang |
Ito ay mga day care na pasilidad na itinatag ng mga kumpanya para sa kanilang mga empleyado at mayroong mga quota sa pagtanggap (regional quota) ng mga bata sa komunidad na nangangailangan ng pangangalaga sa day care. |
pribadong negosyo |
* Mangyaring tingnan ang download file na "Listahan ng mga day care center" para makita ang mga sakop na day care center.
2. Mga maaaring gumamit
Ang serbisyong ito ay maaaring gamitin ng mga bata mula 0 taong gulang hanggang sa mga batang bago pumasok sa elementarya na naninirahan sa Hiroshima City (*1) at ang kanilang mga magulang o guardian na nahihirapang mag-alaga ng bata sa bahay (sa mga kasong kailangan ng mag-aalaga) dahil sa alinman sa sumusunod na "Rason upang kailanganin ang child care"
- Nagtatrabaho nang 30 oras sa isang buwan (kumpanya, self-employed, atbp.) (*2)
- Manganganak o kapapanganak pa lang
- May sakit, nasugatan, o kaya ay may kapansanan sa katawan o isip
- Palaging nag-aalaga ng kamag-anak
- Nasa pagbangon mula sa pananantala ng lindol, bagyo at baha, sunog at iba pang sakuna
- Naghahanap ng trabaho (*3)
- Nag-aaral sa paaralan
- May panganib ng karahasan o domestic violence
- Noong kumuha ng child care leave ay mayroon nang anak na gumagamit ng day care at kinakailangan na ipagpatuloy ang paggamit nito (*4)
- *1 Kahit hindi kasalukuyang naninirahan sa Hiroshima City, maaari pa ring mag-apply kung may planong lumipat sa lungsod hanggang sa araw ng pagpasok (kung natanggap sa day care center, kinakailangang kumpletuhin ang paglipat hanggang sa araw ng pagpasok).
- *2 Mula Abril 1, 2025, papalitan ng "48 oras ng pagtatrabahao o higit pa sa isang buwan" ang pinakamababang oras na kinakailangan.
- *3 Ang panahon ng child day care sa kaso ng mga naghahanap ng trabaho ay mula sa araw na sinimulan ang child day care hanggang sa katapusan ng buwang nagtataglay ng araw ng ikatlong buwan mula sa unang araw ng child day care.
Bilang karagdagan, kung gusto mong ipagpatuloy para matanggap, tuwing ika-10 araw ng buwan kung saan magtatapos ang panahon ng implementation (kung ang araw na iyon ay sa Sabado, Linggo, o holiday, ang araw ng pagbubukas ay bago ang mga araw na ito), at gayundin ang katapusan ng implementation period. Dapat kang magsumite ng bagong aplikasyon bago ang ika-10 ng Enero kung ang buwan ay Pebrero, o ang deadline ng Abril 2 kung ang huling buwan ng panahon ng pagpapatupad ay Marso.) . Pakitandaan na depende sa mga pangyayari sa oras ng aplikasyon, maaaring hindi ka makapasok sa nursery school (pakitandaan na kung hindi mo isumite ang application form, hihilingin sa iyong umalis sa nursery school).
Bilang karagdagan, sa kaso ng paghahanap ng trabaho pagkatapos ng panganganak, kung naghanap ng trabaho pagkatapos ng huling araw ng buwan kung saan lumipas ang 8 linggo mula nang manganak, ang panahon ng childcare ay mae-extend din nang kasing haba nito. Dahil dito, mangyaring gawin ang proseso sa Welfare Division ng ward kung saan matatagpuan ang day care center. - *4 Ang pinakamatagal na panahon kung saan ang bata ay maaaring manatiling naka-enroll sa day care habang kayo ay naka-child care leave ay hanggang sa huling araw ng fiscal year kung kailan nag-isang taong gulang ang batang pinaggamitan ng child care leave.
(Note) Kung ang magulang o guardian ay babalik sa trabaho matapos ng child care leave o kaya ay magsisimula ng bagong trabaho, ang bata ay maaari nang ipasok sa day care center 2 linggo bago ang araw ng simula ng trabaho kaya mangyaring kumonsulta sa Welfare Division ng ward kung saan matatagpuan ang day care center na nais pag-enrollan.
