本文
Tanggapan ng Aplikasyon |
Panahon ng Aplikasyon |
Ang Iyong Kailangan |
Ang Magsusumite ng Abiso |
Ward Office Citizen Section/Sub-branch Office ng iyong tirahan (Hindi kasama ang contact office.) |
Hanggang sa iyong paglipat ※ |
Kapangyarihan ng Abogado [PDFファイル/85KB](Sa kaso ng representante. Gayunpaman, hindi kailangang nakatira kayo sa parehong pamamahay.) My Number Card o Basic Resident Registration Card (Kung mayroon nito) Notification Card(Kung lilipat ka sa ibang bansa) Residence Card/Special Permanent Resident Certificate National Health Insurance Card (Miyembro lang) Latter-stage Elderly Medical Care Insurance Card (Miyembro lang) Seal Registration Card (Kung mayroon nito) Long-term Care Insurance Card (Ang mayroon lang) Mga dokumento na nagpapatunay ng pagkakakilanlan ng taong dumating sa tanggapan (Residence card, Special Permanent Resident Certificate, driver’s license, pasaporte, health insurance card, atbp.) |
Ikaw, pinuno ng sambahayan, o representate |
※Kung hindi ka makapagsumite ng abiso bago lumipat, mangyaring isumite ito kaagad pagkatapos lumipat.
Kung hindi ka nakapagsumite sa loob ng 14 na araw mula sa araw ng paglipat, maaari kang parusahan ng isang non-penal fine na hindi hihigit sa 50,000 yen.
Abiso sa Kaso ng Paglipat Nang Hindi Nagsumite ng Abiso ng Paglipat sa Citizens Affairs Section ng Opisina ng Ward o Isang Branch Office Nito sa Lungsod ng Hiroshima
Sa ganitong sitwasyon, maaari kang magsumite ng abiso sa ward office o branch office sa pamamagitan ng koreo. Sa paggawa nito, mapapadala mo ang sertipiko ng paglipat. Kapag magsumite ng abiso, mangyaring i-download at gamitin ang form na “Abiso ng paglipat (Postal billing lamang) [PDFファイル/101KB]” na nakasulat sa “Form para sa pag-aplay ng family register, sertipiko ng paninirahan, atbp.” Mangyaring siguraduhin na maglakip ng self-addressed stamped envelope (bagay na mayroong reply stamp at address at pangalan ng tatanggap). Para sa mga detalye, tingnan ang “Nais kong malaman kung paano magsumite ng abiso ng paglipat sa pamamagitan ng koreo”
Kapag ang Lilipat ay May My Number Card o Basic Resident Register Card
Kung natanggap mo ang iyong My Number Card o basic resident register card, at ikaw ay nagsumite ng abiso ng paglipat sa pamamagitan ng koreo nang maaga, maari mong kumpletuhin ang proseso ng paglipat sa pamamagitan ng pagdala ng iyong my number card o basic resident register card sa tanggapan.
※Ang pag-isyu ng basic resident register card ay nagtapos sa Disyembre 2015, ngunit maaari mong gamitin ang basic resident register card hanggang sa petsa ng pagkawalang bisa nito.
Para sa patuloy na paggamit, mangyaring isagawa ang proseso sa tanggapan kapag ikaw ay magsumite ng abiso. Para sa mga detalye, tingnan ang “Mga Espesyal na Probisyon sa Pamamaraan para sa Sertipiko ng Paninirahan sa Oras ng Paglipat at Pag-alis”.
Ward office, branch office