本文
Para sa mga katanungan sa mga ward office, branch office atbp.
Lagyan ng ang kahon para sa check ng kinakailangang palakad, i-print out at pakinabangan ang paggamit nito.
Para sa paggamit ng Krematoryong Panlungsod
Sa may markang * sa Inatasang Dibisyon, maaari ring magpalakad sa branch office na sumasaklaw sa lugar ng tirahan.
Check |
Kinakailangang Palakad |
Bagay na Dadalhin |
Paraan ng Palakad / Taong Kailangan ng Palakad |
Inatasang Dibisyon |
---|---|---|---|---|
|
Ulat ng Pagkamatay |
Sertipiko ng Pagkamatay, Pantatak (inkan) |
Isagawa ang pag-uulat sa loob ng 7 araw mula sa araw na nalaman ang pagkamatay. |
Citizens Affairs Division ng Ward * |
Kailangan lamang ang mga sumusunod na palakad sa mga taong sumasailalim dito. Huwag kalimutang isagawa ang palakad kung sumasailalim dito.
Check |
Kinakailangang Palakad |
Bagay na Dadalhin |
Paraan ng Palakad / Taong Kailangan ng Palakad |
Inatasang Dibisyon |
---|---|---|---|---|
|
Pagsasauli ng Sertipiko ng Pagrehistro ng Pantatak (inkan) |
Sertipiko (Card) ng Pagrehistro ng Pantatak |
Agarang matatanggal ang rehistro ng pantatak batay sa pag-uulat ng pagkamatay. Pakisauli ang sertipiko ng pagrehistro. |
Citizens Affairs Division ng Ward * |
|
Pagsasauli ng Basic Resident Registration Card |
Basic Resident Registration Card |
Agarang matatanggal sa pag-uulat ng pagkamatay. Pakisauli ang card. |
Citizens Affairs Division ng Ward * |
|
Pag-uulat ng Pagbabago sa Puno ng Sambahayan |
Papeles ng Identipikasyon (Lisensya ng Pagmamaneho, Pasaporte atbp.) |
Kung namatay ang puno ng sambahayan, at maraming miyembro sa sambahayan, isagawa ang pag-uulat sa loob ng 14 araw mula sa araw na nagkaroon ng pagbabago. Maaaring hindi kailangan ng pag-uulat. Magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
Citizens Affairs Division ng Ward * |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa ng Pambansang Seguro ng Kalusugan |
Sertipiko ng Pambansang Seguro ng Kalusugan |
Kung namatay ang kasapi sa Pambansang seguro ng kalusugan, isagawa ang palakad ng pagpapawalang-bisa ng Pambansang seguro ng kalusugan. |
National Insurance and Pension Division ng Ward * |
|
Palakad ng Pag-apply para sa Gastusin sa Pagpalibing mula sa Pambansang Seguro ng Kalusugan |
Sertipiko ng Pambansang Seguro ng Kalusugan, Pantatak (inkan) ng taong magpapalibing, Sertipiko ng Pahintulot ng Kremasyon (Paglibing) ng Bangkay, bagay para malaman ang savings account number ng taong magpapalibing |
Kung namatay ang kasapi sa Pambansang seguro ng kalusugan, ang magpapalibing ang dapat mag-apply.
