ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Tungkol sa buti o merit ng My Number Card (Individual Number Card) at paraan ng pag-apply

本文

Tungkol sa buti o merit ng My Number Card (Individual Number Card) at paraan ng pag-apply

Article ID:0000015413 印刷ページ表示

Number Card Mga imahe ng

1 Ang buti o merit ng pagkakaroon ng My Number Card

Inumpisahan ang My Number System noong Oktubre 2015, at sinimulan ang pagtanggap ng aplikasyon para sa My Number Card sa Enero ng sumunod na taon. Sa pagtanggap at paggamit ng My Number Card, maaaring matamo ang sumusunod na mga merit o benepisyo.

Maaaring gamitin bilang isang dokumentong magpapapatunay sa sariling My Number

Sa mga kasong kailangang ipakita ang My Number, tulad ng paggawa ng year-end adjustment sa buwis, paggawa ng aplikasyon para sa child allowance at iba pa, maaaring ipakita ang My Number Card bilang pagpapatunay sa sariling My Number.

Ang buti o merit ng pagkakaroon ng My Number Card Mga imahe ng1

Maaaring gamitin bilang dokumentong magpapatunay sa sariling identity o pagkakakilanlan

Sa kaso ng paggawa ng mga pamamaraan sa mga pampublikong institusyon o tanggapan, kung saan kinakailangang ipakita ang My Number at mga dokumentong maaaring magpatunay sa sarili, sa halip na ipakita ang mga nabanggit na dokumento ay kailangan lamang ipakita ang sariling My Number Card para gawin ang mga pamamaraan.

Ang buti o merit ng pagkakaroon ng My Number Card Mga imahe ng2

Pagkuha ng iba’t-ibang certificates sa convenience stores

Maaaring kunin sa convenience stores ang kopya ng sariling Residence Certificate, Seal Registration Certificate at iba pa.

* Para sa karagdagang detalye, pakitingnan ang “Pagbigay ng certificates sa convenience stores”.

Ang buti o merit ng pagkakaroon ng My Number Card Mga imahe ng3

Paggawa ng online application para sa iba’t-ibang pamamaraan o serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan

Maaaring gamitin ang My Number Card para sa paggawa ng mga pamamaraan kaugnay sa buwis sa pamamagitan ng e-Tax. Sa pamamagitan ng My Number Portal, binabalak na itatag ang sistema sa paggamit ng online application para sa mga pamamaraan kaugnay sa pagpapalaki ng bata at iba pa.

* Sa oras ng paggawa ng aplikasyon para sa My Number Card, kailangang gawin ang setting para sa Digital Certificate .

Ang buti o merit ng pagkakaroon ng My Number Card Mga imahe ng4

* Pakitingnan ang “Tungkol sa Social Security / Tax Number System (My Number System) para sa impormasyon ukol sa sistema ng My Number.

2 Paraan sa paggawa ng aplikasyon para sa My Number Card

Ang sumusunod ay ang mga pangunahing paraan sa paggawa ng aplikasyon para sa My Number Card:

  1. Pag-apply sa pamamagitan ng koreo
  2. Pag-apply sa pamamagitan ng smartphone
  3. Pag-apply sa pamamagitan ng personal computer

Para sa mga detalye ukol sa bawat paraan ng pag-apply na nabanggit sa itaas, pakitingnan ang “Aplikasyon para sa pagtanggap ng My Number Card”.

Paraan sa paggawa ng aplikasyon para sa My Number Card Mga imahe ng1Paraan sa paggawa ng aplikasyon para sa My Number Card Mga imahe ng2Paraan sa paggawa ng aplikasyon para sa My Number Card Mga imahe ng3

* Pakitingnan ang “Paraan sa pagtanggap ng My Number Card (Individual Number Card)”, upang alamin kung paano tanggapin ang My Number Card.

