本文
[Child Allowance] (Mula Abril 2012 (Heisei 24))
Para sa taong lumipat sa lungsod ng Hiroshima at nagpapalaki ng bata dahil sa panganganak o iba pa, huwag kalimutan ang palakad!
Sakop sa pagbibigay
Ibinibigay ang child allowance sa taong may rehistro bilang residente sa lungsod ng Hiroshima, at nagpapalaki ng batang hindi pa nagtatapos ng gitnang paaralan (chūgakkō) (hanggang unang Marso 31 pagkatapos umabot sa 15 taong gulang) at nakatira sa loob ng bansa (Japan). Kung parehong nagpapalaki ng bata ang ama at ina, sa patakaran, ang mas mataas ang kita ang tagatanggap.
Buwanang Halagang Ibinibigay/Limitasyon sa Kita
Ibibigay ang sumusunod ayon sa edad at bilang ng bata, at kita ng tagatanggap.
Buwanang Halagang Ibinibigay
Buwanang Halagang Ibinibigay |
|
---|---|
Edad |
Halagang Ibinibigay (Buwanang Halaga) |
0 taong gulang – bago mag-3 taong gulang |
\15,000 (pantay-pantay) |
3 taong gulang – bago magtapos ng mababang paaralan |
Unang anak, Pangalawang Anak \10,000 |
Mag-aaral sa gitnang paaralan (chūgakusei) |
\10,000 (pantay-pantay) |
Kung saklaw o lampas sa halaga ng limitasyon sa kita (0 taong gulang – mag-aaral sa gitnang paaralan) |
\5,000 (pantay-pantay) |
(*) Binibilang na bata hanggang sa unang Marso 31 pagkatapos umabot sa 18 taong gulang.
Pagbilang ng Bilang ng Bata/Aktuwal na Halimbawa ng Halagang Ibinibigay
Kung nagpapalaki ng 4 batang nasa sumusunod na edad
Pagbilang ng Bilang ng Bata/Aktuwal na Halimbawa ng Halagang Ibinibigay |
||||
---|---|---|---|---|
Edad |
19 taong gulang |
16 taong gulang |
10 taong gulang |
5 taong gulang |
Pagbilang ng bilang ng bata |
Hindi sakop |
Unang anak |
Pangalawang Anak |
Pangatlong Anak |
Halagang Ibinibigay |
Hindi sakop |
Hindi sakop |
\10,000 |
\15,000 |
Halaga ng Limitasyon sa Kita
Halaga ng Limitasyon sa Kita |
||
---|---|---|
Bilang ng Kamag-anak |
Halaga ng Kita |
Halaga ng Suweldo |
0 katao |
\6,220,000 |
\8,333,000 |
1 katao |
\6,600,000 |
\8,756,000 |
2 katao |
\6,980,000 |
\9,178,000 |
3 katao |
\7,360,000 |
\9,600,000 |
4 katao |
\7,740,000 |
\10,021,000 |
5 katao |
\8,120,000 |
\10,421,000 |
Kung 6 katao o higit pa ang kamag-anak na sinusuportahan, dinadagdagan ng \380,000 sa bawat 1 katao (batay sa halaga ng kita)
Mangyari lamang na tingnan ang “Tungkol sa Limitasyon sa Kita para sa Child Allowance” 「児童手当の所得制限について」 para sa mga detalye ng paraan ng pagkalkula ng limitasyon sa kita atbp.
Araw (Schedule) ng Pagbibigay
Ibinibigay ang child allowance nang 3 beses sa isang taon (Pebrero, Hunyo, Oktubre), tuwing 4 buwan.
Araw (Schedule) ng Pagbibigay |
|
---|---|
Araw (Schedule) ng Pagbibigay |
Ibinibigay para sa Buwan ng |
Pebrero 15 |
Oktubre – Enero |
Hunyo 15 |
Pebrero – Mayo |
Oktubre 15 |
Hunyo - Setyembre |
* Kung Sabado, Linggo o Pista Opisyal, sa pinakamalapit na karaniwang araw bago nito.
Pangunahing Palakad Manyari lamang na magtanong sa Child Welfare Section, Welfare Division ng ward na inyong tinitirahan para sa mga detalye.
Pangunahing Palakad |
||
---|---|---|
Palakad |
Kailan Kailangan ang Palakad |
Kinakailangang Papeles atbp. para sa Palakad |
Paghingi ng Pahintulot |
|
Kasulatan ng Paghingi ng Pahintulot認定請求書 [PDFファイル/526KB], Pantatak (inkan), Passbook, Sertipiko ng Pagsapi sa Pensyon o kopya ng Sertipiko ng Seguro ng Kalusugan, My Number Card (Individual Number Card) (o notification card ng individual number at ID (lisensya sa pagmamaneho o iba pa) |
Paghingi na Baguhin ang Halaga Pag-uulat ng Pagbabago ng Halaga |
|
Kasulatan ng Paghingi ng Pahintulot na Baguhin ang Halaga 額改定請求書 [PDF/191KB]o Ulat ng Pagbabago ng Halaga 額改定届 [PDF/186KB]at Pantatak (inkan) |
Pag-uulat ng Kasalukuyang Kalagayan |
Kung nais ipagpatuloy ang pagtanggap ng allowance |
Ipapadala sa koreo ang kinakailangang papeles para sa palakad sa simula ng Hunyo. Sulatan ito ng mga kinakailangang bagay at i-submit ito nang hindi lalampas sa katapusan ng Hunyo. |
Pag-uulat ng Pagkawala ng Katuwiran ng Pagtanggap |
|
Ulat ng Pagkawala ng Katuwiran ng Pagtanggap 受給事由消滅届, Pantatak (inkan) |
* Kung hindi makumpleto ang kinakailangang mga papeles para sa palakad sa loob ng 15 araw mula sa araw na sumunod sa araw na balak umalis, araw ng panganganak atbp., makipagkonsulta sa Welfare Division sa ward na inyong tinitirahan, at siguraduhing i-submit sa loob ng 15 araw kahit ang kasulatan ng paghingi ng pahintulot man lamang (kasulatan ng paghingi na baguhin ang halaga).
