本文
*Paalala: Magbigay ng kaukulang pag-iingat sa hindi awtorisadong paghingi at pagkuha ng personal na impormasyon na maaaring samantalahin ang sistema ng My Number!
Nakatanggap ang Opisina ng Gabinete at Consumer Affairs Center ng impormasyon tungkol sa mga tawag sa telepono, e-mail, sulat, pagbisita, at iba pa na may mga nagsasagawa ng hindi awtorisadong paghingi at pagkuha ng personal na impormasyon na sinasamantala ang My Number system.
Hindi kailanman hihingiin ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan ng inyong My Number, numero ng inyong bank account, impormasyon ng inyong mga pag-aari, pera, at iba pa sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
Mangyaring bigyang-pansin ang mga kahina-hinalang tawag sa telepono, e-mail, sulat, pagbisita, at iba pa na may kinalaman sa My Number system, at sumangguni sa aming consultation desk.
(Pangunahing consultation desk)
Opisina ng Gabinete Toll-free Hotline ng My Number TEL 0120-95-0178
Consumer hotline TEL 188
Numero ng pinakamalapit na estasyon ng pulisya 110
Personal Information Protection Commission
Complaints Counseling Desk TEL 03-6457-9585
[Consultation Desk ng Consumer Affairs Agency, Cabinet Office, Personal Information Protection Commission, Ministry of Internal Affairs and Communications, Mga Paalala, at iba pa<外部リンク>
Ang My Number system ay isang sistema kung saan binibigyan ang bawat tao na may resident card ng isang natatanging numero na siyang mamamahala ng impormasyon na may kinalaman sa panlipunang seguridad, buwis, at mga hakbang laban sa kalamidad, at ginagamit ito upang siguruhin na ang personal na impormasyon mula sa iba’t ibang organisasyon ay mula sa personal na impormasyon ng iisang tao.
Sa pamamagitan ng pakikipagkolaborasyon ng mga pambansang institusyon at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa pagbahagi ng impormasyon, posible na mapabilis at mapabuti ang kanilang trabaho at magdulot ng kaginhawaan sa mga mamamayan sa kadahilanang mababawasan ang mga dokumentong kailangan nilang ipasa sa mga tanggapan.
Banghay sa Hinaharap
Para sa pinakabagong impormasyon at mga detalye tungkol sa My Number system, mangyaring bisitahin ang home page ng Opisina ng Gabinete sa [My Number (Social Security / Tax Number System)]<外部リンク> . Mangyari ring panoorin ang video na nasa home page na naglalaman ng detalye tungkol sa sistema ng My Number para mas maunawaan ito nang madali.
Online PR ng Pamahalaan ng Japan: Panlipunang Seguridad/Tax Number System (My Number)<外部リンク>
Ang ganap na pagpapatupad ng information sharing ng iba pang mga munisipalidad at pambansang organisasyon ay sinimulan noong Nobyembre 13, 2017. Mangyaring tingnan ang home page<外部リンク> ng Opisina ng Gabinete para sa mga detalye.
Ang mga prosesong hindi mangangailangan ng kalakip na dokumento dahil sa information sharing ay limitado lamang sa mga prosesong itinalaga ng batas (Act on the Use of Numbers to Identify a Specific Individual in Administrative Procedures). Kakailanganin ng kalakip na dokumento ang ibang mga proseso.
Simula Enero 2016, kinakailangan ang My Number para sa mga administratibong prosesong itinakda ng batas o regulasyon sa larangan ng panlipunang seguridad, buwis, at mga hakbang tuwing may sakuna.
Ilalagay na ang inyong My Number sa mga application forms tuwing magpo-proseso ng seguro sa trabaho, segurong pangkalusugan, buwis tulad ng final income tax, at iba pa.
Kapag nagsumite ng mga dokumento na naglalaman ng inyong My Number, kinakailangan ding kumpirmahin ang inyong My Number at ang inyong pagkakakilanlan.
Mangyaring dalhin ang iyong [notification card at dokumento ng pagkakakilanlan tulad ng lisensya] o [My Number card] kapag nagproproseso (kung wala kang lisensya o iba pang dokumento ng pagkakakilanlan mula sa gobyerno, mangyaring makipag-ugnay sa departamento na namamahala sa bawat sistema).
