本文
Ang child counseling center ay nagbibigay ng iba’t ibang mga pagpapayo para sa mga batang wala pang 18 taong gulang.
Maliban sa pagbisita sa amin nang direkta, nagbibigay rin kami ng pagpapayo sa telepono.
Mangyaring huwag mamroblema nang mag-isa at huwag mag-atubiling magpa-konsulta.
Ang pagpapayo ay libre. Ang pagka-kumpidensiyal nito ay mahigpit na sinusunod.
Oras ng Pagpapayo: Mula 8:30 hanggang 17:15 (Mula Lunes hanggang Biyernes)
(Maaari kang magpa-book ng pagpapayo kung kinakailangan)
Ang mga specialized staff, tulad ng mga child welfare officer at psychotherapist, ay nagbibigay ng kinakailangang tulong ng bata habang nagtutulungan upang makagawa ng mga solusyon at magbigay payo.
Sa partikular,
・ Sikolohikal na diyagnosis, pagpapayo
・ Pagpapakilala sa naangkop na ibang institusyon
・ Pakikipagtulungan sa mga kaugnay na organisasyon tulad ng paaralan at pulisya
・ Pansamantalang proteksyon
・ Pagpasok sa isang infant home, foster home, atbp.
・ Pagpapalaki ng mga foster parent atbp.
◆ Tungkol sa paglilinang ng bata
Halimbawa
・ Hindi pa siya nakakapagsalita
・ Parang hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng mga magulang
・ Parang mabagal ang paglilinang niya
・ Mayroon siyang pisikal na kapansanan atbp.
Nagbibigay kami ng pagpapayo para sa mga bata na may problema sa kanilang paglilinang at may pisikal at mental na kapansanan.
◆ Personalidad, Pag-uugali, Disiplina, atbp.
Halimbawa
・ Parang hindi siya nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan
・ Hindi mapakali, kinakagat niya ang kanyang mga kuko, siya ay makasarili at marahas, siya ay naging sinungaling
・ Nakakaihi siya sa kanyang sarili, hindi niya mapigilan ang pagsuso sa kanyang hinlalaki
・ Ayaw niyang pumasok sa eskuwela, nursery school atbp.
Nagbibigay kami ng pagpapayo tungkol sa personalidad at pag-uugali ng bata, at tungkol sa hikikomori at hindi pagpasok sa eskuwela.
◆ Pagiging deliquent, atbp.
Halimbawa
・ Lumabas sa gabi, madalas na manatili sa labas nang magdamag
・ Napunta sa custody dahil sa pag-shoplift, pagkuha ng pera sa bahay
・ Hindi pagpasok sa eskuwela, paggamit ng karahasan laban sa mga magulang
・ Paglalanghap ng thinner atbp.
Nagbibigay kami ng pagpapayo tungkol sa pagiging deliquent
◆ Mga problema sa pagpapalaki ng bata
Halimbawa
・ Ang tagapangalaga ng bata ay naospital at walang sinumang mag-aalaga ng bata
・ Kung nawawala ang mga magulang ng bata at walang lugar kung saan maaalagaan siya
・ Nababalisa ako sa pagpapalaki ng bata, araw-araw atbp.
Nagbibigay kami ng pagpapayo para sa mga kaso kung saan hindi kaya palakihin ng tagapangalaga ang bata dahil sa sakit, namomroblema sa pagpapalaki ng bata, atbp.
◆ Pag-abuso
Halimbawa
・ Grabe ang pag-iyak ng bata tuwing gabi sa kapitbahayan
・ May batang maraming pasa sa kanyang katawan
・ Naglalaro ang bata kahit gabing gabi na, at ayaw niyang umuwi sa bahay
・ Wala ang tagapangalaga sa kanilang bahay, mukhang naiiwan ang bata nang mag-isa
・ Alam kong hindi dapat, ngunit pinapalo ko pa rin ang aking anak atbp.
Tumutugon kami sa mga ulat tungkol s pag-abuso at nagbibigay ng pagpapayo para rito
*Tumatanggap kami ng tawag 24 oras kahit gabi/holiday
Ang pang-aabuso ay nakakasagabal sa malusog na paglaki at paglinang ng isang bata dahil nag-iiwan ito ng malaking pinsala sa kanyang isip at katawan.
Kung sa tingin mo “Inaabuso ang bata,” mangyaring makipag-ugnayan sa child counseling center.
Ang pagka-kumpidensiyal nito ay mahigpit na sinusunod. Ang iyong pagtawag ay hahantong sa maagang pagtuklas at maagang paglutas ng pang-aabuso.
Point Pang-aabuso ng Bata
◆ Ito ay isang kaso kung saan ang nagpapalaki ng bata sa ngalan ng kanyang mga tunay na mga magulang o tagapangalaga ay nagbigay pinsala sa isip o katawan niya, o pinipinsala ang kanyang malusog na paglaki at paglinang. Ito ay isang malubhang problema sa lipunan na nakakaapekto sa buhay ng mga bata.
◆ Ang 4 na uri ng pang-aabuso
Uri |
Nilalaman |
Pisikal na Pang-aabuso |
Pag-pinsala sa katawan (hampas, sipa, atbp.). Pananakit. |
Neglect |
Hindi pagpapakain, pagpapabaya kagaya ng hindi pagpapaligo. Hinahayaang pisikal na inaabuso ng isang taong naninirahan sa parehong tirahan. |
Sikolohikal na Pang-aabuso |
Sikolohikal na pang-aapi kung saan nakakarinig ang bata ng mga salita tulad ng “Sana hindi ka na lang pinanganak.” Sinasaktan ang damdamin. Sikolohikal na trauma mula sa DV. |
Seksuwal na Pang-aabuso |
Mga seksuwal na kilos, seksuwal na karahasan |
◆ Obligado ang mga mamamayan na mag-ulat sa child counseling center o sa isa sa child and family counseling corner ng bawat ward kung may nakita silang bata na tila inaabuso.
Mangyaring makipagtulungan para sa maagang pagtuklas at paglutas ng pang-aabuso.
Tel 082-263-0694 / Fax 082-263-0705
Email Address jiso@city.hiroshima.lg.jp
Lokasyon 2--15-55 Hikarimachi Higashi-ku, Hiroshima, 732-0052