本文
Dahil mayroon kayong lupa, bahay at depreciable assets (tinatawag ang lahat bilang fixed assets) sa Hiroshima City noong Enero 1 ng taong ito,magpapadala kami sa inyo ng notice of tax payment para fixed asset tax/city planning tax.
Mangyaring tingnan ang webpage na ito para sa overview ng mga buwis na ito.
Ang mga sumusunod ay ang 2 paraan ng pagbabayad.
1 Payment Slip
Mangyaring gamitin ang nakalakip na payment form at bayaran bago ang nakasaad na due date sa notice o sa payment form.
Maaaring magbayad sa mga sumusunod na lugar.
Bukod diyan, maaari ka ring magbayad ng Municipal Tax sa online gamit ang credit card o smartphone app.
Upang makapagbayad gamit ang credit card o smartphone app sa online, kinakailangan ang nakalakip na payment form (barcode lamang)
at smartphone o tablet, atbp. na maaaring kumonekta sa internet. Mangyaring i-click ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa credit card
Mangyaring i-click ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa smartphone app(Ang website na naka-link ay nakasulat sa Japanese kaya mangyaring isalin ito gamit ang auto-translate (I-click ang "Auto-translate this page " sa itaas na bahagi ng web page.))
2 Bank transfer
Kung magbabayad gamit ang bank transfer,
awtomatikong makakaltas sa inyong savings account sa oras ng due date ang kabayaran.
Mangyaring i-click ito para sa mga detalye. (Ang website na naka-link ay nakasulat sa Japanese kaya mangyaring isalin ito gamit ang auto-translate (I-click ang "Auto-translate this page " sa itaas na bahagi ng web page.))