本文
Nilalayon ng Siyudad ng Hiroshima na lumikha ng isang lipunan kung saan iginagalang ng lahat ng tao ang mga karapatang pantao ng bawat isa, kinikilala ang pagkakaiba-iba at ganap na maipapakita ang kanilang pagkatao at kakayahan bilang tao.
Ang Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Hiroshima, na bahagi ng inisyatiba na ito, ay binubuo ng dalawang tao, isa o pareho sa kanila ay mga sekswal na minorya, na nagsusumite ng nakasulat na pangako dahil na sila ay magkasosyo sa buhay at na sila ay sumang-ayon na makipagtulungan sa isa't isa sa kanilang pang-araw-araw na buhay (partnership), at ang Siyudad ng Hiroshima naman ay mag-iisyu ng isang sertipiko ng pagtanggap o kard ng pagtanggap.
Bagama't walang legal na puwersa ang sistemang ito, inaasahan na ang pagkilala sa relasyong ito ng gobyerno ay magsusulong ng panlipunang pag-unawa sa mga sekswal na minorya at lumikha ng isang lipunan kung saan ang mga taong may sekswal na minorya ay maaaring mamuhay nang may seguridad.
Bilang karagdagan, ang isang tao o pareho sa kanila ay mga sekswal na minorya, may address sa siyudad o nagpaplanong lumipat sa siyudad (sa loob ng 14 na araw), at dapat matugunan ang lahat ng sumusunod na kinakailangan.
・Dapat ay nasa tamang edad
・Walang asawa (Kasama ang de facto na pagsasama)
・Hindi nanunumpa kaninuman maliban sa taong pinangangasiwaan ng panunumpa.
・Ang relasyon sa pagitan ng dalawang tao ay hindi dapat magkadugo (hindi agarang kadugo, collateral na kadugo sa loob ng ikatlong antas o agarang in-laws).
※Gayunpaman, kung ang dalawa ay ampon, maaari silang manumpa.
Mangyaring kumpirmahin ang detalye ng proseso na ginagamit sa Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Hiroshima
Proseso na ginagamit sa Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Hiroshima
Bilang isang tuntunin, ang mga appointment ay dapat gawin sa pamamagitan ng telepono, fax o email nang hindi bababa sa isang linggo bago ang nakatakdang petsa ng panunumpa.
Posibleng araw ng Panunumpa: Lunes~Biyernes (Hindi kasama ang Una at huling araw ng taon・Piyesta opisyal・Ika-6 ng Agosto)
Posibleng Oras ng Panunumpa: 8時30分 ng umaga ~ 4時15分 ng hapon
≪Lugar ng Pagpapareserba≫
Human Rights Development Division, Human Rights Development Department, Civic Affairs Bureau, Siyudad ng Hiroshima.
(14 Floor ng Main Building, 1-6-34 Kokutaiji-Machi, Naka Ward, Siyudad ng Hiroshima)
Tel:082-504-2165
Fax:082-504-2609
E-mail:jinken@city.hiroshima.lg.jp
※Mangyaring sabihin ang mga sumusunod sa oras ng pagpapareserba
(1) Pangalan, araw ng kapanganakan, address ng 2 tao
(2) Nais na araw at oras
(3) Numero ng telepono o mail address na maaaring macontact sa buong araw
Mangyaring pumunta mtapos makumpleto ang 2 tao sa araw na inireserba.
Pasusulatin ng Kasulatan ng Panunumpa ng Partnership.
Maghahanda ng Papel para sa Kasulatan ng Panunumpa ang Siyudad.
Kung walang mga hindi kumpleto o nawawalang mga dokumento, isang sertipiko ng pagtanggap at kard ng pagtanggap ang ibibigay sa loob ng isang oras.
《Larawan ng Sertipiko ng pagtanggap ng Kasulatan ng Partneship》
《Larawan ng Kard ng pagtanggap ng Kasulatan ng Partneship》
≪Lugar kung saan isusumite ang Kasulatan ng Panunumpa≫
Human Rights Development Division, Human Rights Development Department, Civic Affairs Bureau, Siyudad ng Hiroshima.
(14 Floor ng Main Building, 1-6-34 Kokutaiji-Machi, Naka Ward, Siyudad ng Hiroshima)
Tel:082-504-2165
Fax:082-504-2609
≪Lugar ng Panunumpa≫
Lugar na napili ng Siyudad.
・Sertipiko ng paninirahan o sertipiko ng mga bagay na nakasaad sa sertipiko ng
paninirahan (walang personal na numero (my number))
・Isang kopya ng abstract ng rehistro ng pamilya, atbp.
・Mga dokumentong nagpapatunay sa pagkakakilanlan ng aplikante (halimbawa: lisensya
sa pagmamaneho, pasaporte, atbp.)
・Mga dokumentong nagpapatunay sa pangalan ng tao (kung nais ng tao na gumamit ng
karaniwang pangalan)
・Kung nawala, nasira o nasira, maaaring mag-apply ang aplikante para sa muling pag-isyu ng Sertipiko ng pagtanggap ng Kasulatan sa Panunumpa ng Partnership atbp.
