本文
Sa oras na magkaroon ng isang malaking kalamidad, maaaring hindi makarating agad ang mga kawani o boluntaryo na maaaring maging interpreters sa apektadong lugar, at posibleng abutin nang ilang araw. Ang “Foreign Evacuees Support Sheet” ay isang dokumentong ginawa upang bigyang-daan ang matiwasay na komunikasyon sa pagitan ng mga kawaning nangangasiwa sa evacuation center at mga dayuhang mamumuhay nang pansamantala sa lugar na ito. Ang dokumentong nabanggit ay nakatuon sa mga dayuhang hindi masyadong nakakaintindi ng wikang Hapon at magsisilbing gabay sa mga hakbang na dapat gawin sa oras na magkaroon ng kalamidad hanggang sa makarating ang saklolo.
Ang support sheet na ito ay ginagamit sa bawat evacuation center sa pagkuha ng impormasyong kinakailangan sa pangangasiwa ng evacuation center at mga dayuhang evacuees.
Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Koreano, Portuguese, Espanyol, Tagalog, Vietnamese
Para sa mga detalye ukol sa pagkakayari o paraan (pamamaraan) ng paggamit sa support sheet, pakikumpirma ang “Tungkol sa Foreign Evacuees Support Sheet (Buod)”.