Ang mga batang may kapansanan sa katawan at kaisipan ay maaari ding i-enroll sa day care center kung kaya nilang makisalamuha sa grupo, kaya mangyaring kumonsulta sa Welfare Division ng Ward.
3 Overview ng benefit approval at oras ng paggamit ng child day care
Upang magamit ang day care center, kinakailangan parehong isagawa ang "Aplikasyon para sa Benefit Approval ng Preschool Education at Childcare" at "Enrollment Application", at karaniwan ay sabay ginagawa ang mga ito.
Ang benefit approval ay binibigay base sa 3 klasipikasyon ng pangangailangan para sa child day care ayon sa sitwasyon ng magulang o guardian. Ang mga magagamit na pasilidad na magagamit ay depende sa klasipikasyon ng approval. (Ang mga makakagamit ng day care center atbp. ay mga batang nasa Type 2 at Type 3 approval)
Klasipikasyon ng grant approval |
Mga angkop na edad |
Pangangailangan para sa child day care |
Magagamit na pasilidad |
---|---|---|---|
Type 1 approval |
3 - 5 taong gulang |
Wala |
Kindergarten, Center for Early Childhood Education and Care (bahagi ng kindergarten) |
Type 2 approval |
3 - 5 taong gulang |
Mayroon |
Day care center, Center for early childhood education and care (bahagi ng day care center) |
Type 3 approval |
0 - 2 taong gulang |
Mayroon |
Day care center, center for early childhood education and care (bahagi ng day care center), small-scale child care center, workplace child care center (regional quota) |
Bilang karagdagan, depende sa rason para sa pangangailangan para sa child day care, ang bilang ng kinakailangang child day care (oras ng paggamit) ay nahahati sa 2 klasipikasyon.
Klasipikasyon (*1, 2) |
Oras ng paggamit (Max.) |
Kondisyon ng magulang o guardian |
---|---|---|
Standard na oras ng day care |
11 oras sa 1 araw |
|
Maikling oras ng day care |
8 oras sa 1 araw |
|
- *1 Kahit na ang maaaprubahang oras ay para sa standard na oras ng day care, maaaring mag-apply para sa pag-apruba para sa maikling oras ng day care kung nais ng magulang o guardian. Bilang karagdagan, kung ang nanay o tatay ay mapapasailalim ng klasipikasyon para sa maikling oras ng day care, ang aaprubahang haba ay ang para sa maikling oras ng day care.
- *2 Ang mga sambahayang may mga batang naka-enroll na sa day care center sa katapusan ng Marso 2015 at patuloy na pumasok hanggang Abril 2016 o pagkalipas nito ay maaaring mag-apply para sa approval para sa standard care na oras sa kabila ng mga sitwasyong nakasulat sa itaas.
4 Daloy ng aplikasyon
(1) Konsultasyon tungkol sa pag-enroll at pagkuha ng mga dokumento para sa aplikasyon
- Ang mga konsultasyon tungkol sa enrollment at day care fee ay isinasagawa sa Welfare Division ng ward kung saan matatagpuan ang nais niyong pag-enrollang day care center.
- Mangyaring tandaan na ang counter ay sarado tuwing Sabado, Linggo, normal o pampublikong holiday, Agosto 6, at mula Disyembre 29 - Enero 3, maliban sa mga holiday kung saan tumatanggap ng konsultasyon.
- Bago mag-apply, mangyaring bisitahin ang day care center na nais niyong pag-enrollan at kumpirmahin na kung napagdesisyunan ba ang enrollment dito ay makakapagcommute ba patungo dito, kung ano ang mga kondisyon, kung maaari niyo bang ihatid at sunduin ang inyong anak, atbp. Makipag-ugnay muna nang direkta sa day care center tungkol sa pagbisita.
- Ang panahon ng bisa ng mga isinumiteng sertipiko tulad ng "就労証明書等" (Employment certificate etc.), atbp., ay mula sa unang araw ng buwan, 3 buwan bago ang deadline ng pagsusumite (para sa mga aplikasyong matatanggap sa Abril 2023, dahil ang deadline ay Mayo 2023, ang kinakailangang petsa ng sertipiko ay mula Oktubre 1 o pagkalipas nito. ).
* Mga dokumento para sa aplikasyon
- Ang mga form para sa aplikasyon at mga kinakailangang dokumento (mga dokumentong ilalakip sa form ng aplikasyon) ay maaaring makuha mula sa day care center, sa Ward Welfare Division at mga branch office.
