本文
● Kung magpapalit ng pangalan, nationality/region, at iba pang bagay
Kung magbabago ng apelyido, nasyonalidad/rehiyon dahil sa kasal o magbabago ng araw ng kapanganakan, kasarian at iba pa, kailangang ipagbigay-alam sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng nasabing pagbabago sa pamamagitan ng pagpapakita ng pasaporte (kung may pasaporte), Resident Card, sariling larawan, at iba pang angkop na dokumento na magpapatunay sa anumang pagbabago.
● Kung ang iyong Special Permanent Resident Certificate ay magwakas
Kung ang iyong Special Permanent Resident Certificate ay magwakas, kailangang humiling ng Extension ng iyong Certificate sa pamamagitan ng pag-sumite ng iyong pasaporte (kung meron), Special Permanent Resident Certificate, at sariling larawan bago ng expiration date.
● Kung ang Special Permanent Resident Certificate ay mawala o nasira at hindi na maaring gamitin
Kung ang Special Permanent Resident Certificate ay nawala, ninakaw o nasira at hindi na puwedeng gamitin, kailangang humiling muli ng ng bagong Certificate sa inyong munisipyo.
※Para sa mga bagay na may kaugnayan sa inyong paninirahan, sumangguni tungkol sa pamamaraan sa inyong munisipyo.
Ward Administration Section, General Affairs Division, Planning and General Affairs Bureau
TEL:082-504-2112 / FAX:082-504-2069
Mail Address:soumu-kusei@city.hiroshima.lg.jp