[Mga pangunahing halimbawa kung saan kinakailangan ang pagkakaloob ng My Number]
Mga Humihingi (kabilang ang mga ahente o mga taong ipinagkatiwala nito) |
Mga Kailangang Magbigay Nito |
Opisina |
・Mga taong tumatanggap ng sahod, allowance sa pagretiro ・Sa mga kwalipikadong makakuha ng pensiyon pang-empleyado, segurong pangkalusugan at trabaho ・Ang dependent ng pambansang pensyon (asawa ng empleyado), at iba pa. |
Kontraktor |
・Mga tumatanggap ng bayad, kontrata, at iba pa. (Halimbawa: kabayaran para sa mga propesyonal, diplomata, kolektor, ahente ng insurance, may-ari, propesyonal na mga atleta, at iba pa., bayaring medikal na binabayaran ng Social Insurance Medical Fee Payment Fund, bayad sa manuskrito, mga bayad sa lektiyur, pagpipinta, at iba pa) |
Mga real state agent |
・Mga tumatanggap ng bayarin para sa real estate transfer ng mahigit 1 milyong yen kada taon, bayarin sa broker ng real estate, o bayad sa paggamit ng real estate (upa ng bahay) na higit sa 150,000 yen bawat taon mula sa mga ahente ng real estate o korporasyon. |
Mga institusyong pampinansyal, at iba pa |
・Ang mga nagti-trade ng securities tulad ng stock, mga investment trusts, mga bonds sa pampublikong korporasyon at iba pa sa mga institusyong pampinansyal ・Mga katiwala ng isang trust company ・Mga shareholder na tumatanggap ng mga dibidendo mula sa mga hindi nakalista na shares, at iba pa). |
Mga tax office, Japan Pension Service, Hello Work, Labor Standards Inspection Office, mga prefecture, munisipalidad, National Health Insurance Association, Health Insurance Union |
・Mga taong nagsasagawa ng mga prosesong pang-administratibo na may kaugnayan sa panlipunang seguridad, buwis, at mga hakbang tuwing may sakuna (Halimbawa: livelihood protection, aplikasyon para sa seguro sa pagtatrabaho, aplikasyon para sa benepisyo sa seguro sa kalusugan, pagbabalik ng buwis mula 2016 pataas, at iba pa) |
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing proseso na nangangailangan ng My Number para sa aplikasyon sa mga tanggapan ng ward at tanggapan ng city tax:
Dibisyon |
Pangunahing Proseso |
Kagawaran na Namamahala |
||
Medical insurance |
National Health Insurance |
Ang paglipat sa labas ng lungsod para sa pagsali/pag-alis, pag-aaral, pagpasok sa mga pasilidad, pagpapa-ospital Aplikasyon para Eligibility for Ceiling-Amount, Ceiling-Amount Application/Reduction of Standard Amount of Patient Liability, pagbibigay/muling pagbibigay ng grant-in-aid program para sa malalalang sakit |
Insurance and Pension Section ng bawat ward |
|
Sistema ng medical care para sa mga matatanda |
Aplikasyon para sa muling pagbibigay ng iba't ibang mga sertipiko tulad ng mga insured card, notipikasyon ng non-return Aplikasyon para Ceiling-Amount Application/Reduction of Standard Amount of Patient Liability Aplikasyon para sa High-Cost Medical Expense Benefit, High-cost Nursing Care Benefit, dietary (livelihood) allowance at mga gastos sa transportasyon Abiso sa pagbubukod ng address (naaangkop / hindi naaangkop), pag-alis ng sertipikasyon ng kapansanan |
Health and Longevity Division ng bawat ward (Welfare Division para sa Higashi-ku) |
|
|
Nursing care / welfare / pension |
Long-term care insurance |
Aplikasyon ng primary nursing care requirement authorization, Certification of Needed Support, aplikasyon para sa muling pagbibigay ng insurance certificate at Insurance Burden Rate, notipikasyon ng creation (change) request para sa home service plan, at iba pa |
|
|
Aplikasyon para sa obligation limit approval, allowance para sa High-Cost Long-Term Care Service, allowance para sa pagbili ng equipment para sa In-Home Long-Term Care, at allowance para sa home renovation para sa In-Home Long-Term Care |
|
|||
Welfare |
Aplikasyon para sa disability certificate, special disability allowance, Children's Welfare Allowance, allowance para sa kagamitan sa pang araw-araw na pamumuhay, allowance para sa bayad sa High-cost Welfare Service Aplikasyon para sa mental disability certificate Aplikasyon para sa subsidiyo sa mga gastusin sa pagpapagamot ng bata Aplikasyon para pinansiyal na suporta ng mga batang may kapansanan sa daycare center (child development, after-school daycare service, outreach sa mga daycare center, at iba pa) |
