本文
Ang Hiroshima Evacuation Guide app na "避難所へGo!(Hinanjo e Go!)” ay isang disaster prevention app na tumutulong sa inyong magsagawa ng naaangkop na aksyon sa paglikas bago maganap ang isang sakuna. Sa oras na may inilabas na evacuation advisory, ang app ay magbibigay gabay para sa ruta patungo sa pinakamalapit na bukas na evacuation center.
Kapag naglabas ng impormasyon tungkol sa paglikas para sa inyong kasalukuyang lokasyon, sa pagpindot ng isang button ay magagawa na niyong maghanap ng mga ruta ng paglikas patungo sa pinakamalapit na bukas na evacuation center. Binibigyan nitong paraan ang mga commuter na empleyado o estudyante o turistang hindi pamilyar sa lugar na biswal na maunawaan kung nasaan ang mga bukas na evacuation site.
Bilang karagdagan, maaari ring makakuha ng iba't ibang impormasyon tungkol sa disaster prevention sa iba't ibang wika at makumpirma sa mapa kung gaano kapanganib (hazard information) ang inyong kasalukuyang lokasyon.
Sa mga normal na oras, maaari niyong kumpirmahin ang weather forecast at anunsiyo mula sa lungsod, maghanap ng evacuaton center, tumingin ng mga ruta mula sa inyong bahay patungo sa kalapit na evacuation center, at kumpirmahin ang mga impormasyong makakatulong sa paghahanda para sa sakuna.
Para sa mga gumagamit ng iOS device, mangyaring mag-download mula rito<外部リンク> .
(Nirerekomendang bersyon: iOS 10.0 o mas bago)
Para sa mga gumagamit ng Androd device, mangyaring mag-download mula rito<外部リンク> .
(Nirerekomendang bersyon: Android device 6.0 o mas bago)
Libre (* Ang mga telecommunication fee na magagamit ng app ay babayaran ng user)
Kung may inilabas na impormasyon tungkol sa paglikas para sa inyong kasalukuyang lokasyon, ipapakita ng app ang ruta ng paglikas papunta sa pinakamalapit na bukas na evacuation center base sa impormasyon mula sa inyong GPS.
Bilang karagdagan, ang gabay para sa ruta ay hinahayaan kayong sariling makapag-set ng transit points upang makapaghanap muli ng bagong ruta o mga ruta upang iwasan ang mga mapanganib na lugar base sa hazard information.
* Kung gagamit ng Evacuation Guide App, mapaganib na magpalipat-lipat habang nakatitig sa screen ng smartphone, atbp. Mangyaring lumikas nang nagbibigay atensyon sa sitwasyon ng inyong kapaligiran.
* Ang app na ito ay gumagamit ng internet at GPS. Dahil ang pagka-eksakto ng GPS ay nakasalalay sa nakapalibot na kapaligiran, maaaring maiba ang posisyon depende sa kondisyon sa oras ng paggamit.
Paggabay patungo sa ruta nang walang kumplikadong operasyon
Maaaring kumpirmahin ang mga mapanganib na lugar tulad ng landslide caution zone, mga binabaha, nagkakaroon ng tsunami, storm surges, atbp. sa pamamagitan ng pag-display nito sa mapa (hazard information).
Naka-upload dito ang electronic version ng Hiroshima City Disaster Preparedness Handbook na "たちまち防災" (Tachi Machi Bosai).
Nagbibigay notipikasyon ng impormasyon sa paglikas (alert level), national safeguard information, weather infomation, atbp.