本文
Kung natuklasan mo ang isang batang wala pang 18 taong gulang na inaabuso o pinaghihinalaang inaabuso ng isang tagapangalaga, dapat mong ipaalam ito sa Child Counseling Center.
Sa kaso ng emergency kung saan nasa bingit ng panganib ang bata, mangyaring tumawag sa 110.
★Kasama sa pang-aabuso sa bata ang mga sumusunod
●Pisikal na Pang-aabuso: Pagpinsala sa katawan katulad ng paghampas o pagsipa, at pananakit
●Neglect (Pagkabigo o pagtanggi sa pagpapalaki ng bata): Hindi pagpapakain, pagpapabaya kagaya ng hindi pagpapaligo, pinapabayaang maabuso ng taong maliban sa tagapangalaga
●Sikolohikal na Pang-aabuso: Sikolohikal na pang-aapi, tulad ng pananakit ng damdamin gamit ang mga salitang tulad ng “Sana hindi ka na lang pinanganak,” at ang mga epekto ng pagkasaksi ng domestic spousal violence.
●Seksuwal na Pang-aabuso: Gumawa ng seksuwal na aktibidad sa bata, magpakita ng mga seksuwal na larawan
Kung nakakita ka ng isang bata na tila nasasakop sa mga naturang pang-aabuso, mangyaring makipag-ugnay sa mga sumusunod na awtoridad.
[Contact information/Inquiries]
Hiroshima City Child Counseling Center
Address: 2-15-55 Hikarimachi Higashi-ku, Hiroshima
Tel.: 082-263-0694
*Tumatanggap kami ng tawag para sa pagpapayo at pag-abiso tungkol sa pang-aabuso 24 oras araw-araw, sa gabi man o holiday.
Child Future Bureau, Child Counseling Center