Health and Longevity Division ng bawat ward (Welfare Division para sa Higashi-ku) |
|
|
Aplikasyon para sa suporta ng mga batang may kapansanan |
Support Section ng children's welfare center |
|
||
Aplikasyon para sa special condolence money para sa mga namatayan sa giyera, at iba pa |
Insurance and Pension Section ng bawat ward |
|
||
Aplikasyon para sa livelihood assistance Aplikasyon para sa grant approval ng Medical Expenses for Services and Supports for Persons with Disabilities (rehabilitative treatment) |
Livelihood section ng bawat ward |
|
||
Pension |
Pagkuha ng insured status, eksemsyon sa insurance premium, pension benefit request at iba pa (kahit alin sa mga ito ay maari ring iproseso sa pamamagitan ng basic pension number) |
Insurance and Pension Section ng bawat ward |
|
|
Parenting |
Benepisyo/ Notipikasyon |
Aplikasyon para sa child allowance authorization Aplikasyon para sa sustento sa pagpapalaki ng bata Aplikasyon para sa Special Child Rearing Allowance |
Health and Longevity Division ng bawat ward (Welfare Division para sa Higashi-ku) |
|
Aplikasyon para sa pagpasok sa nursery, ECEC, small childcare establishment, in-house childcare establishment, kindergarten, notipikasyon ng pagbabago at iba pa |
|
|||
Aplikasyon sa grant approval ng chronic diseases sa pagkabata |
||||
Aplikasyon para mabigyan ng Mother and Child Health Handbook (abiso ng pagbubuntis) |
Health and Longevity Division ng bawat ward (Welfare Division para sa Higashi-ku) |
|
||
Pangkabuhayan |
Pabahay ng munisipyo |
Aplikasyon para sa pabahay ng munisipyo |
Architecture section ng bawat ward |
|
Buwis |
Buwis ng munisipyo |
Pagsumite ng pagbabayad ng buwis ng munisipyo / prefectural tax Pagsumite ng report ng payroll |
Municipal tax offices, tax offices, Finance Bureau (Tax Department - Municipal Tax Section) |
|
Buwis para sa maliit na sasakyan |
Pagsumite ng aplikasyon sa pagbawas ng buwis sa mga maliliit na sasakyan |
City tax offices, tax offices |
|
|
Buwis ng fixed assets |
Pagsumite ng tax exemption return sa buwis ng fixed assets Pagsumite ng aplikasyon sa pagbawas ng buwis ng fixed assets |
|
*Maliban sa mga proseso sa itaas, maaari rin na hingiin sa inyo ang inyong My Number. Para sa karagdagang detalye, mangyaring makipag-ugnay sa mga kaukulang ahensya.
Mula kalagitnaan ng Oktubre ng taong 2015, sunod sunod na pinadala ang mga notification card na may kalakip na My Number sa mga tirahan na nakasaad sa tarheta ng tirahan、Ang mga notification card na hindi naihatid ng post office ay bumabalik sa ward office.
Para sa mga hindi natanggap na notification card, sumangguni sa Citizen’s Section ng Ward office na nakakasakop ng inyong tirahan. [Tungkol sa Pagtanggap ng Notification Card ng My Number]
Naka Ward Office Citizen Section 082-504-2301 |
Asa Minami Ward Office Citizen Section 082-831-4906 |
Higashi Ward Office Citizen’s Section 082-568-7789 |
Asa Kita Ward Office Citizen Section 082-819-3939 |
Minami Ward Office Citizen’s Section 082-250-8945 |
Aki Ward Office Citizen Section 082-822-7756 |
Nishi Ward Office Citizen’s Section 082-532-1024 |
Saiki Ward Office Citizen Section 082-943-9711 |
Notification Card
(Harap)
(Likod)
Ingatan po ninyo ang inyong My Number dahil panghabang-buhay po ang gamit nito.
*Para sa mga katanungan tungkol sa inyong notification card, My Number card at aplikasyon upang makakuhanito, tumawag sa My Number Comprehensive Toll Free Number.
≪Telepono≫
【Hapones】 0120-95-0178
【Ibang Linggwahe】 0120-0178-27 (Ingles、Intsik、Koreano、Espanyol、Portuges)
Ibang Araw 9:30 - 20:00 Sabado/Linggo 9:30 - 19:30(Maliban sa petsang Disyembre 29 ~ Enero 3)
Simula Enero ng taong 2016, ipamimigay ang My Number card sa mga nagnanais nito sa pamamagitan ng aplikasyon (babawiin namin ang notification card) .