- Ang mga dokumentong ilalakip sa form ng aplikasyon, at ang mga kinakailangang dokumento tulad ng "就労証明書" (Employment certificate), "求職活動申立書" (declaration of job-seeking activities) ay maaaring i-download mula sa "Download" sa ibaba.
(2) Aplikasyon para sa enrollment
- Mangyaring isumite ang application (application) form at mga kinakailangang dokumento sa Welfare Division ng ward kung saan matatagpuan ang day care center na nais niyong pag-enrollan.
- Tingnan ang "Panahon ng pagsumite ng approval application at enrollment application" sa talahanayan (5)" para sa deadline ng pagsumite.
- Mangyaring makipag-ugnay sa bawat pasilidad para impormasyon tungkol sa oras ng paggamit, day care extension, holiday day care, mga karagdagan (Hal: halaga upang mabayaran ang mga bayaring hindi sakop ng opisyal na presyo tulad ng gastos sa pag-assign ng mas maraming teacher kaysa sa pamantayan, at ang higit sa karaniwang pagpapanatili ng mga pasilidad, atbp.), mga aktwal na gastusin (Hal.: bayad para sa school uniform, field trip fees, event participation fees, atbp.), atbp.
(3) Benefit approval
- Ang direktor ng welfare office ng ward ang mag-aapruba ng benefit approval ng preschool education at childcare, at isang sertipiko ang mai-issue. (Mai-issue ito kasabay o bago ang resulta ng placement)
(4) Placement
- Ang placement ay gagawin ng director ng welfare office ng ward matapos isaalang-alang ang mga kagustuhan ng magulang at ang sistema ng pagtanggap ng mga bata ng day care center. Kung mas malaki ang bilang ng mga aplikante kumpara sa bilang ng batang kayang tanggapin, ang placement ay isasagawa ayon sa pangangailangan para sa child day care at hindi sa first-come, first-served na batayan. Para sa mga detalye, mangyaring tingnan ang "Download" sa ibaba para sa talahanayan ng mga criteria para sa placement.
- Ang mga resulta ng placement ay ipapadala sa araw na nakasaad sa "Araw ng pagpapadala ng mga resulta ng placement" sa talahanayan sa (5).
(5) Panahon ng pagsumite ng approval application, enrollment application at schedule ng placement
Depende sa nais na buwan ng enrollment, mag-iiba ang deadline ng pagsusumite, atbp.
Ninanais na buwan ng enrollment |
Panahon ng pagsumite ng approval application at enrollment application |
Araw ng pagpapadala ng mga resulta ng placement |
Mga dapat tandaan |
---|---|---|---|
Hanggang Disyembre 2023 |
Ang ika-10 ng buwan bago ang buwan kung kailan nais mag-enroll. Ang kasunod na araw na bukas ang opisina kung ang ika-10 ay walang pasok (Sabado, Linggo, normal o pampublikong holiday) |
Bandang ika-20 ng buwan bago ang nais na buwan ng enrollment |
Kung nais ang enrollment sa Nobyembre 2023, ang deadline ay hanggang Oktubre 10, 2023 (Martes). Kung nais ang enrollment sa Disyembre 2023, ang deadline ay hanggang Nobyembre 10, 2023 (Biyernes). |
Enero 2024 |
Hanggang Disyembre 11, 2023 (Lunes) |
Disyembre 5, 2023 (Miyerkules) |
|
Pebrero 2024 |
(※1) Hanggang Enero 10, 2024 (Miyerkules) |
Enero 10, 2024 (Biyernes) |
Kung sakaling na-waitlist ang enrollment, isasagawa gamit ang parehong detalye ng aplikasyon ang placement para sa Marso at Abril. |
Marso 2024 |
(※1) Hanggang Enero 10, 2024 (Miyerkules) |
Enero 31, 2024 (Miyerkules) |
Kung sakaling na-waitlist ang enrollment, isasagawa gamit ang parehong detalye ng aplikasyon ang placement para sa Marso. |
Abril 2024 |
(※1) Hanggang Enero 10, 2024 (Miyerkules) |
Pebrero 14, 2024 (Miyerkules) |
Ang mga na-waitlist ang enrollment sa 1st round ay maaaring mag-apply para sa 2nd round matapos palitan ang nais na pasukang day care base sa pagkabakante ng mga day care center. |
Abril 2024 |
(※3)Mula Pebrero 19, 2024 (Lunes) hanggang Pebrero 26 (Lunes) |
Marso 8, 2024 (Biyernes) |
Kung na-waitlist kahit sa Round 2 ay hindi na papadalhan ng ikalawang waitlist notice. |
Mayo 2024 o pagkalipas |
Ang ika-10 ng buwan bago ang buwan kung kailan nais mag-enroll. Ang kasunod na araw na bukas ang opisina kung ang ika-10 ay walang pasok (Sabado, Linggo, normal o pampublikong holiday) |
Bandang ika-20 ng buwan bago ang nais na buwan ng enrollment |
- *1 Ang oras ng pagtanggap ay Lunes - Biyernes mula8:00 ng umaga -5:00 ng hapon ngunit may mga araw na tumatanggap kahit sa gabi o tuwing Sabado o Linggo.
