本文
Uri |
Panahon ng pag-apply |
Taong mag-uulat |
Kinakailangang bagay |
Tanggapan para sa pag-apply |
---|---|---|---|---|
Ulat ng Kapanganakan |
Sa loob ng 14 araw mula ng pagsilang |
|
Kasulatan ng Ulat ng Kapanganakan Sertipiko ng Pambansang Seguro ng Kalusugan (sa kasapi lamang) (*1) |
Citizens Affairs Division ng Ward Office sa lugar kung saan isinilang ang sanggol, o kinaroroonan ng taong mag-uulat *Para sa kinakailangang papeles para sa pagharap ng ulat ng kapanganakan sa bansa ng nasyonalidad ng bata, magtanong sa embahada/konsulado ng bansang iyon. |
Palakad para makamit ang Pahintulot ng Bukod-tanging Permanenteng Residente |
Sa loob ng 60 araw mula ng pagsilang |
Ama o Ina |
Sertipiko ng Pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan (Hilingin sa tanggapan kung saan nag-submit ng ulat ng kapanganakan. Kinakailangan ang papeles ng pagtiyak ng identipikasyon tulad ng special permanent resident certificate o iba pa sa paghiling.) |
Citizens Affairs Division ng Ward Office / Branch Office sa inyong tirahan |
Palakad para makamit ang Pahintulot ng Paninirahan nang Matagal-tagal o Matagal na Panahon |
Sa loob ng 30 araw mula ng pagsilang |
Ama o Ina |
Sertipiko ng Pagtanggap ng Ulat ng Kapanganakan (Hilingin sa tanggapan kung saan nag-submit ng ulat ng kapanganakan. Kinakailangan ang papeles ng pagtiyak ng identipikasyon tulad ng residence card o iba pa sa paghiling.) |
Kawanihan ng Imigrasyon sa Rehiyong sumasaklaw sa pook ng inyong tirahan |
(*1) Kung kasapi sa Pambansang Seguro ng Kalusugan ang nanganak, magkakaloob ng kabuuang halaga para sa panganganak at pag-aalaga ng bata (shussan ikuji ichijikin).
Ward office, branch office