Mga kaugnay na impormasyon:

  • Tungkol sa lagay ng pagbigay ng My Number Card (Individual Number Card)
  • Tungkol sa pagtigil sa pagbigay ng Basic Resident Register Card, pagtigil sa pag-isyu / pagbabago ng Digital Certificate, alinsunod sa pag-umpisa sa sistema ng My Number
  • Mga pook na kung saan maaaring sumangguni (Sa Citizen’s Section, Field Office, Liaison Office ng Ward Office)

 At kung walang personal computer sa sariling bahay o iba pa, maaaring gamitin ang My Number portal terminal na nakalagay sa Citizens Affairs Division sa bawat ward office para kumuha ng litrato, at maaaring mag-apply online para sa My Number card.
Taong maaaring mag-apply
Mismong tao (Hindi maaaring kinatawan ang mag-apply.)

Taong maaaring mag-apply
Mismong tao (Hindi maaaring kinatawan ang mag-apply.)

Lugar kung saan maaaring mag-apply

Citizens Affairs Division sa ward office ng lugar na inyong tinitirahan (Hindi maaaring mag-apply sa mga branch office o liaison office.)

* Mangyari lamang na maglaan ng oras dahil may katagalan ang palakad para sa pag-apply

Mga bagay na kailangan sa pag-apply

 Mangyari lamang na dalhin ang “Kasulatan ng notipikasyon ng pagkakaloob ng Individual Number card[PDFファイル/237KB]” na ipinadala kasama ng notification card kapag maga-apply. Kung nawala ito o iba pa, mangyari lamang na magtanong sa Citizens Affairs Division sa ward office. Bukod sa

Kung nais tanggapin sa koreong nakatakda para sa pagtanggap ng mismong tao lamang

 Bukod sa “Kasulatan ng notipikasyon ng pagkakaloob ng Individual Number card,” kung dadalhin ang lahat ng sumusunod na 1 hanggang 3 na papeles, maaaring ipadala sa koreo ang My Number card sa pamamagitan ng koreong nakatakda para sa pagtanggap ng mismong tao lamang mula sa ward office o branch office pagkatapos ng mga 1 buwan. 1

  1. Notification card (Ipasusuko ito.)
  2. Basic resident registration card (jūmin kihon daichō card) (Ipasusuko ito para lamang sa mga mayroon nito.)
  3. Papeles para sa pagtiyak ng identidad ng mismong tao (Isasagawa ang pagtiyak sa identidad ng mismong tao sa 1 paraan mula sa sumusunod na A o B.)
    1. 1 bagay mula sa 1
    2. Para sa taong walang 1, 2 bagay mula sa 2

 * A man o B, maaaring magtanong ayon sa pangangailangan upang maisagawa ang pagtiyak ng identidad ng mismong tao.

Listahan ng mga papeles para sa pagtiyak ng identidad ng mismong tao

A

[Katibayan o ID na ipinagkaloob ng tanggapan ng pamahalaan na may nakadikit na litrato ng mukha (sa loob ng panahon ng bisà para sa ID na mayroong takdang panahon)]

Basic resident registration card (jūmin kihon daichō card) (may litrato), Lisensya ng pagmamaneho, Residence card, Special permanent resident certificate, Passport (pasaporte), Sertipiko ng karanasan sa pagmamaneho (ipinagkaloob hindi bago ng Abril 1, 2012 (Heisei 24)), Libreto ng taong may pisikal na kapansanan, Libretong pangkalusugan at kapakanan ng taong may mental na kapansanan, Libreto ng rehabilitasyon, Kasulatan ng pahintulot para sa panandaliang proteksyon, Kasulatan ng pahintulot para sa pansamantalang pananatili

B

[Katibayan ng pahintulot o Sertipiko ng kwalipikasyon na may nakadikit na litrato ng mukha]

Sertipiko ng kakayahan sa pagiging marino (seaman), Lisensya ng pagmamaneho ng maliit na sasakyang-dagat, Lisensya ng electrician o electrical engineer, Lisensya ng radiotelephone operator, Lisensya ng tagapagmaneho at inhinyero ng tren, Sertipiko ng pagpasa sa pagsusulit sa teknikal na kakayahan para sa aircraft dispatcher, Pahintulot na magmay-ari ng hunting gun at air gun, Sertipiko ng kwalipikasyon para sa natatanging trabaho ng electrician o electrical engineer, Sertipiko ng kwalipikasyon para sa pinahihintulutang trabaho ng electrician o electrical engineer, Identification card ng airworthiness inspector, Sertipiko ng teknikal na kakayahan bilang abyador (airman), Sertipiko ng nangangalakal sa real estate, Katibayan o ID na ipinagkaloob ng tanggapan ng pamahalaan sa kanilang tauhan at iba pa

