本文
Ang ika-2, ika-12, at ika-22 na araw ng bawat buwan ay itinalaga bilang "MyCar Moderate Riding Day", na nagpapalaganap ng kilusang "No MyCar Day".Ang "MyCar Moderate Riding Day" ay hindi tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng kotse. Ito ay isang inisyatibo upang palawakin ang grupo ng aktibidad na tumutulong sa pag-iwas ng global warming sa pamamagitan ng pagsusuring muli sa pamumuhay na nakadepende sa paggamit ng kotse, at paghihikayat sa bawat mamamayan na pag-isipan, sanayin, at maranasan ang paraan ng epektibong paggamit ng kotse.Bakit hindi natin subukan ang eco-friendly na paraan ng transportasyon?
Ang "eco-friendly na paraan ng transportasyon" ay tumutukoy sa paglalakad, pagbibisikleta at paggamit ng pampublikong transportasyon, o ang paggamit ng kotse bilang carpool kung ikaw ay madalas na gumagamit ng sasakyan.
Hangga’t maaari, gumamit ng bus, railway, o bisikleta bilang alternatibo ng kotse
Hangga’t maaari, gumamit ng bus o railway sa pag-commute o pamimili.Sa mga nakalipas na taon, unti-unting nauuso ang mga low-floor na sasakyan at dumadami rin ang mga sasakyan na madaling sakayan.
Kahit hindi ito maitatapat sa sariling kotse, madali itong gamitin hindi gaya ng iyong inaasahan.
Nitong mga nakaraang taon, mas pinapabuti ang pagtitipid sa kuryente at ang kalusugan, at muling isinaalang-alang ang paggamit ng bisikleta.Unti-unting lumalago ang mga espasyo na daanan ng bisikleta at mga green space sa tabi ng ilog,
at ito rin ay isang uri ng transportasyon na mabuti sa kalikasan at kalusugan kasabay ng paglalakad.
Kahit gagamit ka ng kotse, maaaring maiwasan ang labis na paggamit nito kung lahat ay makipagtulungan sa isa't-isa, gaya ng paggamit ng kotse bilang "carpool" kung papunta sa parehong destinasyon.
Mag-commute na iwas rush hour upang mas mapaiksi ang oras ng pagbyahe at mabawasan ang hirap sa pagbibyahe.Bukod diyan, magkakaroon ka ng mas maraming oras sa umaga at makakapag-relax sa iyong pamumuhay.
Kung lagi kang nakakaranas ng traffic sa pagco-commute gamit ang kotse, mas madaling mag-commute kung hindi mo dadalhin ang iyong kotse hanggang sa kompanya, at lumipat sa pag-commute gamit ang tren o bus bago magsimula ang traffic.
Nakakabuti rin ito para sa kalikasan.
Park & ride: Paraan ng pag-commute gamit ang kotse mula bahay hanggang sa pinakamalapit na istasyon (bus stop), at iparada (parking) ito sa parking area na malapit sa istasyon. Mula dito, gumamit ng pampublikong transportasyon (ride) gaya ng railway, atbp. para mag-commute.
Sa website na pinamamahalaan ng Hiroshima Metropolitan Area Park & Ride Promotion Council, nakarehistro ang mga park & ride parking area malapit sa Astram Line/JR/Hiroden Miyajima Line at pati sa ibang bus station at stops, kaya makakahanap ka ng parking area sa istasyon na pinakamalapit sa iyong bahay.
Public Transportation Policy Department, Roads and Transportation Bureau,
1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City, Japan 730-8586
Tel: 082-504-2383 Fax: 082-504-2426
E-mail: koutsuseisakubu@city.hiroshima.lg.jp