本文
Ang personal resident tax at prefectural resident tax ay mga buwis na kinakailangang bayaran sa Hiroshima City, kahit na kayo man ay isang dayuhan, hangga't mayroon kayong address sa Hiroshima City mula Enero 1 at sumusweldo ng nakatakdang halaga o higit pa. Kahit na umalis sa Japan sa Enero 2 o pagkalipas, hindi mawawala ang inyong obligasyong magbayad ng personal resident tax/prefectural resident tax.
Ang halagang kailangang bayaran ay matutukoy base sa natanggap na suweldo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng nakaraang taon.
Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagbabayad ng personal resident tax/prefectural resident tax.
Paunang ikakaltas ng inyong pinagtatrabahuhang kumpanya ang personal resident tax/prefectural resident tax mula sa inyong suweldo at ibabayad ito sa Hiroshima City. Ito ay ang pangkalahatang patakaran para sa mga nagtatrabaho sa mga kumpanya at hindi kailangang sariling magbayad ng personal resident tax/prefectural resident tax.
Makakatanggap mula sa Hiroshima City ng tax payment notice para sa personal resident tax/prefectural resident tax.
Mangyaring gamitin ang nakalakip na payment form at bayaran bago ang nakasaad na due date sa notice o sa payment form.
Maaaring magbayad sa mga sumusunod na lugar.
Maaring magbayad (Cashless payment) gamit ang credit card o smartphone application (smartphone app). Kailangan ang form para sa pagbabayad na nakapaloob sa sobre (mga form para sa pagbabayad may QR code lamang ang maaaring gamitin) at isang smartphone o computer na may internet access. Mangyaring kumpirmahin dito para sa mga detalye.(Ang website na naka-link ay nakasulat sa Japanese kaya mangyaring isalin ito gamit ang auto-translate (I-click ang "Auto-translate this page " sa itaas na bahagi ng web page.))
Kung magbabayad gamit ang bank transfer,awtomatikong makakaltas sa inyong savings account sa oras ng due date ang kabayaran.
Mangyaring i-click ito para sa mga detalye. (Ang website na naka-link ay nakasulat sa Japanese kaya mangyaring isalin ito gamit ang auto-translate (I-click ang "Auto-translate this page " sa itaas na bahagi ng web page.))
Kapag aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.), kinakailangang magtalaga ng isang taong nakatira sa Japan bilang ahente ng buwis(*). Mangyaring magsumite sa tanggapan ng buwis-pangmunisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward ng "abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture" kung ang ahente ay nakatira sa loob ng lungsod ng Hiroshima, at "abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture (aplikasyon para italaga o baguhin ang ahente ng buwis)" kung ang ahente ay nakatira sa labas ng lungsod ng Hiroshima.
Kung wala namang problema sa pagtanggap ng abiso ng pagbayad ng buwis o sa pagbayad ng halaga, sa halip na mga dokumentong nakasaad sa itaas ay mangyaring magsumite ng "abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture (aplikasyon para sa hindi pagtalaga ng ahente ng buwis)".
Bukod dito, mangyaring magsumite ng "abiso ng pagbabago tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture" kung mayroong pagbabagong naganap sa mga impormasyong nakasaad sa abiso o aplikasyong isinumite.
(*)Ibig sabihin ng ahente ng buwis
Ito ang taong mamamahala sa mga gawaing kaugnay ng buwis tulad ng pagtanggap ng abiso ng pagbayad ng buwis o pagbayad ng halaga para sa mga dahilan na tulad ng paglabas ng bansa ng may-buwis. Dahil dito, ang mga dokumento na tulad ng abiso ng pagbayad ng buwis ay ipapadala sa ahente. Kung walang abiso tungkol sa ahente ng buwis, hindi maipapadala ang abiso ng pagbayad ng buwis, kaya ito ay ilalabas sa publiko alinsunod sa batas. Kung hindi mababayaran ang buwis sa loob ng takdang oras, kinakailangang magbayad para sa pagpapaliban, kaya mangyaring siguraduhing makapag-susumite ng abiso.
