ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Paglikas Sakaling Magkaroon ng Sakuna sa Panahon ng COVID-19

本文

Paglikas Sakaling Magkaroon ng Sakuna sa Panahon ng COVID-19

Article ID:0000267752 印刷ページ表示

I-click ito kung nais malaman kung paano ang "Pagpigil ng Pagkakahawa ng COVID-19 sa evacuation site" ng lungsod

Panimula
 Dahil may posibilidad na magsimula na ang panahon ng tag-ulan dahil sa wet season at mga bagyo sa kalagitnaan ng pandemya, ginawa ang webpage na ito base sa mga bagong impormasyon upang tulungan kayong maagang magplano kung paano lumikas at magpalipas ng oras sa evacuation site sa panahon ng COVID-19.
 Mangyaring tandaan na ang mga hakbang na ito ay maaaring magbago dahil sa mga aktibong epidemiological studies tungkol sa COVID-19.

Mangyaring gamitin nang malaya ang aming ginawang flyer tungkol sa pag-iwas sa pagkalat ng sakit sa panahon ng sakuna.
 Flyer

Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakaiba ng mga Itinalagang Emergency Evacuation Site at Evacuation Site na makikita sa mga nakasulat.
Itinalagang Emergency Evacuation Site: Pasilidad o lugar upang agarang matakbuhan ang panganib ng isang napipintong sakuna. Ito ay itinatalaga ng pamahalaan ayon sa uri ng sakuna. Bilang panuntunan, nagbubukas ng isang itinalagang evacuation site sa bawat distrito ng elementarya kapag nag-isyu ng evacuation advisory, atbp.
Evacuation Site: Isang ligtas na lugar kabilang ang mga bahay ng mga kakilala, atbp., at mga itinalagang emergency evacuation site.

1 Paghandaan ang mga Evacuation Site

 Ang lungsod ay hindi pipigilan ang mga taong lumikas sa isang itinalagang emergency evacuation site kahit na masama ang pakiramdam ng taong ito. (Kung masama ang pakiramdam, mangyaring magsuot ng mask at hangga't maaari ay iwasan ang pakikisalamuha sa mga tao. Siguraduhin ding kumonsulta sa tanggapan sa itinalagang emergency evacuation site. )
 Hanggang sa ngayon, kapag nagpapakalat kami ng impormasyon tungkol sa paglikas (Tungkol sa Evacuation Advisory, atbp.), ay nanawagan kami na magsagawa ng boluntaryong paglikas sa mga bahay ng kakilala o kamag-anak na malayo sa panganib. Upang maiwasan ang masyadong pagdami ng tao sa mga evacuation site, hinihiling namin na tingnan ninyo at ng inyong mga pamilya ang mga sumusunod na impormasyon at pagplanuhan ang inyong paglilikasan.

(1) Kumpirmasyon ng mga mapanganib na lugar

 Una, alamin muna ninyo kung ang inyong bahay ay nasa mapanganib na lokasyon.
 Gayundin, mangyaring alamin din ang kung nasa mapanganib na lokasyon ang inyong kumpanya, dinadaanan papuntang trabaho, at mga lugar na madalas puntahan ng mga miyembro ng inyong pamilya na kasama ninyo sa bahay.
[Hiroshima City Disaster Prevention Portal<外部リンク>]

(2) Pag-isipan ang pupuntahang evacuation site

 Kung ang inyong bahay ay nasa mapanganib na lugar, atbp. at kinakailangang lumikas patungo sa ligtas na lugar, ang mga sumusunod ay ang mga destinasyon na maari ninyong paglikasan.

 Pansamantalang lumipat sa ligtas na lugar sa pangkalahatan tulad ng bahay ng kamag-anak o kakilala ninyo na nasa ligtas na lokasyon
 Lumipat sa mga lugar ng pagtitipon na pinapatakbo ng inyong komunidad o mga pasilidad na pinagkasunduan ng inyong komunidad at namamahala ng mga ito.
 Lumipat sa mga itinalagang emergency evacuation site na itinalaga ng lungsod depende sa uri ng sakuna.

