本文
Magbibigay ng tulong para sa gastusing kailangan sa paaralan tulad ng kagamitan sa pag-aaral, sa magulang/tagapag-alaga ng bata/mag-aaral na kinilalang nahihirapan sa pagpasok sa paaralan sa kadahilanang pinansyal.
Kung magulang/tagapag-alaga ng batang mag-aaral na sumasailalim sa alinman sa sumusunod na (A) – (C), at sumasailalim sa alinmang kadahilanang nakasulat na 1 – 10 sa ibaba
Magulang/tagapag-alaga ng batang mag-aaral na naka-enroll sa mababang paaralan o gitnang paaralan (chūgakkō)
Magulang/tagapag-alaga ng mag-aaral na naka-enroll sa unang bahagi ng kurso sa paaralan ng sekundaryong edukasyon
Magulang/tagapag-alaga ng batang mag-aaral na naka-enroll sa dibisyon ng mababang paaralan/dibisyon ng gitnang paaralan (chūgaku) ng paaralan para sa edukasyon ng may bukod-tanging pangangailangan
Magulang/tagapag-alaga ng batang mag-aaral na naka-enroll sa mababang paaralan o gitnang paaralan (chūgakkō), at may address sa lungsod ng Hiroshima
Magulang/tagapag-alaga ng mag-aaral na naka-enroll sa unang bahagi ng kurso sa paaralan ng sekundaryong edukasyon, at may address sa lungsod ng Hiroshima
Magulang/tagapag-alaga ng batang mag-aaral na naka-enroll sa mababang paaralan o gitnang paaralan (chūgakkō), at may address sa lungsod ng Hiroshima
Magulang/tagapag-alaga ng mag-aaral na naka-enroll sa unang bahagi ng kurso sa paaralan ng sekundaryong edukasyon, at may address sa lungsod ng Hiroshima
(Sakop mula taong piskal 2010 (Heisei 22))
Gastusin |
Mababang Paaralan |
Gitnang Paaralan (Chūgakkō) |
||
---|---|---|---|---|
1 Baitang |
2 – 6 Baitang |
1 Taon |
2, 3 Taon |
|
Gastusin sa kagamitan sa pag-aaral atbp. |
13,230yen |
15,500yen |
25,040yrn |
27,310yen |
Gastusin sa kagamitan sa pag-aaral para sa bagong pasok |
54,060yen |
- |
60,000yen |
- |
Gastusin sa tanghalian (kyūshoku) sa paaralan |
Aktuwal na halaga |
Aktuwal na halaga |
||
Gastusin sa school excursion |
Aktuwal na halaga (Hangganang halaga 28,100yen) |
Aktuwal na halaga (Hangganang halaga 55,000yen) |
||
Gastusin sa outdoor activities |
Aktuwal na halaga (May hangganang halaga) |
Aktuwal na halaga (May hangganang halaga) |
||
Gastusin sa pagpunta sa paaralan |
Aktuwal na halaga (kung 4 km o higit pa ang layo ng papunta sa paaralan) |
Aktuwal na halaga (kung 6 km o higit pa ang layo ng papunta sa paaralan) |
||
Gastusing medikal para sa partikular na sakit |
Aktuwal na halaga |
Aktuwal na halaga |
Mula sa nakasulat sa itaas na taong sakop, ibibigay lamang ang gastusin sa school excursion at gastusing medikal para sa partikular na sakit sa taong tumatanggap ng tulong sa pamumuhay (seikatsu hogo).
At may limitasyon sa ibibigay na gastusin para sa bahagi ng (A) (mga may address sa labas ng lungsod ng Hiroshima), (B) at (C).
Halimbawa, ang sumusunod na 4 ang ibibigay na gastusin sa (C). (Para sa tumatanggap ng tulong sa pamumuhay (seikatsu hogo), ang gastusin sa school excursion ang ibibigay na gastusin.)
Magtanong nang bukod sa School Affairs Division para sa mga detalye.
Sa mga nagnanais mag-apply, isulat ang mga kinakailangang bagay-bagay sa takdang application form, ilakip ang mga sertipiko at i-submit sa paaralan o sa School Affairs Division ng Hiroshima Municipal Board of Education.
Kung may bagay na hindi maintindihan, huwag mag-atubiling makipagkonsulta sa paaralang pinapasukan ng inyong anak o sa School Affairs Division ng Hiroshima Municipal Board of Education (Tel 082-504-2469).
At kahit kailan tinatanggap ang application sa tulong para sa pagpasok sa paaralan, ngunit sa patakaran, isinasagawa ang tulong pagkatapos ng buwan kung kailan nag-submit ng application form. Mag-apply habang maaga.
Board of Education Executive Office School Affairs Division
Tel:082-504-2469/Fax:082-504-2328
Mail Address:gakujika@city.hiroshima.lg.jp