本文
Maaaring mag-alay nang malaya ng mga paper crane ang kahit sino sa “Children’s Peace Monument” sa loob ng Peace Memorial Park, ngunit kung hindi makapupunta rito, ipadala lamang sa address sa ibaba at kami ang mag-aalay sa “Children’s Peace Monument” sa inyong ngalan. Ituturing na ipinaubaya sa amin ang araw ng pag-aalay.
Kung nagnanais mapadalhan ng litrato ng pag-aalay sa children’s peace monument, mangyari lamang na maglakip ng liham kung saan nakasulat na nais ng litrato kasama ng ipapadalang paper crane. Hangga’t maaari, pakisulat ang email address dahil sa patakaran, ipinapadala ang litrato sa email. Para sa mga walang email address, pakisulat lamang ang address ng tirahan.
Maaaring gamitin ang papel ng patalastas, pambalot at iba pa para sa papel na itutupi at gagawing crane. Maaari rin ang kahit anong kulay. Subalit tungkol sa malaking paper crane, likhang sining na ginawang panel o iba pa, hinihiling na gawing makatuwirang laki upang hindi makaabala sa ibang mga taong nag-aalay ng paper crane. Mangyaring siguraduhing nakatali ang paper crane.
Kung lampas sa 10,000 ang mga paper crane, mangyari lamang na magtanong muna sa amin.
Itatala sa “Paper crane database” ang pangalan at mensahe ng mga taong nagpadala upang maipahatid sa mga susunod na salinlahi ang damdamin ng lahat sa pagmimithi ng kapayapaan. Kung nagnanais ng pagtatala sa “Paper crane database,” hinihiling na ilakip ang form para sa pagtatala sa paper crane database na sinulatan ng pangalan ng pangkat (kung nag-alay bilang pangkat tulad ng paaralan at iba pa), inyong pangalan (pangalan ng kinatawan kung pangkat), mensahe at iba pa. Kung magpapadala ng paper crane, hinihikayat namin kayong gamitin iyong pagkakataon para sa pag-aaral ukol sa kapayapaan, tulad ng pag-aaral at pagtatalakayan ng lahat tungkol sa buod ng pinsala ng bomba atomika, tungkol sa pinagmulan ng “Children’s Peace Monument,” tungkol sa kalagayan ng sandatang nukleyar sa mundo at iba pa.
ZIP 730-0811
1-5 Nakajima-cho, Naka-ku, Hiroshima-shi
Hiroshima City, Peace Promotion Division, International Peace Promotion Department, Citizens Affairs Bureau
Tel (082)242-7831
Peace Promotion Division, International Peace Promotion Department, Citizens Affairs Bureau
Tel:082-242-7831/Fax:082-242-7452
Mail Address:peace@city.hiroshima.lg.jp