ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Preserbasyon ng A-Bomb Dome

本文

Preserbasyon ng A-Bomb Dome

Article ID:0000210342 印刷ページ表示

Preserbasyon ng A-Bomb Dome

Matapos ang pagbomba, ang nasirang kalagayan ng A-bomb dome ay pinreserba at walang malaking pagbabagong ginawa dito. Ngunit dahil sa deteryorasyon nito dulot ng ulan at hangin, at panganib ng pagguho, sumailalim sa preserbasyon ang A-bomb dome noong 1967 sa layuning ipreserba ang kalagayan nito matapos ang pagbomba. Mula noon, nagkaroon ng 3 preserbasyong isinagawa dito.
 Nakaroon ng mga fundraiser para sa una at ikalawang preserbasyon at nakatipon ng malaking halaga ng mga donasyon.. Ang sobra sa donasyon ay inipon bilang "A-bomb dome preservation project fund" at bukod sa paggamit din sa ikatlo at ikaapat na preserbasyon, ginamit din ito sa mga survey para sa perserbasyon.
Ang mga sumusunod ay ang overview ng mga nakaraang trabaho.

 

Overview ng nakaraang perservation work

Trabaho

Panahon

Pangunahing plano ng aksyon

Overview ng Trabaho

Unang preserbasyon

Abril 1967-Agosto 1967

Preserbahin hangga't sa makakaya ang mga kalagayan noong nagpapatuloy pa ang maliliit na pagguho at pagbagsak ng mga parte sa panahong 'yon

  • Adhesion work para sa mga bitak sa dingding
  • Pag-reinforce ng mga steel frame sa mga parteng delikado sa lindol at bagyo
  • Pagtayo ng pader, paghila ng malalaking beam, at muling pagpatong ng mga ladrilyo
  • Paglagay ng anti-corrosion coating sa mga orihinal na steel frame at bagong na-reinforce na steel frame
  • Waterproofing ng bubungan ng warehouse at mortar coating ng taas ng dingding (waterproofing work)

Ikalawang preservation work

Oktubre 1989-Marso 1990

Pagpigil ng deteryorasyon ng mga materyales tulad ng mga kongkreto, ladrilyo at iba pang mga bahagi at mga kinumpuni sa unang preserbasyon

  • Pag-ayos ng deteryorasyon ng kongreto
  • Pag-ayos ng pinagdikitan ng mga ladrilyo
  • Paglalagay ng anti-corrosion coating sa mga steel frame
  • Pagpapalit ng mga kinalawang na mga orihinal na steel frame
  • Aplikasyon ng water-repellent coating material sa mga pader

Ikatlong preservation work

Oktubre 2002 -
Marso 2003

Pagbawas ng deteryorasyon na ang pangunahing sanhi ay ulan

  • Pagprotekta laban sa tubig-ulan
    (Taas ng dingding, pasamano ng bintana, panloob na dingding ng ilalim ng dome, lumang bodega, basement)
  • Pag-coat ng reinforcing steel
  • Hakbang sa pagpreserba ng mga ceiling slab ng lumang bodega

Ika-apat na preservation work

Nobyembre 2015-Hulyo 2016

Pagbawas ng pinsala na dulot ng lindol

Hakbang para sa lindol
(Nagdagdag ng reinforcing steel frame sa 3 pader)

Ikalimang 

Preservation work

Mula Hunyo 2020 -Abril 2021

Pagpigil sa pagkakasira ng bakal na materyales, atbp.
  • Pag-coat ng steel
  • Pag-ayos ng pinagdikitan ng mga ladrilyo
  • Pag-ayos ng mulyon
  • Pag-ayos ng tibay ng mga kagamitang metal

 


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付