 Ang impormasyon tungkol sa COVID-19 ay nag-iiba araw-araw, kaya siguraduhing pag-usapan ng buong pamilya kung ano ang pinaka-angkop na evacuation site para sa inyo base sa inyong sitwasyon.

I-click ito kung upang tingnan ang mga detalye ng mga itinalagang lugar ng emergency evacuation, atbp.

2 Paghandaan ang oras ng paglikas

 Kung ang inyong tirahan, atbp. ay nasa mapanganib na lugar, kahit na kumakalat ang COVID-19 ay kinakailangan ninyong lumikas patungo sa ligtas na lugar. Gayunpaman, mahirap ang aktwal na paglikas kung walang paghahanda.
 Kailan dapat lumikas? Sino ang kasamang lumikas? Saan lilikas? Ano ang dapat dalhin sa paglikas?
 Pag-isipan ang mga ito at planuhin ang paglikas ayon sa pangangailangan at estruktura ng inyong pamilya (kasama ang mga alagang hayop).

(1) Kumpirmahin ang inyong mga emergency supply

 Bilang paghahanda sakaling kailangan niyong agad na lumikas, ilagay sa backpack ang mga bagay na pinaka-kailangan niyo lamang sa oras ng paglikas at ilagay ito sa lugar kung saan mabilis niyo itong mailalabas.

Maghanda ng mga bagay ayon sa pangangailangan ng inyong pamilya (mga sanggol, matatanda, atbp.).
Bigyang-priyoridad ang mga bagay sa emergency supply at dalhin lamang ang kayang dami ng mga ito.
Kung lilikas sa evacuation site, atbp. ay magdala din ng tubig at pagkain.
Maghanda para sa bawat miyembro ng pamilya ng mga backpack (na kapag dala ay malaya pa ring mkakagalaw ang 2 kamay), at ilagay ang mga ito sa lugar kung saan mabilis niyo itong mailalabas.

 Bilang karagdagan, para din sa pag-iwas sa pagkakahawa ng COVID-19 ay magdala din ng mga mask, disinfectant, disinfectant wipes, thermometer, atbp.) hangga't sa kaya ninyo.

 I-click ito para sa impormasyon tungkol sa mga emergency supply at mga iniimbak sa bahay.

(2) Kumpirmahin ang aktwal na ruta ng paglikas

 Kapag nakapili na ng evacuation site na paglilikasan sa "1 Paghandaan ang mga Evacuation Site", aktwal na puntahan ito. Kahit na ang daan papunta ay sa isang kalsada na nakasanayan mong daanan sa araw, maaaring maging mas matagal ang oras ng paglalakad o mas mapanganib kaysa sa naisip mo kung idadagdag ang mga kondisyon tulad ng paggabi, malakas na ulan, at pagdadala ng mga bata. Kapag nagsagawa ng kumpirmasyon ay isipin ang aktwal na mangyayari sa oras ng paglikas.

 Gamitin ang Waga Machi Hazard Map at iba pang mga hazard map at subukang puntahan ang evacuation site.
 Maghanda ng iba't ibang ruta patungo sa evacuation site.
 Kumpirmahin kung aling ruta ang ligtas depende sa iba't ibang kondisyon

 Kung maaari ay kapag kayo ang naglakad-lakad ay subukang maglakad din sa mga lugar sa paligid ng itinalagang emergency evacuation site. Habang naglalakad ay bigyang-pansin ang 3C (Crowded places: mga matataong lugar; Close contact - malapitang pakikisalamuha sa ibang tao; Closed spaces: mga lugar na sarado sa hangin sa labas), at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang sa pag-iwas sa pagkahawa tulad ng pagsusuot ng mask.

