ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Tungkol sa Buwis Pangmunisipyo at Buwis Pang-prefecture Para sa mga Dayuhan

本文

Tungkol sa Buwis Pangmunisipyo at Buwis Pang-prefecture Para sa mga Dayuhan

Article ID:0000109642 印刷ページ表示

Bilang pangkalahatang tuntunin, ang mga dayuhan na nakatira sa Hiroshima pagsapit ng Enero 1 ng kasalukuyang taon at ang taunang kita noong nakaraang taon ay higit sa 450,000 yen (para sa mga kumikita ng buwanan, ang taunang kita ay higit sa 1,000,000 yen) ay magbabayad ng isang taong buwis pangmunisipyo at buwis pang-prefecture sa taong iyon.

Kahit na lumabas pa man ng bansa sa kalagitnaan ng taon (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.), hindi pa rin mawawala ang iyong obligasyon na magbayad ng buwis pangmunisipyo at buwis pang-prefecture.

Proseso sa Pag-alis ng Bansa sa Kalagitnaan ng Taon (Upang Umuwi sa Sariling Bansa, Atbp.)

1 Ang pag-abiso tungkol sa ahente ng buwis

Kapag aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.), kinakailangang magtalaga ng isang taong nakatira sa Japan bilang ahente ng buwis(*). Mangyaring magsumite sa tanggapan ng buwis-pangmunisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward ng "abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture" kung ang ahente ay nakatira sa loob ng lungsod ng Hiroshima, at "abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture (aplikasyon para italaga o baguhin ang ahente ng buwis)" kung ang ahente ay nakatira sa labas ng lungsod ng Hiroshima.

Kung wala namang problema sa pagtanggap ng abiso ng pagbayad ng buwis o sa pagbayad ng halaga, sa halip na mga dokumentong nakasaad sa itaas ay mangyaring magsumite ng "abiso tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture (aplikasyon para sa hindi pagtalaga ng ahente ng buwis)".

Bukod dito, mangyaring magsumite ng "abiso ng pagbabago tungkol sa ahente ng buwis para sa personal na buwis pangmunisipyo/prefecture" kung mayroong pagbabagong naganap sa mga impormasyong nakasaad sa abiso o aplikasyong isinumite.

(*)Ibig sabihin ng ahente ng buwis

Ito ang taong mamamahala sa mga gawaing kaugnay ng buwis tulad ng pagtanggap ng abiso ng pagbayad ng buwis o pagbayad ng halaga para sa mga dahilan na tulad ng paglabas ng bansa ng may-buwis. Dahil dito, ang mga dokumento na tulad ng abiso ng pagbayad ng buwis ay ipapadala sa ahente. Kung walang abiso tungkol sa ahente ng buwis, hindi maipapadala ang abiso ng pagbayad ng buwis, kaya ito ay ilalabas sa publiko alinsunod sa batas. Kung hindi mababayaran ang buwis sa loob ng takdang oras, kinakailangang magbayad para sa pagpapaliban, kaya mangyaring siguraduhing makapag-susumite ng abiso.

Ang abiso tungkol sa ahente ng buwis ay isinusumite sa tanggapan ng buwis pangmunisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward, kaya mangyaring makipagpanayam sa nasabing tanggapan para sa karagdagang detalye.

 

2 Paraan ng pagbayad kung aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.)

Kahit na lumabas pa man ng bansa sa kalagitnaan ng taon (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.) hindi pa rin mawawala ang iyong obligasyon na magbayad ng buwis pang munisipyo at buwis pang-prefecture.

Kung ang buwis pangmunisipyo/prefecture ay espesyal na kinokolekta sa buwanang kita (sa pamamagitan ng pagbawas), may paraan upang ang buwis ay mabayaran ng isahan gamit ang huling matatanggap na kita o redundancy pay. Para sa isahang pagbabayad ng buwis, mangyaring magtanong sa iyong lugar na pinagtatrabahuan tungkol dito. Bukod dito, kung aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.) sa anumang araw mula Enero 1 hanggang Abril 30, magiging obligado ang lugar na pinagtatrabahuan na bayaran ang buwis nang isahan kaya hindi na kailangang magtanong.

Kung ang buwis ay hindi mababayaran gamit ang huling matatanggap na kita o redundancy pay, mapapadalhan ang ahente ng buwis na natukoy sa 1 sa itaas ng abiso ng pagbayad ng buwis.