Ang abiso tungkol sa ahente ng buwis ay isinusumite sa tanggapan ng buwis pangmunisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward, kaya mangyaring makipagpanayam sa nasabing tanggapan para sa karagdagang detalye.
Kahit na lumabas pa man ng bansa sa kalagitnaan ng taon (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.) hindi pa rin mawawala ang iyong obligasyon na magbayad ng buwis pang munisipyo at buwis pang-prefecture.
Kung ang buwis pangmunisipyo/prefecture ay espesyal na kinokolekta sa buwanang kita (sa pamamagitan ng pagbawas), may paraan upang ang buwis ay mabayaran ng isahan gamit ang huling matatanggap na kita o redundancy pay. Para sa isahang pagbabayad ng buwis, mangyaring magtanong sa iyong lugar na pinagtatrabahuan tungkol dito. Bukod dito, kung aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.) sa anumang araw mula Enero 1 hanggang Abril 30, magiging obligado ang lugar na pinagtatrabahuan na bayaran ang buwis nang isahan kaya hindi na kailangang magtanong.
Kung ang buwis ay hindi mababayaran gamit ang huling matatanggap na kita o redundancy pay, mapapadalhan ang ahente ng buwis na natukoy sa 1 sa itaas ng abiso ng pagbayad ng buwis.
Ang kasunduan sa bilateral na buwis ay isang kasunduan sa gitna ng Japan at ang katambal na bansa upang maiwasan ang dobleng pagkolekta ng buwis. Ang mga dayuhang estudyante o business apprentice na galing sa mga katambal na bansa at pasok sa mga tiyak na pamantayan ay maaaring hindi inoobligahang magbayad ng buwis ng kita o buwis pangmunisipyo/prefecture, ngunit magkaiba para sa bawat bansa ang mga kondisyong itinalaga tulad ng bagay na binuwisan o ang kita.
Ang mga kondisyon sa iksemsyon sa pagbayad ng buwis alinsunod sa kasunduan sa bilateral na buwis ay nag-iiba depende sa katambal na bansa. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnay sa "Kawani ng Pinansya, Dibisyon ng Buwis, Seksyon ng Buwis Pangmunisipyo Kaugnay ng Isahang Pagbayad", o di kaya sa tanggapan ng buwis pangmunisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward.
Ang mga maaaring makakuha ng iksemsyon sa pagbayad ng buwis pang munisipyo/prefecture alinsunod sa kasunduan sa bilateral na buwis ay kinakailangang magsumite sa takdang oras (hindi lalampas ng Marso 15) kada taon ng abiso tungkol sa iksemsyon sa pagbayad ng buwis. Ang mga nakasaad o nakalakip na dokumento sa abiso ay nakadepende sa mga kondisyon ng aplikasyon, kaya mangyaring makipag-ugnay sa "Kawani ng Pinansya, Dibisyon ng Buwis, Seksyon ng Buwis Pangmunisipyo Kaugnay ng Isahang Pagbayad", o di kaya sa tanggapan ng buwis pang munisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward.
Bukod dito, kung ang pinagtatrabahuan (nagbibigay ng kita) ng dayuhang makatatanggap ng iksemsyon ang magsusumite ng abiso ng pagbayad ng buwanang kita at makakapag-abiso tungkol sa iksemsyon sa pagbayad ng buwis pangmunisipyo/prefecture, mangyaring isulat sa buod ng abiso ng pagbayad ng buwanang kita na ang empleyado ay makatatanggap ng iksemsyon alinsunod sa kasunduan sa bilateral na buwis (Alinsunod sa Artikulo __ ng Kasunduang Pangbuwis ng Japan-______ (hal.: Alinsunod sa Artikulo 21 ng Kasunduang Pangbuwis ng Japan-China)) bago ito isumite.