[Ipinagkaloob ng tanggapan ng pamahalaan o korporasyon at nakasulat ang “Pangalan at Araw ng kapanganakan” o “Pangalan at Adres”]

Libreto ng marino (seaman), Libreto ng taong nagkapinsala sa katawan o nagkasakit dahil sa digmaan, Sertipiko ng kwalipikasyon para mag-aral ng o magsanay sa pamamaril, Taong pumasa sa inspeksyon, Sertipiko ng tagatanggap ng tulong sa pamumuhay (seikatsu hogo), Sertipiko para sa seguro ng kalusugan o seguro ng nursing care, Sertipiko ng tagatanggap ng suportang medikal, Iba't ibang sertipiko ng pensyon, Sertipiko ng child rearing allowance (jidō fuyō teate), Sertipiko ng special child rearing allowance (tokubetsu jidō fuyō teate), Passbook sa bangko (dapat nakasulat ang adres), Katibayan o ID ng empleyado, Katibayan o ID ng estudyante, Papeles kung saan nakasulat ang pangalan ng paaralan at iba pa

Kakailanganin ding magtakda ng PIN o lihim na numero, kaya’t hinihiling na pagpasyahan antimano ang PIN.

PIN para sa paggamit ng Digital na sertipiko para sa pirma (ng may-ari)

Digital na sertipiko ng pirma ng may-ari...Sistema ito kung saan matitiyak kung hindi ba hinuwad o palsipikado ang elektronikong dokumentong ipinadala sa internet sa pagsasagawa ng elektronikong aplikasyon tulad ng e-Tax atbp.

Mangyari lamang na magtakda ng 6 hanggang 16 titik ng alpabetong Ingles at/o numero

PIN para sa paggamit ng Digital na sertipiko para sa identipikasyon ng taong may karapatang gumamit

Digital na sertipiko para sa identipikasyon ng taong may karapatang gumamit...Sistema ito ng beripikasyon na ang mismong taong may karapating gumamit ang nag-log in sa My Number portal o ang pinagkalooban ng sertipiko sa convenience store atbp.

Mangyari lamang na magtakda ng 4 numero.
Maaari ring magtakda ng parehong PIN para sa 3.

PIN para sa Basic Resident Registration

PIN na kailangan para sa administratibong bagay kaugnay sa Basic Resident Registration

PIN na pang-alalay sa pagpasok ng mga bagay-bagay sa card

PIN para mabasa mula sa IC chip ang impormasyon tulad ng Individual Number, pangalan at iba pa sa electronikong aplikasyon atbp.

 Kung walang kopya ng papeles, mangyari pong unawain lamang na kailangan kayong magtungo sa Citizens Affairs Division sa ward office o sa branch office upang mapagkalooban ng My Number card. Sa pagkakaloob ng card, kinakailangan ang papeles para sa pagtiyak ng identidad ng mismong tao. Para sa mga detalye, mangyari lamang na tingnan ang “Paraan ng Pagtanggap ng My Number card (Individual Number card)”.

Pakikipag-ugnayan sa Citizens Affairs Division ng bawat ward office

  • Citizens Affairs Division ng Naka ward office
  • Citizens Affairs Division ng Higashi ward office
  • Citizens Affairs Division ng Minami ward office
  • Citizens Affairs Division ng Nishi ward office
  • Citizens Affairs Division ng Asaminami ward office
  • Citizens Affairs Division ng Asakita ward office
  • Citizens Affairs Division ng Aki ward office
  • Citizens Affairs Division ng Saeki ward office

Para sa katanungan tungkol sa pahinang ito

Ward Administration Section, General Affairs Division, Planning and General  Affairs Bureau
Tel:082-504-2112/Fax:082-504-2069
Mail Address:soumu-kusei@city.hiroshima.lg.jp

Adobe Reader<外部リンク>

PDF形式のファイルをご覧いただく場合には、Adobe社が提供するAdobe Readerが必要です。
Adobe Readerをお持ちでない方は、バナーのリンク先からダウンロードしてください。(無料)


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付