Sa Welfare Division sa ward na inyong tinitirahan lamang para sa mga katanungan at palakad (Hindi maaaring magsagawa ng palakad sa Ninoshima branch office.)
Listahan ng mga Welfare Division sa bawat ward
Iba’t Ibang Form para sa Child Allowance
Kung mayroong bagay na hindi malinaw tungkol sa paraan ng pagsulat, magtanong lamang sa Welfare Division sa ward na inyong tinitirahan..
Iba’t Ibang Form para sa Child Allowance |
|
---|---|
Pangalan |
Kailan Kailangan ang Palakad |
Kasulatan ng Paghingi ng Pahintulot 2号様式 (認定請求書) [PDFファイル/526KB] |
|
Kasulatan ng Paghingi na Baguhin ang Halaga 額改定請求書 [PDF/191KB](kapag nadagdagan) Ulat ng Pagbabago ng Halaga 額改定届 [PDF/186KB](kapag nabawasan) |
|
Ulat ng Kasalukuyang Kalagayan 6号様式 (現況届) [PDFファイル/199KB] |
Kung nais ipagpatuloy ang pagtanggap ng allowance (tuwing Hunyo taon-taon) |
Ulat ng Pagkawala ng Katuwiran ng Pagtanggap 受給事由消滅届 |
|
Ulat ng Pagbabago ng Institusyong Pinansyal 金融機関変更届 |
Kung babaguhin ang account na padadalhan (furikomisaki) (Para lang sa nakapangalan sa tagatanggap.) |
Kasulatan ng Petisyon 申立書 [PDF/43KB] |
Kung nasa pangangalaga at nagpapalaki ng batang hindi sariling anak tulad ng apo at iba pa |
Kasulatan ng Petisyon sa Pangangalaga na Bukod ang Tirahan 別居監護申立書 [PDF/112KB] |
Kung hindi kasama sa tirahan ang bata dahil nagtatrabaho nang hiwalay sa pamilya (tanshin funin) |
Kasulatan ng Petisyon kaugnay sa Pag-aaral sa Ibang Bansa 海外留学に関する申立書 [PDF/187KB] |
Kung nag-aaral sa ibang bansa ang bata |
Kasulatan ng Petisyon (Tagapag-alaga ng Menor de-edad) 申立書(未成年後見人) |
Kung maga-apply ang legal na kinatawan para sa batang walang shinkensha o taong may kapangyarihan ng pagkamagulang |
Kasulatan ng Petisyon (Ama o Inang Kasama sa Tirahan) 申立書(同居父母) |
Kung maga-apply ang ama o inang kasama sa tirahan ng bata kung hiwalay ng tirahan ang ama’t ina habang nag-uusap tungo sa diborsyo |
Ulat ng Pagtatalaga ng Ama at Ina ng Taong Itinalaga 父母指定者指定届 |
Kung nasa ibang bansa ang ama at ina at nasa loob ng bansa ang bata, at itatalaga ng ama at ina ang taong tatanggap ng child allowance |
Kasulatan ng Pag-claim sa Hindi Nabayarang Child Allowance 未支払児童手当請求書 |
Kung namatay ang tagatanggap |
Kasulatan ng Pagbibigay-alam ng Pagbabago ng Individual Number 個人番号変更等申出書 [PDF/108KB] |
|
Mag-ingat!
Mangyari lamang na sanggunian din ang homepage ng Kagawaran ng Kalusugan, Paggawa at Kagalingan (Ministry of Health, Labour and Welfare)
Homepage ng Kagawaran ng Kalusugan, Paggawa at Kagalingan (Ministry of Health, Labour and Welfare)
[Allowance para sa anak] (Abril 2010 – Marso 2012)
Natapos ang allowance para sa anak noong Marso 2012, at mula Abril 2012 naging child allowance ito. Mangyari lamang na tingnan ang homepage ng Kagawaran ng Kalusugan, Paggawa at Kagalingan (Ministry of Health, Labour and Welfare) tungkol sa sistema ng allowance para sa anak.
I-click ang nasa itaas upang pumunta sa homepage ng Kagawaran ng Kalusugan, Paggawa at Kagalingan (Ministry of Health, Labour and Welfare).
Sa Welfare Division ng ward na inyong tinitirahan para sa mga detalye
Homepage ng Kagawaran ng Kalusugan, Paggawa at Kagalingan (Ministry of Health, Labour and Welfare)