本文
Isinasagawa ang konsultasyon ukol sa mga produkto at serbisyo pati pagtanggap ng mga reklamo upang makatulong sa pagbigay ng solusyon sa problema. Bukod pa rito, tinatanggap din ang mga katanungan kaugnay sa karaniwang kaalaman ukol sa kabuhayan ng mga gumagamit ng mga produkto o serbisyo.
Ipinagkakaloob ang mga kurso para sa mga consumers na may mataas ng interes o motibasyon sa pag-alam sa mga problemang kinasasangkutan ng mga consumers at gawing pakay ang paglikha ng isang workforce na magbibigay-daan sa mga consumer activities sa rehiyon.
Ipinapadala ang mga lecturers para turuan ang mga consumers na makatayo sa sarili at pigilan ang mga pinsalang maaaring makaapekto sa kabuhayan ng mga ito
Isinasagawa ang paglalarawan o panel exhibition ng iba’t-ibang impormasyon kaugnay sa mga produkto at serbisyo.
May iba’t-ibang materyales at dokumentong maaaring gamitin upang alamin ang mga problemang dinaranas ng mga consumers, dagdagan ang sariling kaalaman ukol sa mga produkto at iba pa.
Bukod pa rito, upang makatulong sa pag-aaral ng lahat, isinasagawa ang libreng pagpapahiram sa mga libro at video, kaya hinihikayat ang paggamit ng serbisyong ito.
Para sa mga residente ng siyudad, isinasagawa ang libreng pagpapahiram ng mga training rooms upang suportahan ang mga boluntaryong gawain kaugnay sa consumer livelihood at consumer group activities.
Nakalagay ang contact details at iba pang mga detalye sa sumusunod na mga impormasyon. Hinihikayat ang lahat na gamitin ito.
Isinasagawa ang iba’t-ibang consumer awareness projects sa consumer month para sa buwan ng Mayo.
Ipinapadala ang isang pribadong tagapagsiyasat (monitor) upang gumawa ng regular na pagsusuri o survey sa mga tindahan kaugnay sa mga presyo ng mga araw-araw na pamilihin, lagay ng supply / demand at iba pa.
Upang maiwasan ang mga pinsalang maaaring matamo ng mga consumers mula sa paggamit ng mga produkto at serbisyo, itinatag ang Hiroshima Consumer Livelihood Ordinance (ipinatupad noong Abril 1, 2007), kung saan isinasagawa ng pamahalaan ang pagsubaybay at pagsita sa mga kalakal na lumabag sa mga probisyong itinakda.
Consumer Livelihood Center
Tel:082-225-3300/Fax:082-221-6282
Mail Address:shouhi@city.hiroshima.lg.jp