ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Punto sa Pagtali ng Sanlibong Paper Crane (Semba-dzuru)

本文

Punto sa Pagtali ng Sanlibong Paper Crane (Semba-dzuru)

Article ID:0000010091 印刷ページ表示

つる

 Maraming paper crane ang iniaalay sa “Children’s Peace Monument” taon-taon. Iba’t iba ang kulay at hugis ng mga iniaalay na paper crane, at may booth para sa pag-aalay ng paper crane na may lapad na mga 1m, haba na mga 2m, taas na mga 2m at may nakalagay na mga hook sa itaas para maisabit ang mga paper crane. Tutugma ang taling hanggang may habang 1.5m at lapad na 25cm sa hook na sasabitan, dahil tatama sa ilalim kung masyadong mahaba ang tali. Pinapayong gumamit ng matibay na lubid at ayusin upang hindi matanggal at mahulog ang dulo, dahil maaaring mapatid ang lubid at mahulog ang mga paper crane.

 Sinasamahan ang karamihan ng mga paper crane ng piraso ng papel kung saan nakasulat ang pangalan at mensahe ng taong nag-alay nito. Kung nais ninyo, maaaring tularan ang ganito.

 Tungkol sa malaking paper crane, likhang sining na ginawang panel o iba pa, hinihiling na isaalang-alang ang laki ng booth at gawing makatuwirang laki upang hindi makaabala sa ibang mga taong nag-aalay ng paper crane.

Kaugnay na Impormasyon

Padadalhang address kung magpapadala sa koreo ng mga paper crane para ialay sa “Children’s Peace Monument”

Para sa katanungan tungkol sa pahinang ito

Peace Promotion Division, International Peace Promotion Department, Citizens Affairs Bureau
Tel:082-242-7831/Fax:082-242-7452
Mail Address:peace@city.hiroshima.lg.jp


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付