ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Ukol sa mga paper crane at “Children’s Peace Monument”

本文

Ukol sa mga paper crane at “Children’s Peace Monument”

Article ID:0000010089 印刷ページ表示

Children’s Peace Monumentの画像1Children’s Peace Monumentの画像2Children’s Peace Monumentの画像3

 Makakakita ng makukulay na mga paper crane sa iba’t ibang lugar sa loob ng Peace Memorial Park. Isa sa mga origami na tradisyonal na kultura ng Japan ang paper crane, ngunit sa kasalukuyan itinuturing itong simbolo ng kapayapaan, at itinutupi ito sa paghahangad ng kapayapaan sa iba’t ibang bansa. Sa pagkaugnay ng paper crane sa kapayapaan, malaki ang bahagi ng batang babaeng si Sadako Sasaki na namatay sa leukemia 10 taon pagkatapos ng paghulog ng bomba atomika.

 Naging biktima ng bomba atomika si Sadako Sasaki (12 taong gulang noon) noong 2 taong gulang siya pero wala siyang pinsalang panlabas, at lumaki siyang malusog na bata. Ngunit pagkatapos ng 9 taon, noong taglagas nang nasa ika-6 baitang siya sa mababang paaralan (taong 1954/ Shōwa 29), bigla na lang lumitaw ang indikasyon ng karamdaman, at noong Pebrero ng sumunod na taon, na-diagnose siya ng leukemia at ipinaospital sa Hiroshima Red Cross Hospital. Nagpatuloy siyang magtupi ng crane gamit ang pambalot na papel at iba pa sa paghahangad na gumaling, ngunit pagkatapos ng 8 buwan ng pakikipaglaban sa kanyang karamdaman, pumanaw siya noong ika-25 ng Oktubre, taong 1955 (Showa 30).

 Nagsimula ang kilusan para gumawa ng rebulto para sa paghugis ng kapayapaan at pagbibigay-ginhawa sa kaluluwa ng mga batang pumanaw dahil sa bomba atomika mula ng pagpanaw ni Sadako, at sa donasyon mula sa buong bansa, nabuo ang “Children’s Peace Monument” sa loob ng Peace Memorial Park. Pagkatapos noon, kumalat ang kuwentong ito sa buong mundo, at maging ngayon iniaalay ang paper crane mula sa loob ng Japan at pati na rin sa iba’t ibang bansa sa mundo. Umaabot ang bilang ng mga paper crane sa mga 10 milyon, may bigat na mga 10 ton sa loob ng isang taon.

Buod ng “Children’s Peace Monument”

  • Itinayo ng Hiroshima Society of School Children for Building World Peace
  • Inilikha ni Kazuo Kikuchi, propesor ng Tokyo University of the Arts

 Dahil maraming semba-dzuru o tali ng sanlibong paper crane ang iniaalay sa “Children’s Peace Monument” sa buong taon, tinatawag din itong “Tower of a Thousand Cranes.”

 May taas na 9 metro ang monumento, sa tuktok nito nakatayo ang tansong rebulto ng batang babaeng nag-aalay ng paper crane, at ipinagkakatiwala ang pangarap ng kapayapaan sa kinabukasan. Sa kaliwa at kanang gilid, may batang lalaki at batang babae na sumasagisag ng maliwanag na pag-asa. Sa ilalim ng rebulto, nakaukit sa batong monumento ang mga salitang “Ito ang aming sigaw Ito an gaming dasal Para sa paghugis ng kapayapaan sa mundo.” Sa loob ng tower, nakabitin ang kampanang itinulad sa dōtaku na tansong kampana noong Yayoi period (300 BC to AD 300) sa Japan. Nakaukit sa kampana ang titik na “Semba-dzuru (tali ng sanlibong paper crane),” “Kapayapaan sa lupa at sa langit” na isinulat ng nakatanggap ng Nobel Prize sa Physics na si Hideki Yukawa na napukaw ang loob sa damdamin ng mga batang babae at lalaki. Sa ilalim ng kampana, may nakabiting gintong crane at tumutunog ito nang tulad ng wind chime. (Muling gawa noong taong 2003 (Heisei 15) ang gintong crane at kampanang ito, at naka-display naman ang orihinal sa lobby sa unang palapag ng East building ng Hiroshima Peace Memorial Museum.)

 Sa paligid ng “Children’s Peace Monument” na ito, may paper crane booth para sa mga nais mag-alay ng paper crane.

Ang daan hanggang sa pagbuo ng “Children’s Peace Monument”<外部リンク>

Lumaganap sa buong bansa ang kilusan para sa pagtatayo ng “Children’s Peace Monument” na nagsimula sa pagpanaw ni Sadako Sasaki, at pagkatapos ng 3 taon, nabuo ang monumento noong ika-5 ng Mayo ng taong 1958 (Shōwa 33). Nakasulat dito ang tungkol sa kilusan tungo sa pagtatayo at ang daan hanggang sa pagbuo ng monumentong ito.

Si Sadako at mga paper crane<外部リンク>

Nakasulat dito ang tungkol sa nilalaman ng exhibition kaugnay kay Sadako Sasaki na idinaos sa Hiroshima Peace Memorial Museum mula Hulyo hanggang Disyembre ng taong 2001 (Heisei 13).

Pagpapahiram ng mga “Poster ni Sadako at mga paper crane”<外部リンク>

Ipinapahiram sa mga paaralan, iba’t ibang pangkat para sa kapayapaan, pamahalaang lokal at iba pa sa buong bansa ang mga poster (1 set 26 piraso) na nagpapahatid ng kahalagahan ng kapayapaan at pinsalang dulot ng bomba atomika sa pamamagitan ng buong buhay ni Sadako Sasaki na naging biktima ng bomba atomika noong 2 taong gulang at pumanaw sa leukemia pagkatapos ng 10 taon. Tumawag sa Outreach Division ng Hiroshima Peace Memorial Museum sa telepono (082)541-5544 para sa mga katanungan.

Kaugnay na Impormasyon

Para sa katanungan tungkol sa pahinang ito

Peace Promotion Division, International Peace Promotion Department, Citizens Affairs Bureau
Tel:082-242-7831/Fax:082-242-7452
Mail Address:peace@city.hiroshima.lg.jp


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付