3 Paghandaan ang pagpapalipas ng oras sa evacuation site

 Kung lilikas papunta sa isang evacuation site, kayo ay magtatagal dito hangga's sa mawala ang krisis tulad ng malakas na ulan. Sa partikular, maraming mga taong lumikas ang nagtitipon sa mga itinalagang emergency evacuation site, at madaling maramdaman ang pagkabalisa o pagkalito dahil naiiba ang sitwasyon kaysa sa nakasanayan. Dahil dito, pagplanuhan kung ano ang mga dapat isaalang-alang upang mapalipas ang oras sa evacuation site nang komportable sa isa't isa.

(1) Pagkilos nang may konsiderasyon sa iba

 Sa mga itinalagang emergency evacuation site, mula sa pag-aalala at pagkalito dahil sa hindi pangkaraniwang sitwasyon ng mga tao, maaaring maging mas madaling magalit o mas madaling magkasakit sila.

Dapat bigyan ng espesyal na konsiderasyon ang mga sanggol, matatanda, at mga taong may kapansanan.
 Kung may nakitang namomroblema o mukhang may sakit, kausapin ito o kaya ay ipaalam sa tanggapan.
 Huwag na huwag mang-abuso, maninirang-puri o magdidiskrimina ng mga taong may sakit o ng kanilang mga pamilya.
Sa mga itinalagang emergency evacuation site, kadalasan ay walang sapat na tao para tumulong, kaya ang mga taong maaaring gumalaw ay makipagtulungan.

(2) Konsiderasyon para maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit

Dahil sa pagkalat ng pagkahawa ng COVID-19, maraming tao ang nag-aalala na magpalipas ng oras sa itinalagang emergency evacuation site, kaya mangyaring mag-ingat upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon. I-click ito para sa "Mga hakbang laban sa pagkakahawa ng COVID-1 sa mga evacuation site" ng lungsod.

Kung masama ang pakiramdam, huwag tiisin at agad na kumonsulta sa tanggapan.

Masigasig na hugasan ang inyong mga kamay, at kung uubo ay magtakip ng bibig gamit ang panyo, atbp., at obserbahan ang tamang pag-uugali sa paghuhugas ng kamay at pag-ubo.

Hangga't maaari ay iwasan ang 3C (Crowded places: mga matataong lugar; Close contact - malapitang pakikisalamuha sa ibang tao; Closed spaces: mga lugar na sarado sa hangin sa labas).

 

Upang maiwasan ang 3C, kinakailangang
・ Mag-ventilate nang isang beses bawat 30 minuto
・ Panatilihin ang distansya sa pagitan ng mga taong lumikas
・Hangga't maaari ay bawasan ang pakikipag-usap at pagsasalita nang malapitan

 [Sanggunian]

 Q&A tungkol sa COVID-19 (para sa pangkalahatang publiko) (website ng Ministry of Health, Labor and Welfare)<外部リンク>
 Mga hakbang laban sa pagkahawa ng COVID-19 (website ng Secretariat ng Gabinete)<外部リンク>
 Impormasyon tungkol sa COVID-19 (website ng Lungsod ng Hiroshima)

4 Pangwakas

Gumagawa din ang gobyerno ng mga paghahanda kung kinakailangan upang ang lahat ay makalikas nang panatag at ligtas sa itinalagang emergency evacuation site at makapagpalipas ng oras hanggang sa matapos ang krisis.

 Mangyaring sumangguni din sa aming hinandang booklet na Hiroshima City Tachimachi Disaster Prevention Handbook na naglalaman ng pangunahing impormasyon kung paano maghanda at protektahan ang sarili sa oras ng mga sakuna.

Adobe Reader<外部リンク>

PDF形式のファイルをご覧いただく場合には、Adobe社が提供するAdobe Readerが必要です。
Adobe Readerをお持ちでない方は、バナーのリンク先からダウンロードしてください。(無料)


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付