ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Impormasyon tungkol sa paglikas mula Mayo 20, 2021

本文

Impormasyon tungkol sa paglikas mula Mayo 20, 2021

Article ID:0000267513 印刷ページ表示

Dito sa lungsod, kapag nagkaroon ng sakuna o malaki ang posibilidad na magkaroon ng sakuna, nag-iisyu ng impormasyon sa paglikas batay sa antas ng panganib. Batay sa mga aral na natutunan mula sa kalamidad na dulot ng bagyong Blg. 19 noong 2019, ang Basic Act on Disaster Management ay binago noong 2021 (ipinahayag noong Mayo 10 at ipinatupad noong Mayo 20), at binago ang impormasyon tungkol sa paglikas upang pag-isahin sa isang kategorya ang mga Evacuation Advisory at Evacuation Order (Emergency). Mangyaring kumpirmahin ang mga aksyon ng paglikas na angkop sa bawat level.

Mga Bagong Impormasyon Tungkol sa Paglikas at mga Aksyon na Dapat Isagawa ng mga Residente

避難情報

Alert level 2

Kumpirmahin ang mga aksyon ng paglikas

Babala ng malakas na ulan/pagbaha/storm surge

Kumpirmasyon ng mga mapanganib na lugar, evacuation site, at mga ruta ng paglikas

Alert level 3

Ililikas ang mga matatanda, atbp. mula sa mapanganib na lugar

Paglikas ng mga matatanda, atbp.

Paglikas ng mga taong kinakailangan ng oras para sa paglikas

Alert level 4

Lumikas ang lahat mula sa mapanganib na lugar

Evacuation Order

Agad na lumikas dala ang mga emergency bag

Tiyaking lumikas hanggang nasa Alert level 4

Alert level 5

May panganib sa buhay Agad na tiyakin ang kaligtasan

Pagtiyak ng kaligtasan sa oras ng emergency

Kung mapanganib ang paglikas, kumilos sa paraang mas matitiyak ang kaligtasan

Hindi tiyak na mai-issue ang impormasyon ng Alert level 5 Pampublikong evacuation site (evacuation site na itinatag ng lungsod)

Magbubukas ng itinalagang lugar para sa emergency na paglikas na angkop para sa sakuna (bilang panuntunan, magbubukas ng isang lugar sa bawat distrito ng elementarya).

Sunod-sunod na magbubukas ng karagdagang evacuation site kung kinakailangan

Paghahatid ng impormasyon

Disaster Prevention Portal, Hiroshima City Evacuation Guide App, Disaster Prevention Mailing List, TV (data broadcast), disaster prevention municipal wireless (fax para sa mga may kapansanan sa pandinig), opisyal na website ng lungsod

Emergency Information Text Alerts, Sirena

(1) Ang Evacuation Advisory at Evacuation Order (Emergency) ay Pinag-isa sa Isang Kategorya

 Upang linawin kung kailan ang tamang oras ng paglikas, pinag-isa ang Evacuation Advisory at Evacuation Order (Emergency) bilang "Evacuation Order" sa ilalim ng Alert level 4. Ititigil ang Evacuation Advisory, at sa oras ng pag-isyu nito dati, ipapalit ang Evacuation Order.

Mula ngayon, ang lahat ng residente ay dapat lumikas mula sa mga mapanganib na lugar sa oras na mag-issue ng Alert level 4 Evacuation Order.

(2) Pagtiyak ng Kaligtasan sa Oras ng Alert level 5

 Ang alert level 5 "Pagtiyak ng kaligtasan sa oras ng emergency" ay ang impormasyong itinalaga upang himukin kayong tiyakin ang inyong kaligtasan sa inyong mga bahay o sa mga kalapit na gusali kung hindi kayo makalikas nang ligtas patungo sa itinalagang lugar para sa emergency evacuation sa oras na magkaroon ng sakuna o may papalapit na sakuna. Ang paglikas patungo sa itinalagang lugar para sa emergency evacuation sa oras na ito ay lubhang mapanganip kaya't hangga't maaari ay kumilos sa paraang matitiyak ang kaligtasan.
*Hindi tiyak na mai-issue ang impormasyon ng Alert level 5..

Halimbawa ng mga aksyon sa paglikas

Para sa mga lugar na may panganib ng pagguho ng lupa

・Lumipat sa pinakamataas na palapag ng inyong gusali at tumungo sa silid na malayo sa gilid ng bangin.
・Lumipat sa malapit na mas matibay na gusali

Para a mga lugar na may panganib ng pagbaha, storm surge, o tsunami

・Lumipat sa mas mataas na lugar sa gusali kung saan mahirap bahain
・Lumipat sa malapit na gusali na mas matibay at mas mataas

(3) Pinalitan ang pangalan ng Alert level 3 ng " Paglikas ng mga matatanda atbp."

 Upang mas linawin kung sino ang dapat lumikas nang maaga, ang pangalan ng Alert level 3 na "Paghahanda para sa paglikas/Pagsisimula sa paglikas ng mga matatanda, atbp." ay ginawang "Paglikas ng mga matanda, atbp." Ang mga matatanda at mga may kapansanan na kailangan ng oras sa paglikas ay kailangang lumikas mula sa mapanganib na lugar sa oras ng "Alert level 3 Paglikas ng mga matatanda, atbp.".

Para sa mga nais malaman ang mga detalye tungkol sa pamantayan ng pag-iisue ng impormasyon sa paglikas ng lungsod, mangyaring basahin ang mga sumusunod.

Pansamantalang operasyon ng pamantayan ng pag-iisue ng impormasyon tungkol sa paglikas ng Evacuation Advisory atbp.

Pagkumpirma ng mga Mapanganib na Lugar

Ang mga impormasyon tungkol sa paglikas na nakasulat sa itaas ay ibinibigay sa bawat distrito ng elementarya kung saan maaaring mangyari ang mga sakuna. Kung nais niyong malaman ang tungkol sa mga mapanganib na lugar sa inyong tinitirahang komunidad, mangyaring basahin ang mga sumusunod.

Pagkumpirma ng hazard map Tingnan ang mga hazard map<外部リンク>

Sanggunian

Rebisyon ng mga alituntunin tungkol sa impormasyon tungkol sa paglikas (Mayo 10, 2021) (Opisina ng Gabinete)<外部リンク>

Pag-download ng Flyer

Flyer tungkol sa bagong impormasyon tungkol sa paglikas (Opisina ng Gabinete) [PDFファイル/4.58MB]
Flyer tungkol sa bagong impormasyon tungkol sa paglikas (Hiroshima Prefecture)

Adobe Reader<外部リンク>

PDF形式のファイルをご覧いただく場合には、Adobe社が提供するAdobe Readerが必要です。
Adobe Readerをお持ちでない方は、バナーのリンク先からダウンロードしてください。(無料)


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付