ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Katangian ng mga Maaring Maging Miyembro

本文

Katangian ng mga Maaring Maging Miyembro

Article ID:0000003229 印刷ページ表示

Ang bansang Hapon ay mayroong sistema ng seguro (o insurance) na magagamit sa pagpapagamot sa panahon ng pagkakasakit o pagkakaroon ng kapansanan.  Ang sinuman na makatutupad sa lahat ng mga katangian na nakasaad sa ibaba ay kinakailangang sumapi (maging miyembro) sa Seguro ng Pambansang Kalusugan sa Lungsod ng Hiroshima. Magsadya sa Dibisyon ng Seguro at Pensyon sa inyong distrito (Ward National Insurance and Pension Division) o sa sangay sa lugar ng inyong tinitirahan.

  1. naninirahan sa Lungsod ng Hiroshima
  2. mayroong tamang bisa at may balak manirahan sa bansang Hapon ng mahigit sa tatlong buwan
    (Hindi kabilang ang mga pansamantalang naninirahan sa ilalim ng katayuan na “Designated Activities” para magpagamot o humanap ng lunas ng kanilang karamdaman, pati na ang mga naparito sa ilalim rin ng katayuan na “Designated Activities” para mag-alaga sa mga kaanak nila dito.
  3. hindi kasapi ng seguro para sa pampublikong pagpapagamot sa pinagtatrabahuhan
  4. hindi kasapi ng seguro para sa Older Senior Citizen Healthcare System
  5. hindi tumatanggap ng Tulong sa Pamumuhay (livelihood protection)
  6. hindi tumatanggap ng pampublikong suportang pinansyal para sa mga naulilang Hapon sa bansang Tsina

*Upang makasapi sa Pambansang Seguro ng Kalusugan ang may pahintulot para sa paninirahan o visa na “Designated Activities,” kailangang ipakita ang “Sertipiko ng Pagtatalaga” (certificate of designation) na naglalahad ng nakatalagang gawain.

Para sa katanungan tungkol sa pahinang ito

健康福祉局 保健部 保険年金課 保険係
Tel:082-504-2157/Fax:082-504-2135
Mail Address:shahonen@city.hiroshima.lg.jp


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付