Unang hakbang sa pamumuhay na walang sunog ~ Upang hindi magkaroon ng sunog sa tirahan ~
Taon-taon, mga dakilang buhay ang nalilipol dahil sa sunog sa tirahan, at halos kalahati nito ay mga matatandang 65 taong gulang pataas. Alamin ang sanhi at hakbang laban sa sunog, at pangalagaan ang mahalagang buhay at ari-arian.
1 Sunog dahil sa heater
Ano ang sunog mula sa heater?
Katangian nito ang pagkakaroon ng sunog kapag napadikit ang gamit sa heater.
Puntos
- Huwag maglagay ng madaling masunog na bagay sa paligid ng heater at gumamit ng produktong nakakapigil sa pagliyab at hindi madaling masunog na mga damit, kagamitang pantulog at iba pa
- Patayin ang heater kapag matutulog
- Huwag magpatuyo ng damit sa heater
- Patayin muna ang heater bago ito lagyan ng langis
2 Sunog dahil sa sigarilyo
Ano ang sunog mula sa sigarilyo?
Katangian nito ang pagkakaroon ng sunog pagkatapos magpatuloy ang pagkatupok na walang ningas.
Puntos
- Ibabad muna sa tubig ang sigarilyo bago ito itapon
- Huwag ipunin ang upos ng sigarilyo sa ash tray
- Huwag na huwag magsigarilyo sa kama o tulugan
3 Sunog dahil sa kawad ng kuryente atbp.
Ano ang sunog mula sa kawad ng kuryente at saksakan?
Katangian nito ang pagkakaroon ng sunog kapag nagkaroon ng siklab dahil sa kuryente, kapag nainitan at iba pa.
Puntos
- Regular na linisin ang saksakan at plug
- Huwag maglagay ng mga bagay sa ibabaw ng kurdon ng kuryente
- Huwag hatakin ang kurdon ng kuryente
- Huwag magkabit ng maraming kagamitang de-kuryente sa iisang saksakan
4 Sunog dahil sa kalan
Ano ang sunog dahil sa kalan?
Katangian nito ang pagkakaroon ng sunog kapag nagkaroon ng natural na pagniningas (pangyayari kung saan nagliliyab kahit hind sindihan) kapag umabot sa 350 digri ang init ng mantika.
Puntos
- Siguraduhing patayin ang apoy kapag aalis sa tabi ng kalan
- Huwag maglagay ng madaling masunog na bagay sa paligid ng kalan
- Tiyakin ang wastong paraan ng paggamit ng kalan
- Gumamit ng produktong nakakapigil sa pagliyab at hindi madaling masunog na damit
Para sa katanungan tungkol sa pahinang ito
Fire Prevention Section, Fire Prevention Division, Fire Prevention Department, Fire Services Bureau
Tel:082-546-3476/Fax:082-249-1160
Mail Address:fs-yobo@city.hiroshima.lg.jp