Nakasulat sa My Number card ang Pangalan, Tirahan, Kaarawan, Kasarian, at My Number. Ipinapakita rin ang larawan ng may-ari ng card.
Maliban sa pagiging patunay ng katauhan, maari ring gamitin ito para sa elektronik na pagbabayad ng buwis at pagtamasa ng serbisyong makakuha ng anumang sertipiko mula sa convenience store.
Walang bayad ang unang paggawad nito, at may bayad naman na 1,000 yen (800 yen para sa My Number card at 200 yen para sa electronic certificate) ang susunod na paggawad, at maaari itong gamitin hanggang ika-sampung (10) kaarawan para sa may edad 20 pataas, at ika-limang (5) kaarawan naman para sa may edad 20 pababa.
Tandaan, para doon sa mga mapagkakalooban ng My Number card, kokolektahin ang inyong basic resident register card sa oras ng pagkakaloob nito.
Maaring ipadala ang inyong aplikasyon kasama ang notification card, sinulatan at nilagdaang application form para sa tarheta ng Personal Number, at larawan ng mukha. Ilagay ang lahat ng mga nakasaad sa itaas sa isang sobreng pantugon. Maari ring mag-aplay gamit ang Smartphone.
* Ang bisa ng mga sobreng pantugon na may petsang hanggang Oktubre 4, 2017 ay maari pang gamitin hanggan sa Mayo 31, 2022. Sakaling naiwaglit ang sobreng pantugon, mangyaring gamitin ang sobre na matatagpuan sa [My Number Card General Site<外部リンク>].
Gumamit ng larawan na may sukat 4.5 ang taas x 3.5 ang lapad, nakaharap, walang sumbrero, puti ang likuran at kinuha sa loob lamang ng anim na buwan.
Tandaan, hindi tinatanggap ang mga larawang nakagilid ang mukha, hindi puti ang likuran, nakasuot ng sumbrero, salamin, at kahit anumang bagay na halatang kakaiba sa karaniwang tampok ng totoong mukha. Ipinagbabawal din ang paggamit ng larawang binago gamit ang software.
Individual Number Card
(Harap)
(Likod)
* Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa notification card at My Number card, sumangguni sa [My Number Card General Site<外部リンク>].
*Sa mga naiwaglit o ninakaw na My Number card, maari itong ipabinbin nang pansamantala sa kahit anong oras gamit ang Pangkalahatang Toll-free na numero ng My Number (Telepono 0120-95-0178) at Personal Number Card Call Center (Telepono 0570-783078 (may bayad)).
Ang My Number Portal ay isang serbisyong online na pinapangasiwaan ng pamahalaan, kung saan, gamit ang inyong My Number card at Card Reader, ay maari ninyong gamitin ang inyong personal na kompyuter upang kumpirmahin ang inyong nakatalang mga personal na impormasyon na nakikita rin mula sa iba't ibang sangay ng pamahalaan.
Mangyaring umugnay sa home page ng Opisina ng Gabinete<外部リンク> para sa karagdagang detalye.
Sa mga nagnanais makapasok sa My Number Portal na walang sariling kompyuter, may mga nakalaang terminal sa bawat Ward Office Citizen's Section. Sa mga naghahangad na gumamit ng mga terrminal na ito, mangyari lamang na dalhin ang inyong My Number card. Kakailanganin din ang PIN (4 na numero) para sa sertipikong elektrikal ng gumagamit.
Maari ring gamitin ang mga terminal na ito para kumuha ng litrato na magagamit sa aplikasyong online para sa My Number card. Para sa mga karagdagang kaalaman, sumangguni sa [tungkol sa mga benepisyo ng My Number card (Personal Number Card) at kung paano mag-apply].
Ang My Number ay sinusumite sa kinauukulang ahensya para sa panlipunang seguridad, buwis, at aplikasyon para sa tulong pansakuna. Maliban dito, mariing ipinagbabawal ang pagbabahagi nito sa ibang tao kahit pa hindi sinasadya. May kaukulang parusa ang paggamit at pamamahagi ng My Number ng ibang tao nang walang pahintulot sa may-ari ng nasabing My Number.