Para sa mga May Empleyadong Dayuhan na Kinakailangan ng Espesyal na Koleksyon ng Buwis (Kahilingan)

Kung ang isang empleyadong dayuhan ay aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.) matapos umalis sa panunungkulan, hinihiling namin na mapaliwanagan ang nasabing empleyado na "magtalaga ng ahente ng buwis bago umalis ng bansa" at "kahit na umalis pa man sila ng bansa sa kalagitnaan ng taon, sila ay obligado pa rin na magbayad ng buwis-pangmunisipyo/prefecture".

Bukod dito, kung ang empleyado ay aalis sa panunugkulan sa Hulyo 1 hanggang Disyembre 31, maaari silang humiling na magbayad ng buwis nang isahan. Ngunit kung ang empleyado ay aalis ng bansa (upang umuwi sa sariling bansa, atbp.) matapos umalis sa panunungkulan, hinihiling namin na mapaliwanagan ang nasabing empleyado tungkol sa pamamaraan ng isahang pagbayad ng buwis upang hindi lumabas ng bansa nang hindi nakakapagbayad.

 

Tungkol sa mga Kasunduan sa Bilateral na Buwis

1 Ano ang kasunduan sa bilateral na buwis

Ang kasunduan sa bilateral na buwis ay isang kasunduan sa gitna ng Japan at ang katambal na bansa upang maiwasan ang dobleng pagkolekta ng buwis. Ang mga dayuhang estudyante o business apprentice na galing sa mga katambal na bansa at pasok sa mga tiyak na pamantayan ay maaaring hindi inoobligahang magbayad ng buwis ng kita o buwis pangmunisipyo/prefecture, ngunit magkaiba para sa bawat bansa ang mga kondisyong itinalaga tulad ng bagay na binuwisan o ang kita.

 

2 Naaangkop na mga kinakailangan

Ang mga kondisyon sa iksemsyon sa pagbayad ng buwis alinsunod sa kasunduan sa bilateral na buwis ay nag-iiba depende sa katambal na bansa. Para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnay sa "Kawani ng Pinansya, Dibisyon ng Buwis, Seksyon ng Buwis Pangmunisipyo Kaugnay ng Isahang Pagbayad", o di kaya sa tanggapan ng buwis pangmunisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward.

 

3 Paraan ng pagtanggap ng iksemsyon sa pagbayad ng buwis

Ang mga maaaring makakuha ng iksemsyon sa pagbayad ng buwis pang munisipyo/prefecture alinsunod sa kasunduan sa bilateral na buwis ay kinakailangang magsumite sa takdang oras (hindi lalampas ng Marso 15) kada taon ng abiso tungkol sa iksemsyon sa pagbayad ng buwis. Ang mga nakasaad o nakalakip na dokumento sa abiso ay nakadepende sa mga kondisyon ng aplikasyon, kaya mangyaring makipag-ugnay sa "Kawani ng Pinansya, Dibisyon ng Buwis, Seksyon ng Buwis Pangmunisipyo Kaugnay ng Isahang Pagbayad", o di kaya sa tanggapan ng buwis pang munisipyo o tanggapan ng pagbubuwis sa tinitirhang Ward.

Bukod dito, kung ang pinagtatrabahuan (nagbibigay ng kita) ng dayuhang makatatanggap ng iksemsyon ang magsusumite ng abiso ng pagbayad ng buwanang kita at makakapag-abiso tungkol sa iksemsyon sa pagbayad ng buwis pangmunisipyo/prefecture, mangyaring isulat sa buod ng abiso ng pagbayad ng buwanang kita na ang empleyado ay makatatanggap ng iksemsyon alinsunod sa kasunduan sa bilateral na buwis (Alinsunod sa Artikulo __ ng Kasunduang Pangbuwis ng Japan-______ (hal.: Alinsunod sa Artikulo 21 ng Kasunduang Pangbuwis ng Japan-China)) bago ito isumite.

Mangyaring tandaan na ang abiso ng iksemsyon sa buwis ng kita (kaugnay ng kasunduan sa bilateral na buwis) na isinumite sa tanggapan ng buwis ay hindi magbibigay ng iksemsyon sa buwis pangmunisipyo/prefecture.

 

 Download

 

Fiscal Affairs Bureau, Tax Department,  Citizen Tax Division, Special Collection Section


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付