- [Pagtanggap sa gabi] Extended ang pagtanggap hanggang 8:00 ng gabi sa Disyembre 19, 2023 (Martes), Enero5, 2024 (Biyernes)
- [Pagtanggap sa Sabado o Linggo] Tatanggapin ang aplikasyon mula 9:00 ng umaga - 4:00 ng hapon sa Disyembre 10, 2023 (Linggo)
- *2 Ang Round 2 ay para lamang sa mga na-waitlist sa Round 1, sa mga hindi umabot sa Round 1, o hindi nag-apply sa Round 1.
- *3 Ang oras ng pagtanggap ay Lunes - Biyernes mula 8:00 ng umaga - 5:00 ng hapon ngunit may mga araw na tumatanggap kahit sa gabi.
- [Pagtanggap sa gabi] Ang oras ng aplikasyon ay na-extend hanggang 8:00 ng gabi sa Pebrero 21, 2024 (Miyerkules)
- *4 Ang deadline para sa electronic application (Pittari service) ay iba sa personal na deadline.
Para sa deadline para sa electronic application (Pittari service), pakitingnan dito
(6) Proseso ng enrollment/Simula ng paggamit
Kung bilang resulta ng placement ay naka-enroll ang bata sa pasilidad liban sa day care center (pampubliko o pribado), center for early childhood education and care (pampubliko), kinakailangang isagawa ang mga proseso ng enrollment para sa bawat pasilidad.
5 Kontrata at pagbabayaran ng day care fee at supplementary food fee
Depende sa gagamiting pasilidad, ang partidong kokontratahin at ang partidong pagbabayaran ng day care fee at supplementary food fee ay mag-iiba. Gayunpaman, ang day care fee ay itatakda base sa pamantayan ng lungsod anumang pasilidad ang piliin niyo.
Mangyaring tingnan ang "Day care fee at supplementary food fee" sa ilalim ng web page para sa impormasyon tungkol sa mga ito.
-
保育料・副食費
Day care fee at supplementary food fee
Gagamiting pasilidad |
Day care fee |
Extended day care fee |
Supplementary food fee |
---|---|---|---|
Pampublikong day care center, pampublikong center for early childhood education and care (childcare approval) |
Hiroshima City |
Hiroshima City |
Hiroshima City |
Pribadong day care center |
Hiroshima City |
Pasilidad |
Pasilidad |
Pribadong center for early childhood education and care, regional child care center (small-scale child care center, workplace child care center (regional quota), atbp.) |
Pasilidad/Business operator |
Pasilidad/Business operator |
Pasilidad/Business operator |
6 Kapag nag-enroll sa day care center
Mag-iiba ang araw na sarado, oras na bukas, pagkaing ibibigay, atbp. depende sa pasilidad.
(1) Oras na sarado, oras na bukas, extended day care
- Bilang alituntunin, ang mga araw na sarado ang day care center ay karaniwang tuwing Linggo, mga holiday na itinalaga ng batas, at mula Disyembre 12 - Enero 4. Ang ibang pagsasara dahil sa mga emergency tulad ng sakuna o outbreak ng nakakahawang sakit ay mag-iiba depende sa pasilidad.
- Depende sa pasilidad ang oras na bukas sila.
- Ang oras ng pagpasok ng mga batang nasa "maikling oras ng day care" ay itinatalaga sa bawat pasilidad sa loob ng oras na bukas ang day care.