Hindi maibibigay ang halaga kung lumipas ang 2 taon mula sa araw na sumunod sa araw kung kailan isinagawa ang pagpalibing. Mag-ingat dito. |
National Insurance and Pension Division ng Ward * |
|
Palakad para sa Pambansang Pensyon (sa kasapi) |
Mayroong kaso na maaaring mag-claim ng Benepisyo sa Pagkamatay, Batayang Pensyon para sa Pamilya ng Namatay, Pensyon para sa Biyuda atbp. Magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
National Insurance and Pension Division ng Ward * |
|
|
Palakad para sa Pambansang Pensyon (sa taong tumatanggap nito) |
Kailangan ang pag-uulat ng pagkamatay ng taong may karapatang tumanggap ng pensyon o palakad ng pag-claim ng hindi pa ibinibigay na pensyon. Magkakaiba ang kailangang dokumento, paghaharapan ng papeles o kailangang palakad, kaya’t magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. (Isagawa ang palakad sa Tanggapan ng Pensyon kung tumatanggap ng Pensyong Pangkawanggawa (kōsei nenkin), at sa mga Kapisanan ng Pagdadamayan (kyōsai kumiai) para sa tumatanggap ng Pensyong Pandamayan (kyōsai nenkin).) |
National Insurance and Pension Division ng Ward * |
|
|
Palakad para sa Scooter at Small-sized special motor vehicle |
Isagawa ang palakad para sa pagpapalit ng may-ari o para sa pagbabasura ng sasakyan (haisha). Magtanong sa tanggapan ng City Tax Office o Tax Affairs Office para sa mga detalye. |
City Tax Office |
|
|
Palakad para sa Paglipat (Pagpasa) ng Karapatan dahil sa Pagmana mula sa gumagamit ng Sementeryong Panlungsod (o ng Takamagahara Crypt) |
Kung namatay ang may karapatang gumamit ng sementeryong panlungsod (o ng Takamagahara Crypt), magkakaiba ang kailangang mga papeles ayon sa taong pagpapasahan. Magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. - Sementeryong Panlungsod Tel 082-241-7451 - Takamagahara Crypt Tel 082-289-1698 |
Health and Welfare Bureau Environment and Sanitation Division |
|
|
Palakad para sa Child Allowance (jidō teate) |
Hindi kailangan ang palakad dahil agarang mawawala ang karapatan ng pagtanggap ayon sa pag-uulat ng pagkamatay. Subalit upang matanggap ang hindi pa nakukuhang allowance, kailangan ang palakad ng pag-claim. At upang maging tagatanggap ang asawa o iba pa kahalili ng taong namatay, kailangan ang panibagong palakad ng pag-claim, kaya’t siguraduhing magtanong sa tanggapan. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
|
Palakad ng Pag-apply para sa Child Rearing Allowance |
Opisyal na Kopya ng Rehistro ng Pamilya (koseki tōhon), Kopya ng Resident Record, Pantatak (inkan) atbp. |
Kung namatay ang ama o ina ng bata, at hindi makatatanggap ng pensyon para sa pamilya ng namatay, maaaring sakop dito kaya’t magtanong sa tanggapan. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa ng Child Rearing Allowance |
Pantatak (inkan) ng taong mag-uulat, Sertipiko ng Allowance, Dokumento kung saan matitiyak ang pagkamatay atbp. |
Mayroong kaso na maaaring mag-claim ng hindi pa natatanggap na allowance. At maaari ring mag-apply nang panibago ang tagapagpalaki ng bata kapalit ng namatay na tagatanggap. Magtanong sa tanggapan. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa o Pagbabago sa Tulong sa Gastusing Medikal ng Sanggol |
Sertipiko ng Tagatanggap, Pantatak (inkan) atbp. |
Isauli ang Sertipiko ng tagatanggap. Kung namatay ang ama o ina ng sanggol, kailangan ang palakad ng pagbabago sa magulang/tagapag-alaga, kaya’t magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa o Pagbabago sa Tulong sa Gastusing Medikal ng Tahanan ng Single Parent |
Sertipiko ng tagatanggap, Pantatak (inkan) atbp. |
Isauli ang Sertipiko ng tagatanggap. Maaaring kailangan ang palakad ng pagbabago kaya’t magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagpahinto ng Pautang ng Single Parents and Children’s Welfare Fund |
----- |
Taong pinapautang. Magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa ng Tulong sa Gastusing Medikal ng Taong may Malubhang Mental at Pisikal na Kapansanan |
Sertipiko ng tagatanggap, Pantatak (inkan) |
Isauli ang Sertipiko ng tagatanggap. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
Pagsasauli ng Libreto ng Taong may Pisikal na Kapansanan |
Libreto ng Taong may Pisikal na Kapansanan, Pantatak (inkan) ng taong mag-uulat |
