フィリピノ語:ひろしま平和の歌(Filipino:Awit ng Kapayapaan ng Hiroshima)

Xでポスト
フェイスブックでシェア
ラインでシェア

ページ番号1024106  更新日 2025年2月16日

印刷大きな文字で印刷

Awit ng Kapayapaan ng Hiroshima

Liriko: Yoshio Shigezono

Komposisyon: Minoru Yamamoto

  1. Kung saan dumadaloy ang mga puting ulap
    Sa dulo ng kalangitan, mula silangan hanggang kanluran
    Matining ang alingawngaw
    Sa tunog ng Kampana ng Kapayapaan
    Matapang tayong babangon ngayon
    At isusulong ang kaunlaran

  2. Kung saan umaagos ang mga asul na alon
    Sa dulo ng karagatan, mula silangan hanggang hilaga
    Iparating sa malayo ang ating dasal
    Sa tunog ng Kampana ng Kapayapaan
    Lalampasan natin ang mga pagsubok ngayon
    At lilingon sa kinabukasan

  3. Kung saan kumikinang ang dalisay na hangin
    Sa dulo ng bansang Hapon, sa mga kaibigan sa buong mundo
    Iparating ang ating nag-aalab na adhikain
    Sa tunog ng Kampana ng Kapayapaan
    Magkapit-bisig tayo ngayon
    At umawit nang may pagkakaisa

Ang “Awit ng Kapayapaan ng Hiroshima” ay isang awit na nilikha para sa “Peace Festival” na ginanap noong Agosto ng 1947 na may hangarin na gawing bukal ng kapayapaan sa daigdig ang Hiroshima City. Kumalap ang Peace Festival Association ng liriko mula sa publiko (sa pamumuno ni President Shinzo Hamai, dating Mayor ng Hiroshima) at nabuo ang awit sa pamamagitan ng paglapat ni Minoru Yamamoto ng musika sa napiling likha ni Yoshio Shigezono. Ang nasabing awit ay kinanta ng may dangal sa mataimtim na pagdaraos ng kauna-unahang Peace Festival noong ika-6 ng Agosto sa parehong taon. Ang nasabing awit ay kinakanta pa rin bawat taon sa Peace Memorial Ceremony.

このページに関するお問い合わせ

企画総務局 広報課報道担当
〒730-8586 広島市中区国泰寺町一丁目6-34
電話:082-504-2116(報道担当)  ファクス:082-504-2067
[email protected]