- May mga ilang pasilidad na nagbibigay ng extended day care bago magsimula at pagkatapos ng oras ng paggamit na itinakda ng pasilidad.
- Mangyaring tingnan ang mga impormasyon sa "Listahan ng mga day care center (*) sa nakahiwalay na papel.
* Bukod sa maaari itong i-download, ipinapamahagi din ito sa Ward Welfare Division, mga ward branch office at mga day care center.
(2) Pagkaing ibibigay (tanghalian, meryenda)
- Ang mga pagkain sa day care center at center for early childhood education and care ay inihahanda sa loob ng pasilidad ayon sa menu na inihanda ng nutritionist (May mga center for early childhood education and care na sa labas nanggagaling ang pagkain).
0 -2 taong gulang: tanghalian (ulam at kanin), meryenda
3 taong gulang pataas: tanghalian (Ulam lamang. Ang kanin o kaya tinapay ay dadalhin ng bata), meryenda - Sa mga small-scale child care center, workplace child care center (regional quota), karaniwang inihahanda ang pagkain sa loob na pasilidad ngunit mayroon sa mga ito na kinakailangang dalhin ang pagkain mula sa labas o kaya naman magdala ng baon ang mga bata.
- Mangyaring makipag-ugnay sa bawat pasilidad para sa mga detalye.
(3) Iba pa
- Hinihiling namin sa mga magulang o guardian ang paghatid at pagsundo sa mga bata. Bilang alituntunin, hindi naghahatid at nagsusundo ang day care center.
- Kung biglang nagkasakit o nasugatan ang batang nasa day care, hinihiling namin na sunduin niyo siya.
- Kung nagkaroon ng nakakahawang sakit ang bata, huwag papasukin ang bata upang mapigilan ang pagkahawa ng ibang mga sanggol at maliliit na bata sa sakit.
- Bilang alituntunin, hinihiwalay ang mga klase para sa mga sanggol at maliliit na bata. Depende rin sa kalagayan ng enrollment, maaaring magbago ang mga klase kahit sa kalagitnaan ng taon.
7 Kung sakaling may pagbabago sa nilalaman ng aplikasyon, atbp.
- Kung nagkaroon ng pagbabago sa nilalaman ng aplikasyon para sa benefit approval (enrollment application) dahil sa pagkuha ng child care leave, paglipat ng trabaho, pag-alis sa trabaho, atbp., siguraduhing ipagbigay-alam ito sa Ward Welfare Division. Sa oras na ito, may mga pagkakataong kakailanganin ng sertipiko ayon sa form ng aplikasyon para sa pagbabago o sa nilalaman ng pagbabago.
- Para sa mga may planong magtrabaho (naghahanap ng trabaho), ang panahong maaaring gamitin ang day care center ay "hanggang sa huling araw ng buwan, 3 buwan pagkalipas ng araw na simulan ang paggamit ng day care". Kung ang rason upang mag-enroll sa day care ay dahil sa kayo ay may planong magtrabaho, mangyaring agad na magsumite ng “就労証明書" (Employment certificate) (maaaring i-download sa baba mula sa "Download") sa oras na makakuha kayo ng trabaho.
* May mga kasong kukumpirmahin namin ang inyong aktwal na kalagayan ng employment sa pamamagitan ng pagtawag o pagbisita.
8 Day care fee at supplementary food fee
Mangyaring tingnan ang "Day care fee at supplementary food fee" sa ilalim ng web page para sa impormasyon tungkol sa mga ito.