Taong pinagkalooban ng libreto. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
Pagsasauli ng Libreto ng Rehabilitasyon |
Libreto ng Rehabilitasyon, Pantatak (inkan) ng taong mag-uulat |
Taong pinagkalooban ng libreto. |
Health Services and Welfare Division ng Ward * |
|
Palakad para sa Allowance ng may Partikular na Kapansanan, Kapakanan ng Batang may Kapansanan, Pangmatagalang Kapakanan |
Pantatak (inkan) ng taong mag-uulat, Savings passbook ng asawa o iba pa (kung may allowance na hindi pa nababayaran) |
Taong tumanggap ng pagpahintulot (nintei). |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa ng Special Child Rearing Allowance |
Pantatak (inkan) ng taong mag-uulat, Sertipiko ng Allowance, Dokumento kung saan matitiyak ang pagkamatay atbp. |
Mayroong kaso na maaaring mag-claim ng hindi pa natatanggap na allowance. At maaari ring mag-apply nang panibago ang tagapagpalaki ng bata kapalit ng namatay na tagatanggap. Magtanong sa tanggapan. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Palakad ng Pag-claim ng Pensyong Pandamayan para sa Pag-aalaga ng Taong may Mental at Pisikal na Kapansanan / Abuloy (ireikin) |
Magkakaiba ang bagay na dadalhin at paraan ng palakad, kaya’t magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
|
Palakad ng Pagsasauli ng Sertipiko ng Tagatanggap ng Serbisyong para sa Kapakanan ng may Kapansanan |
Sertipiko ng Tagatanggap |
Pakisauli ang sertipiko ng tagatanggap. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Pagsasauli ng Libretong Pangkalusugan at Kapakanan ng Taong may Mental na Kapansanan |
Libretong Pangkalusugan at Kapakanan ng Taong may Mental na Kapansanan |
Pakisauli ang libreto. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa ng Suportang Medikal para sa Kasarinlan (pagpunta-punta sa klinika ng sikiyatra / rehabilitasyong medikal) |
Sertipiko ng Tagatanggap ng Suportang Medikal |
Pakisauli ang Sertipiko ng tagatanggap ng suportang medikal. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Pag-uulat ng Pagtanggal ng Care Phone (fukushi denwa) / Security Phone (anshin denwa) |
Libreto ng Taong may Pisikal na Kapansanan, Pantatak (inkan) ng taong mag-uulat |
Isagawa ang palakad ng pagtanggal sa inatasang dibisyon ng ward office sa lugar ng tirahan. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Pag-uulat ng Pagtigil ng Proyekto ng Pananaliksik ukol sa Paggamot ng Natatanging Sakit |
Sertipiko ng Tagatanggap ng Suportang Medikal para sa Natatanging Sakit |
Paki-submit ang Ulat ng pagtigil, at isauli ang Sertipiko ng tagatanggap ng suportang medikal para sa natatanging sakit. |
Health Services and Welfare Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagtanggal ng Security Phone / Care Phone / Serbisyo ng Paghatid ng Pagkain / Pagbibigay ng Nursing Care Goods sa Pamilya |
Pantatak (inkan) |
Kung namatay ang pinaglaanang taong may kapansanan, isagawa ang palakad ng pagtanggal. |
Longevity and Health Services Division ng Ward |
|
Palakad ng Pag-apply para sa Pagbibigay ng Halaga ng Pagpalibing ng Biktima ng Bomba Atomika |
Libretong Pangkalusugan ng Biktima ng Bomba Atomika, Sertipiko ng Pahintulot ng Kremasyon (Paglibing) ng Bangkay, Sertipiko ng Pagkamatay o Kasulatan ng Pagsusuri ng Bangkay, Pantatak (inkan) / Savings Passbook ng aplikante atbp. |
Ang taong magpapalibing ang kailangang mag-apply. Kung ang namatay na biktima ng bomba atomika ang tagatanggap ng benepisyo, pakisauli ang Sertipiko ng allowance. |
Longevity and Health Services Division ng Ward * |
|
Pagsasauli ng Libretong Pangkalusugan ng Biktima ng Bomba Atomika |
Libretong Pangkalusugan ng Biktima ng Bomba Atomika, Sertipiko ng Nagpasuri ng Kalusugan sa Unang Grado, Sertipiko ng Nagpasuri ng Kalusugan sa Ikalawang Grado |
Pakisauli ang Libretong pangkalusugan ng biktima ng bomba atomika at iba pa. |
Longevity and Health Services Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagsasauli ng Sertipiko ng Segurong Medikal para sa Matandang nasa Ikalawang Antas |
Sertipiko ng Taong Nakaseguro, Sertipiko ng Pagpahintulot sa Pagpapatupad ng Hangganang Halaga / Pagbawas sa Batayang Pasaning Halaga atbp. |
Pakisauli ang Sertipiko ng taong nakaseguro at iba pa. |
