ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > [TB] Tungkol sa Tuberkulosis

本文

[TB] Tungkol sa Tuberkulosis

Article ID:0000139416 印刷ページ表示

Ang “TB” ay modernong sakit

Ang Tuberkulosis o TB ay isang malala at nakakahawang sakit na binansagang “sakit ng masa” mula sa panahon ng Meiji hanggang sa 1950s.
Hanggang sa 1950, ang TB ang naging sanhi ng kamatayan ng higit sa 100,000-katao kada taon, at siyang pinakanakakamatay na sakit. 
Sa kasalukuyan, dahil sa paglago ng medisina at pamumuhay ng tao, maaari na itong malunasan sa pag-inom ng gamot. Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring natutuklasang mahigit-kumulang na 17,000 na kaso nito sa buong bansa at hindi bumababa ng 100 na kaso sa lungsod ng Hiroshima kada taon, kaya hindi ito masasabing “sakit ng nakaraan”.
Ang Japan ay kabilang sa mga may “katamtamang panganib*” ng TB sa buong mundo.
Sa mga nakaraang taon, nagiging problema ang tumatandang mga pasyente, at ang dumaraming bilang ng mga kabataang dayuhan na nagkakaroon ng TB.
 
*Mga bansang ang dami ng natutuklasang bagong kaso ng TB kada taon ay 10-100 katao sa bawat 100,000 katao

 

Ano ang TB

 Ang TB ay humahawa sa iba sa pag-ubo o pagbahing ng taong may TB. Kahit na mahawaan pa man nito, ang karamihan ng mga tao ay makakapamuhay nang hindi nagkakasakit, ngunit madaling magkakasakit ang mga mahihina ang resistensya.

Kapag nagkaroon ka ng TB, makararanas ka ng mga sintomas na tulad ng pag-ubo, plema, at mababang lagnat.
Kung pababayaan ito ng walang lunas, maaaring lumala ang mga sintomas, kumalat sa mas maraming tao ang impeksyon, at maaari rin itong ikamamatay.

Ang TB ay karaniwan sa mga matatanda

Sa taong 2018, mayroong 108 na bagong kaso ng TB sa lungsod ng Hiroshima, at mahigit-kumulang 70% nito ay mga nasa 65 taong gulang pataas.

Ito ay dahil karamihan sa mga taong nahawaan ng TB noong kumalat ito nang malawak ay humina na ang resistensya dala ng pagtanda.

Kami ay nagsasagawa ng "pagsusuri para sa TB (x-ray examination ng baga)" ng libre para sa mga 65 taong gulang pataas.
Pinapayo naming magpasuri ng isang beses kada taon kahit na wala pang nakikitang sintomas tulad ng pag-ubo.
Sumangguni dito para sa pagsusuri para sa TB.

gr

Age groups of newly diagnosed tuberculosis patients in Hiroshima City 2018

Kung positibo ka sa TB

Sa tanggapang pangkalusugan, alinsunod sa batas* ang mga positibo sa TB ay ipapa-ospital at pagbabawalang pumasok sa trabaho kung napag-alamang kinakailangan para maiwasan ang patuloy na pagkalat ng TB. Kung mayroon namang panganib ng pagkahawa ng sakit sa mga kapamilya o mga nakapalibot sa pasyente, isasagawa ang pagsusuring pangkalusugan (tulad ng x-ray sa baga o pagsusuri ng dugo).
*Mga batas na kaugnay ng pag-iwas sa nakakahawang sakit, at ng mga pasyenteng may nakakahawang sakit 

Tungkol sa sistema ng pampublikong pondo para sa paggamot ng TB

Mayroong sistema kung saan ang kinakailangang mga gastos pang-medikal para sa paggamot ng TB ay makukuha mula sa pampublikong pondo kung mag-aaplay ang pasyente na may TB o ang kanilang tagapangalaga.
Kung gagamitin ang pampublikong pondo, ang paggamot ay dapat sumunod sa mga pamantayan para sa paggamot ng TB na itinakda ng Ministry of Health, Labour and Welfare.
Maliban dito, ang halaga ng pampublikong pondo ay mag-iiba ayon sa pagka-ospital o pagpunta sa ospital, mga kinakailangang paggamot, at halaga ng kita. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnay sa tanggapang pangkalusugan ng iyong ward.
  Link [TB] Sistema ng pampublikong pondo para sa paggamot ng TB

Paraan ng paggamot ng TB

Kakailanganing uminom ng gamot pang-TB (gamot na pumapatay ng bacteria ng TB) ng 6 hanggang 9 na buwan.
Ang hindi madaling mamatay ang bacteria ng TB kung kaya ang panahon ng paggamot ay mahaba, at kung biglang ititigil ang paggamot sa gitna ng pag-inom dahil sa nawala na ang mga sintomas, maaaring dadami ulit ang bacteria o hindi na maagapan ang sakit, at sa halip na gumaling ang sakit ay maaaring hindi na tumalab ang gamot sa bacteria (dahil sa pagbuo nito ng resistensya laban sa gamot). Ang paggamot ng TB na nagkaroon ng resistensya sa gamot ay mas mahirap at mas mangangailangan pa ng mahabang panahon.
Kaya kung ikaw ay magkaka-TB, sundin ang gabay ng doktor at siguraduhing uminom ng gamot mula 6 hanggang 9 na buwan.
Kung sakaling may hindi maling epekto ang gamot na iniinom, huwag itigil ang pag-inom at kumonsulta muna sa doktor.