9 Mga maaaring pagtanungan (Ward Welfare Division)
Ward |
Lokasyon |
Tel. no. |
Fax |
---|---|---|---|
Naka Ward |
4-1-1 Naka-ku Ote-machi Loob ng Naka Ward Community Welfare Center |
082-504-2569 |
082-504-2175 |
Higashi Ward |
9-34 Higashi-ku Higashi-kamiya-cho Loob ng Higashi Ward General Welfare Center |
082-568-7733 |
082-568-7781 |
Minami Ward |
1-4-46 Minami-ku Minami-machi Loob ng Ward Office Annex |
082-250-4131 |
082-254-9184 |
Nishi Ward |
2-24-1 Fukushima-cho, Nishi-ku Loob ng Nishi Ward Community Welfare Center |
082-294-6342 |
082-294-6311 |
Asaminami Ward |
1-38-13 Nakasu, Asaminami-ku Loob ng Asaminami Ward General Welfare Center |
082-831-4945 |
082-870-2255 |
Asakita Ward |
3-19-22 Asakita-ku Kabe Loob ng Asakita Ward General Welfare Center |
082-819-0605 |
082-819-0602 |
Aki Ward |
3-2-16 Funakoshi-minami, Aki-ku Loob ng Aki Ward General Welfare Center |
082-821-2813 |
082-821-2832 |
Saeki Ward |
1-4-5 Kairoen, Saeki-ku Loob ng Saeki Ward Office Annex |
082-943732 |
082-923-1611 |
Mga kaugnay na impormasyon
-
保育園等の空き状況(こども未来局幼保給付課)
Tungkol sa mga bakante sa day care center -
保育料・副食費
Day care fee at supplementary food fee -
保育園入園児童の保護者の皆様へ(就労証明書等の提出)
Para sa mga magulang/guardian ng mga batang papasok sa day care center (tungkol sa pagsusumite ng "在職証明書" (certificate of employment)) -
公立・私立保育園等の入園状況
Tungkol sa kalagayan ng enrollment sa pampubliko/pribadong day care center -
Website para maghanap ng mga kindergarten na affiliated sa Hiroshima Prefecture Private Kindergarten Association (maaari ding maghanap ng center for early childhood education and care) (external site)(外部リンク)
-
"ここdeサーチ" (Koko De Saachi): website na maaaring paghanapan ng mga pasilidad para sa edukasyon o day care sa buong bansa (external site)(外部リンク)
-
Portal para gumawa ng "就労証明書” (shuro shomeisho)(work certificate) (external site)(外部リンク)
Download
-
Listahan ng mga nursery school, atbp (PDF 561.0KB)
-
Mga dokumentong ilalakip sa form ng aplikasyon (PDF 218.7KB)
-
"就労証明書" (Employment certificate) (PDF 121.6KB)
-
"就労証明書" (Employment certificate) (PDF 254.3KB)
-
"就労証明書" (Employment certificate) (Excel 32.5KB)
-
"就労証明書" (Employment certificate) (Excel 67.1KB)
-
"看護(介護)申立書" (Nursing (Caregiving) declaration form) (PDF 25.1KB)
-
"求職活動状況申立書" (Job-seeking situation declaration) (PDF 118.0KB)
-
"育児休業に係る職務復帰申立書" (Declaration of work reinstatement related to child care leave) (PDF 27.4KB)
-
"退所届・未入所届" (Notification of Withdrawal/Non-enrollment) (PDF 107.2KB)
-
"取下書" (Withdrawal Notice) (PDF 83.9KB)
-
Talahanayan ng mga criteria para sa placement (PDF 214.7KB)
-
Konsepto ng placement (PDF 122.6KB)
-
Halimbawa ng sambahayan (Paano makakuha ng priority rank/placement index) (PDF 71.3KB)
Paalala ng pag-iingat
*Ang karaniwang "Certificate of Incumbency" at "Employment Application/Certificate" ay inilipat sa "Certificate of Employment" na isang karaniwang format sa buong bansa mula Oktubre 1, 2022. Pakitandaan na walang problema sa paggamit ng dating format pagkatapos ng ika-1 ng Oktubre.
Bilang karagdagan, dahil sa paglipat sa "Certificate of Employment", ang stamping ay tinanggal mula Oktubre 1, 2022. Kung ginagamit mo ang tradisyunal na form na may seksyon ng selyo, maaari mo itong isumite nang hindi ito tinatatak. Pakitandaan na kung ang mga isinumiteng dokumento ay peke o binago (ginawa o binago nang walang pahintulot), maaaring hindi mo magamit (ipagpatuloy) ang nursery school, atbp. Bilang karagdagan, maaari kaming makipag-ugnayan sa Business Office (taong nag Certify, atbp.) upang kumpirmahin ang mga nilalaman ng Certificate of Employment.
PDFファイルをご覧いただくには、「Adobe(R) Reader(R)」が必要です。お持ちでない方はアドビシステムズ社のサイト(新しいウィンドウ)からダウンロード(無料)してください。
このページに関するお問い合わせ
こども未来局 幼保給付課
〒730-8586 広島市中区国泰寺町一丁目6-34
電話:082-504-2154(代表)
ファクス:082-504-2254
[email protected]