Longevity and Health Services Division ng Ward * |
|
Palakad ng Pag-apply para sa Pagbibigay ng Gastusin sa Pagpalibing mula sa Pagpapagamot ng Matandang nasa Ikalawang Antas |
Sertipiko ng Taong Nakaseguro, Pantatak (inkan), Sertipiko ng Pahintulot ng Kremasyon (Paglibing) ng Bangkay, bagay para malaman ang savings account number ng taong magpapalibing |
Ang taong nagpalibing ang kailangang mag-apply. Mag-ingat dahil hindi maibibigay ang halaga kung lumipas ang 2 taon mula sa araw na sumunod sa araw kung kailan isinagawa ang pagpalibing. |
Longevity and Health Services Division ng Ward * |
|
Pagsasauli ng Sertipiko ng Nursing Care (kaigo) atbp. |
Sertipiko ng Nursing Care, Sertipiko ng Pagpahintulot sa Hangganang Halaga ng Pasanin atbp. (para lang sa taong tumanggap ng pagpahintulot sa hangganang halaga ng pasanin atbp.) |
Taong 40 taong gulang pataas at nagmamay-ari ng Sertipiko ng Nursing Care atbp. |
Longevity and Health Services Division ng Ward * |
|
Pag-uulat ng Pagtigil ng Pananaliksik ukol sa Paggamot ng Natatanging Mahirap Lunasang Sakit ng Bata |
Tiket para sa pagpapatingin sa doktor (jushinken) |
Paki-submit ang ulat ng pagtigil at isauli ang Tiket para sa pagpapatingin sa doktor. |
Daily Life Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagpapawalang-bisa ng Suportang Medikal para sa Kasarinlan (Pangangalaga ng Batang may Kapansanan) |
Sertipiko ng Tagatanggap ng Suportang Medikal para sa Kasarinlan |
Pakisauli ang Sertipiko ng tagatanggap ng suportang medikal para sa kasarinlan. |
Daily Life Division ng Ward |
|
Palakad ng Pagbabago sa Taong Humihiram sa Pautang para sa Instalasyon ng Flush Toilet (para sa nagbabayad ng utang) |
----- |
Makipag-ugnayan sa Management Division ng Sewerage Bureau sa telepono o iba pang paraan. (Tel 082-241-8257) |
Management Division ng Sewerage Bureau |
|
Pagtigil ng Pagtanggal ng Dumi o Pagbabago sa Bilang ng Tao o Aplikante |
Makipag-ugnayan sa Environment Projects Division ng Hiroshima City Urban Development Corporation. (Tel: 082-244-7791)
* Sa mga nakatira sa pook ng Fukuda, Umaki, Kaminukushina, Nukushina ng Higashi ward at sa Aki ward, makipag-ugnayan sa Aki District Sanitary Facilities Management Association. (Tel: 082-885-2534) |
Operations Division II ng Environment Bureau |
|
|
Palakad para sa Pagpasa ng Karapatang Gumamit ng Pabahay ng Lungsod |
Kung namatay ang tao kung kanino nakapangalan ang pagtira sa pabahay ng lungsod, at magpapatuloy tumira ang taong nakatira sa parehong tirahan, gawin ang takdang palakad para mabigyan ng kapahintulutan. Kailangang tuparin ang takdang kondisyon upang mabigyan ng kapahintulutan. Magtanong sa inatasang dibisyon para sa mga detalye. |
Architectural Division ng Ward |
|
|
Palakad para sa Paglipat ng Miyembro ng Sambahayang Nakatira sa Pabahay ng Lungsod atbp. |
Kung namatay ang taong nakatira sa parehong pabahay ng lungsod, kailangan ang takdang palakad. Magtanong sa inatasang dibisyon para sa mga detalye. |
Architectural Division ng Ward |
|
|
Pag-uulat ng Pagmana ng Bukiran (nōchi) atbp. |
Sertipiko ng lahat ng bagay ukol sa lupain pagkatapos ng pagrehistro ng pagmana, di-nakarehistrong pantatak (mitome-in) ng taong mag-uulat (kasulatan ng pagtatalaga kung kinatawan ang mag-uulat) atbp. |
Pakiulat sa loob ng mga 10 buwan mula sa araw ng pagmana ayon sa takdang papel para rito. May takdang papel para rito sa inatasang dibisyon, at maaari rin itong i-download sa homepage ng lungsod. Magtanong sa tanggapan para sa mga detalye. |
Agricultural Affairs Committee Secretariat |
|
Pag-uulat ng May-ari ng Lupain sa Kagubatan |
Guhit ng Lokasyon, Sertipiko ng nakarehistong bagay-bagay at/o iba pang papeles na magpapatunay na may karapatan ng pagmamay-ari ng lupain |
Paki-ulat sa loob ng 90 araw mula sa araw ng pagkamatay kung ang taong may-ari ng kagubatang sakop ang namatay. May takdang papel para rito sa inatasang dibisyon, at maaari rin itong i-download sa homepage ng lungsod. Magtanong sa inatasang dibisyon para sa mga detalye. |
Agriculture and Forestry Division ng Ward (Sa Asaminami, Asakita, Aki, Saeki) |
Para sa mga katanungan sa mga ward office, branch office atbp.
Ward office, branch office