 

Ating iwasan ang TB

Kahit pa nahawaan ka ng bacteria ng TB, hindi ito parating nagdudulot ng sakit, at kadalasan ay pinipigilan ng resistensya ng katawan ang pagdami ng bacteria.
Upang maiwasang mahawaan at magkasakit, palaging gawin ang sumusunod na apat na payo upang mapalakas ang iyong resistensya.
  (1) Mag-ehersisyo ng katamtaman.
  (2) Huwag maging mapili sa pagkain at kumain ng balanseng pagkain   (3) Matulog sa wastong oras.
  (4) Huwag manigarilyo.
Ang pagbabakuna (BCG) (*2) ay epektibo para sa mga sanggol na mas malaki ang posibilidad ng paglala ng sakit kapag nahawaan ng TB dahil sa mahinang resistensya.
 
*2: Hanggang 1 anyos ang maaaring magpabakuna ng BCG. (Ang inirekumendang panahon ng pagbabakuna ay 5-8 buwan pagkatapos ng kapanganakan)

 LinkTungkol sa mga bakunang pambata

[Sa mga institusyong medikal] Tungkol sa pag-abiso batay sa batas ng nakakahawang sakit

Kapag natukoy ng isang doktor na ang isang pasyente ay may TB, kinakailangang ipagbigay-alam agad ito sa tanggapang pangkalusugan alinsunod sa Artikulo 12, Talata 1 ng Batas sa Pagkontrol ng Nakakahawang Sakit.
Bukod dito, kapag ang isang pasyente na may TB ay naospital o ang isang ospital ay nagpalabas ng pasyenteng naospital na may sakit na TB, dapat abisuhan ng tagapamahala ng ospital ang tanggapang pangkalusugan sa loob ng 7 araw alinsunod sa Artikulo 53-11 ng Batas ng Nakakahawang Sakit.
 
 Link [TB] Sa mga institusyong medikal

Linggo ng Pag-iwas sa TB at Pandaigdigang Araw ng TB

Ang Ministry of Health, Labour and Welfare ay itinalaga ang linggo mula Setyembre 24 hanggang 30 bilang "Linggo ng Pag-iwas sa TB" bawat taon, at layunin nito na higit na mapataas ang tamang kaalaman sa TB upang higit na mapataas ang pampublikong kamalayan.
Itinatag naman ng World Health Organization (WHO) sa 1997 World Health Assembly ang Marso 24, 1882 bilang “Pandaigdigang Araw ng TB”. Ito ang araw na inihayag ng Aleman na bacteriologist na si Robert Koch ang pagkatuklas ng bacteria ng TB sa lipunan. Layunin nito na hikayatin ang bawat bansa na palakasin ang mga hakbang na isinasagawa laban sa TB.

Lokasyon at impormasyong pang-kontak ng tanggapang pangkalusugan ng bawat ward

Pangalan

Lokasyon

Telepono

Tanggapang Pangkalusugan ng Naka, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Sentro ng Kapakanang Pangkomunidad ng Naka Ward)

4-1-1 Ote-machi

504-2528 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Tanggapang Pangkalusugan ng Higashi, Dibisyon ng Lokal na Suporta (Sentro ng Kapakanang Pangkalahatan ng Higashi Ward)

9-34 Higashikaniya-cho

568-7729 (Pangalawang Seksyon ng Suporta Pangrehiyon)

Tanggapang Pangkalusugan ng Minami, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Minami Ward Office Annex)

1-4-46 Minami-machi

250-4108 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Tanggapang Pangkalusugan ng Nishi, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Sentro ng Kapakanang Pangkomunidad ng Nishi Ward)

2-24-1 Fukushima-cho

294-6235 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Tanggapang Pangkalusugan ng Asa-minami, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Sentro ng Kapakanang Pangkalahatan ng Asa-minami Ward)

1-38-13 Nakasu

831-4942 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Tanggapang Pangkalusugan ng Asa-kita, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Sentro ng Kapakanang Pangkalahatan ng Asa-kita Ward)

3-19-22 Kabe

819-0586 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Tanggapang Pangkalusugan ng Aki, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Sentro ng Kapakanang Pangkalahatan ng Aki Ward)

3-2-16 Funakoshiminami

821-2809 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Tanggapang Pangkalusugan ng Saeki, Dibisyon ng Mahabang Buhay at Serbisyong Pangkalusugan (Saeki Ward Office Annex)

1-4-5 Kairoen

943-9731 (Seksyon ng Pag-iwas sa Sakit)

Mga Link

Homepage ng Japan Anti-Tuberculosis Association<外部リンク>
   Homepage ng Research Institute of Tuberculosis<外部リンク>
   2018 outbreak status ng mga kaso ng TB sa buong bansa (website ng Ministeryo ng Kalusugan, Trabaho at Kapakanan)<外部リンク>

Contact Information Tungkol sa Pahinang Ito

 

Health and Welfare Bureau, Health Department, Health Promotion Division, Health and Prevention Section

1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City 730-8586

Tel:082-504-2622  Fax:082-504-2258

k-suishin@city.hiroshima.lg.jp


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付