・Kung mayroong anumang mga pagbabago sa impormasyon sa Kasulatan dahil sa pagbabago ng address o pangalan, atbp., mangyaring magsumite ng Abiso ng mga pagbabago sa Kasulatan sa Form No. 5.
・Ang Sertipiko ng pagtanggap ng Kasulatan sa Panunumpa ng Partnership atbp. ay ibinibigay nang walang bayad. (Ang mga bayad para sa pag-isyu ng mga kinakailangang dokumento, tulad ng mga sertipiko ng paninirahan, ay sasagutin ng aplikante.)
・Bilang pagsasaalang-alang sa privacy, isang pribadong silid ang ihahanda para sa panunumpa bilang panuntunan.
・Ang proseso ng panunumpa ay maaaring isagawa sa ilalim ng karaniwang pangalan.
(Dapat magbigay ng dokumentasyon na nagpapatunay na ginagamit ng tao ang karaniwang pangalan sa pang-araw-araw na buhay.)
・Dapat naroroon ang dalawang tao sa oras ng panunumpa.
Kung ang alinman sa mga sumusunod ay naaangkop, mangyaring magsumite ng Form 6 Pagbabalik ng mga sertipiko ng pagtanggap, atbp., at ibalik ang mga sertipiko ng pagtanggap atbp.
・Kung nabuwag na ang Partnership
・Kung ay isa ay namatay na
・Kung wala ng address sa Siyudad ang dalawang tao
・Napawalang bisa ang panunumpa
・Panahon na hindi na naging angkop sa kinakailangang kondisyon sa panunumpa atbp.
Kung kailangan ng sertipiko ng mga nilalaman ng Kasulatan ng Panunumpa ng Partnership, mangyaring magsumite ng Form No. 7 Aplikasyon para sa Sertipiko ng mga Nilalaman ng Kasulatan ng Panunumpa.
Kung ang dalawang tao ay lilipat sa isang munisipalidad kung saan ang Siyudad ng Hiroshima ay mayroong ng isang kasunduan ng mutual na paggamit ng Sistema ng panunumpa ng partnership, maaaring patuloy na gamitin ang iyong sertipiko ng pagtanggap ng Siyudad ng Hiroshima atbp. sa munisipyo kung saan lilipat sa pamamagitan ng pagsusumite Form No. 9 Aplikasyon para sa patuloy na paggamit ng sertipiko ng pagtanggap, atbp. sa Siyudad ng Hiroshima. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Human Rights Development Division, Civic Affairs Bureau (Tel: 082-504-2165).
(Mga Munisipalidad na mayroong kasunduan kaugnay sa mutual na paggamit)
・Siyudad ng Okayama (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Enero Taong 3 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Okayama <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit [PDF File/142KB]
・Siyudad ng Fukuoka (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Abril Taong 3 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Fukuoka <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit [PDF File/146KB]
・Siyudad ng Akitakata (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Oktubre Taong 3 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Akitakata <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit [PDF File/145KB]
・Siyudad ng Mihara (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Enero Taong 4 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Mihara <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit [PDF File/144KB]
・Siyudad ng Hatsukaichi (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Abril Taong 4 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Hatsukaichi <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit [PDF File/148KB]
・Bayan ng Fuchu (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Abril Taong 4 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Bayan ng Fuchu <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit [PDF File/148KB]
・Bayan ng Kaita (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Oktubre Taong 4 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Bayan ng Kaita <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit
・Siyudad ng Miyoshi (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Enero Taong 5 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Miyoshi <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit
・Siyudad ng Higashi Hiroshima(Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Abril Taong 5 ng Reiwa)
Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Higashi Hiroshima <Panlabas na Link><外部リンク>
Dokumento ng balita kaugnay sa pagsisimula ng mutual na paggamit
・Siyudad ng Fuchu ng Prepektura ng Hiroshima (Nagsimula ang Mutual na paggamit noong ika-1 ng Oktubre Taong 5 ng Reiwa)
Ang sumusunod ay listahan ng mga serbisyong pang-administratibo at iba pang magagamit sa pamamagitan ng pagpapakita ng Sertipiko ng Pagtanggap o Kard ng sistema ng Panunumpa ng Partnership.
Ito ang listahan ng mga administratibong serbisyo atbp. na maaaring gamitin kahit kahit walang panunumpa.
Listahan ng mga administratibong serbisyo atbp. na maaaring gamitin kahit walang panunumpa
54 na panunumpa
Numero ng pag-isyu:21-22、21-32
Proseso ng Paggamit ng Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Hiroshima [PDF File/1.5MB]
Leaflet ng Sistema ng Panunumpa ng Partnership sa Siyudad ng Hiroshima [PDF File/362KB]
Human Rights Education Division, Human Rights Education Department, Citizens Affairs Bureau
1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City 730-8586
Tel: 082-504-2165 / Fax: 082-504-2609
Email: jinken@city.hiroshima.lg.jp