Noong Oktubre 5, 2015 (Lunes) ay tinatag ng Personal Information Protection Committee ang [<外部リンク>My Number Complaint Mediation Consultation Service<外部リンク>] upang makapagbigay ng kinakailangan na serbisyo para sa pagsampa ng mga reklamo tungkol sa maling paghawak ng mga partikular na impormasyong personal.
≪Numero≫
03-6457-9585
≪Oras ng Pagtanggap≫
9:30 AM – 5:30 PM (maliban sa Sabado, Linggo, at bagong taon)
○ Ano ang pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal?
Kapag nilalayon ng mga lokal na organisasyon/pamahalaan na humawak ng tala ng personal na impormasyon kasama ang My Number, inaatasan silang magsagawa ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal, at ipahayag sa publiko ang detalye sa kanilang pagsusuri tungkol sa mga hakbang kung paano nila gagamitin ang mga impormasyong ito at iwasan ang pagtagas nito.
Isasagawa rin ang mga [pangkalahatang pagsusuri], [pagsusuri sa priority items], at [pagsusuri sa lahat ng mga aytems] bilang mga tukoy na gawain ng pagsusuri, ayon sa resulta ng [pagsusuri ng threshold] batay sa tukoy na bilang ng mga tao sa bawat tanggapan.
*Para sa higit pang kaalaman tungkol sa pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal, sumangguni sa website ng Personal Information Protection Committee<外部リンク>.
*Tingnan ang mga download para sa larawan ng proseso ng [Pagsusuri]
○Para sa mga komento tungkol sa draft ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal
Sa pagsasagawa ng pagsusuring pangkalahatan, kukunin muna namin ang opinyon ng mamamayan pagkatapos itong maihayag sa publiko.
*Mangyaring sumangguni sa sumusunod na pahina para sa mga kasalukuyang komento tungkol sa draft ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal.⇒[Mga nakalap na komento (o sa mga natapos na) para sa pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal]
○Paglalathala ng draft ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal
Ilalathala ang draft ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal na ginawa ng lungsod.
*Sumangguni sa sumusunod na pahina para sa inilathalang draft ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal.⇒ [Nakalathalang draft ng pagsusuri sa proteksyon ng mga tiyak na impormasyong personal]
Simula Enero 2016, kailangan na rin isulat ang My Number ng mga empleyado sa pag-asikaso ng kanilang buwis at social security.
Bilang karagdagan, kinakailangan ang naangkop na pamamahala sa mga impormasyong personal (tiyak na impormasyong personal) kasama na ang My Number, sakaling may insidente ng pagtagas, nararapat lang na ipagbigay alam kaagad ito sa Komite para sa Proteksyon ng impormasyong personal.
・Mga pagtugon sa mga kaso ng pagtagas ng tiyak na impormasyong personal ng mga Business Operator<外部リンク>
・Para sa karagdagang kaalaman bisitahin ang home page ng Personal Information Protection Commission<外部リンク>.
[Kaugnay na Impormasyon]
Simula Oktubre 2015, ang bawat korporasyon ay pagkakalooban ng isang corporate number (13 numero) at ipagbibigay-alam ang numerong ito sa rehiyon kung saan ito naka-rehistro. Hindi tulad ng My Number, ang corporate number ay inaanunsyo sa Corporate Number Publication Site<外部リンク> ng National Tax Agency na maaaring makita ng publiko.
*Maliban sa rehistradong mga korporasyon, ang Corporate Number ay ibinibigay sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na public entity, at iba pang mga korporasyon at organisasyon (hindi ito ipinagkakaloob sa mga corporate branch, opisina, o pribadong negosyo).
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Corporate Number, tingnan ang [Corporate Number] na matatagpuan sa home page ng National Tax Agency<外部リンク>.
Ang corporate number ng Lungsod ng Hiroshima ay 9000020341002.
Para sa mga katanungan tungkol sa Sistema ng My Number, gamitin ang [Pangkalahatang Toll-free na Numero ng My Number]
<> 0120-95-0178
Lunes - Biyernes 9:30 AM – 8:00 PM, Sabado, Linggo, Holiday 9:30 AM – 5:30 PM (maliban mula sa Disyembre 29 hanggang Enero 3)
[Toll-free sa wikang Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Portuges]
Tungkol sa sistema ng My Number 0120-0178-26
Tungkol sa notification card at My Number card 0120-0178-27
Ward Administration Section, General Affairs Division, Planning and General Affairs Bureau
Tel:082-504-2112/Fax:082-504-2069
Mail Address:soumu-kusei@city.hiroshima.lg.jp