Mangyaring tandaan na ang abiso ng iksemsyon sa buwis ng kita (kaugnay ng kasunduan sa bilateral na buwis) na isinumite sa tanggapan ng buwis ay hindi magbibigay ng iksemsyon sa buwis pangmunisipyo/prefecture.
Pangalan ng Division |
Tungkulin |
TEL. |
|
FAX |
Address |
Citizen’s Tax Division |
Namamahala ng special collection |
082-504-2089 |
shiminzei@city.hiroshima.lg.jp |
082-504-2129 |
1-6-34 Kokutaijimachi, Naka-ku, Hiroshima, 730-8586 (Sa loob ng Hiroshima City Hall) |
(Tandaan) Kami ay sarado sa mga national holiday, holiday, Sabado, Linggo, Agosto 6, at mula Disyembre 29 hanggang Enero 3.
City Tax Office |
Tungkulin |
Namamahalang Ward |
Numero ng Telepono |
|
FAX |
Address |
Chuo City Tax Office |
Pangunahing namamahala ng municipal tax |
Naka-ku |
082-504-2564 |
082-504-2378 |
1-4-21 Kokutaijimachi, Naka-ku, Hiroshima, 730-8587 (Sa loob ng Naka Ward Hall) |
|
Pangalawang namamahala sa municipal tax |
Minami-ku |
082-504-2751 |
||||
Tobu City Tax Office |
Namamahala sa municipal tax |
Higashi-ku/Aki-ku |
082-568-7719 |
082-567-6006 |
9-38 Higashikaniyacho, Higashi-ku, Hiroshima, 732-8510 (Sa loob ng Higashi Ward Hall) |
|
Nishi City Tax office |
Pangunahing namamahala sa municipal tax |
Nishi-ku |
082-532-0942 |
082-232-2127 |
2-2-1 Fukushimacho, Nishi-ku, Hiroshima, 733-8530 (Nishi Ward Hall) |
|
Pangalawang namamahala ng municipal tax |
Saeki-ku |
082-532-1012 |
||||
Northern City Tax Office |
Pangunahing namamahala sa municipal tax |
Asaminami-ku |
082-831-4935 |
082-877-6288 |
1-33-14 Furuichi Asaminami-ku, Hiroshima, 731-0123 (Asaminami Ward Hall) |
|
Pangalawang namamahala ng municipal tax |
Asakita-ku |
082-831-5016 |
(Tandaan) Kami ay sarado sa mga national holiday, holiday, Sabado, Linggo, Agosto 6, at mula Disyembre 29 hanggang Enero 3.
Pangalan ng Tax Office |
Numero ng Telepono |
|
FAX |
Address |
Chuo (Central) City Taxation Affairs Office Minami Tax Office |
082-250-8946 |
chuozei@city.hiroshima.lg.jp |
082-254-2624 |
1-5-44 Minamimachi, Minami-ku, Hiroshima, 734-8522 (Sa loob ng Minami Ward Office) |
Tobu (East) City Taxation Affairs Office Aki Tax Office |
082-821-4913 |
toubuzei@city.hiroshima.lg.jp |
082-824-0411 |
3-4-36 Funakoshiminami, Aki-ku, Hiroshima, 736-8501 (Sa loob ng Aki Ward Office) |
Seibu (West) City Taxation Affairs Office Saeki Tax Office |
082-943-9716 |
seibuzei@city.hiroshima.lg.jp |
082-943-3310 |
2−5−28 Kairoen,Saeki-ku, Hiroshima 731-5195 (Sa loob ng Saeki Ward Office) |
Hokubu (North) City Taxation Affairs Office Asakita Tax Office |
082-819-3913 |
hokubuzei@city.hiroshima.lg.jp |
082-815-1650 |
4-13-13 Kabe Asakita-ku, Hiroshima, 731-0292 (Sa loob ng Asakita Ward Office) |
(Tandaan) Kami ay sarado sa mga national holiday, holiday, Sabado, Linggo, Agosto 6, at mula Disyembre 29 hanggang Enero 3.
Abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefectur [Wordファイル/23KB]