本文
1 Konsultasyon tungkol sa pagpasok sa paaralan
Bilang pagtugon sa mga pagbabago sa mga sitwasyong may kinalaman sa special needs tulad ng pag-usad ng normalisasyon sa lipunan, at ang paglubha at pagdami ng mga kapansanan, nagbibigay kami ng konsultasyon tungkol sa pagpasok sa paaralan para sa mga sumusunod na kaso upang makapagbigay ng naaangkop na edukasyon na tumutugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng bawat mag-aaral na may kapansanan.
2 Oras ng pagtanggap ng konsultasyon tungkol sa pagpasok, contact information
Oras ng pagtanggap ng konsultasyon
Lunes - Biyernes 9:00 ng umaga - 5:00 ng hapon
Gayunpaman, sarado kami tuwing public holiday, simula at katapusan ng taon, at Agosto 6.
Hiroshima Youth General Consultation Center (namamahala ng Child Disability)
730-8586
1-4-15 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City (Municipal Office North Building Annex 1F)
Tel. (082)504-2197
Fax (082)504-2142
Hiroshima Youth General Consultation Center (Annex)
732-0052
2-15-55 Hikari-machi, Higashi-ku, Hiroshima City (Hiroshima City Children's Medical Care and Education Center 3F)
Tel. (082)264-0422
Fax (082)264-0436
Link para sa pagpapakilala, sa mapa, transportasyon sa Hiroshima Youth General Consultation Center
3 Konsultasyon para sa mga kasalukuyang naka-enroll sa elementary o junior high school tungkol sa pagpasok sa paaralan at pagkuha ng mas mataas na edukasyon
May pagkakataong ang mga tao ay namomroblema dahil sa mga katanungan tungkol sa iba't ibang impormasyon tungkol sa pagpasok sa paaralan at pagkuha ng mas mataas na edukasyon, tulad ng daang maaring tahakin ng mga batang may kapansanan matapos grumaduate. Ang paaralan kung saan kasalukuyang naka-enroll ang bata ang siyang mas nakakaintindi ng sitwasyon ng bata sa paaralan. Dahil dito, inirerekomenda naming lubos na kumonsulta muna kayo sa paaralan kung saan naka-enroll ang bata . Kung mayroong anumang katanungan tungkol sa proseso o sa mga detalye ng mga narinig mula sa paaralan, mangyaring makipag-ugnay sa amin sa ibaba.
■ Oras ng pagtanggap ng konsultasyon
Lunes - Biyernes 9:00 ng umaga - 5:00 ng hapon
Gayunpaman, sarado kami tuwing public holiday, simula at katapusan ng taon, at Agosto 6.
4 Level of disability ng mga batang mag-aaral na maaaring makakuha ng pagpatnubay mula sa mga special needs class, resource rooms, at special needs school
Maaaring palitan ang laki ng talahanayan
Kasipikasyon |
Resource rooms |
Special needs class |
Special needs school |
Kapansanan sa paningin |
Hirap sa biswal na pagkilala ng mga ordinaryong letra, pigura, atbp. kahit na gumamit pa ng magnifying glass, atbp. at karaniwang kaya lumahok sa regular na classroom learning ngunit nangangailangan ng espesyal na paggabay |
Hirap sa biswal na pagkilala ng mga letra, pigura, atbp. kahit gumamit pa ng magnifying glass, atbp. |
Ang grado ng parehong mata ay karaniwang mas mababa sa kaysa 0.3 o ang kapansanan sa paningin kung saan ang visual impairment maliban sa mismong paningin ay lubos na malubha kung saan imposible o sobrang hirap biswal na pagkilala ng mga ordinaryong letra, pigura, atbp. kahit na gumamit pa ng magnifying glass |
Kapansanan sa pandinig |
|
Hirap makaintindi ng normal na pag-uusap kahit gumamit pa ng hearing aid |
Ang hearing level sa parehong tainga ay humigit-kumulang 60 decibels o higit pa, at imposible o sobrang hirap makaintindi ng normal na pag-uusap kahit gumamit pa ng hearing aid |
Intelektuwal na kapansanan |
|
May pagkaantala sa intelektwal na pag-unlad at kaunting paghihirap sa pakikipag-usap sa iba, at nangangailangan ng kaunting tulong sa pang-araw-araw na buhay at nahihirapang umangkop sa pamumuhay sa lipunan. |
|
Pisikal na kapansanan |
|
May kaunting paghihirap sa mga karaniwang pang-araw-araw na gawain tulad ng paglalakad at pagsusulat kahit na gumagamit pa ng mga prostethic device |
|
Madaling magkasakit |
|
|
|
Problema sa pagsasalita |
May organic o functional dysarthia tulad ng cleft palate, paralysis ng articulatory organs, mga may rhythm disorder sa pagsasalita tulad ng pagkautal, mga nahuhuli sa pag-unlad sa mga karaniwang paggana ng wika tulad ng pagsasalita at pakikinig, at iba pang mga katulad na tao (limitado sa mga may kapansanang ang sanhi ay hindi iba pang kapansanan), na kayang lumahok sa regular na pag-aaral klase, ngunit nangangailangan ng ilang espesyal ng paggabay |
May organic o functional dysarthia tulad ng cleft palate, paralysis ng articulatory organs, mga may rhythm disorder sa pagsasalita tulad ng pagkautal, mga nahuhuli sa pag-unlad sa mga karaniwang paggana ng wika tulad ng pagsasalita at pakikinig, at iba pang mga katulad na tao (limitado sa mga may kapansanang ang sanhi ay hindi iba pang kapansanan), at ang antas ng kapansanan ay kapansin-pansin |
|
Autism |
|
|
|
Emotional disorders |
|||
Learning disorders |
Walang pagkaantala sa pangkalahatang mental na abilidad ngunit nagpapakita ng hirap sa pagkatuto at paggamit ng ibang mga abilidad sa pakikinig, pakikipag-usap, pagbabasa, pagsusulat, pagkalkula o pangangatwiran, at ang iba ay nangangailangan ng espesyal na pagtuturo |
|
|
Attention-deficit hyperactivity disorder
|
Ang atensyon, impulsiveness o hyperactivity ng bata ay hindi angkop sa edad o pag-unlad, at siyang nakakasagabal sa mga sosyal na aktibidad at kakayahang pang-akademiko nito, at nangangailangan ng espesyal na patnubay |
|
|
[Sanggunian] Mula sa "Artikulo 22-33 ng Ordinance of Enforcement of the School Education Act" at "Consistent Support for Students with Disabilities from an Early Stage (Notice)" Notification No. 756/2013, Elementary and Secondary Education Bureau, Ministry of Education Director of Elementary and Secondary Education Bureau, Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology Oktubre 14, 2013
Contact Information Tungkol sa Pahinang Ito
School Education Department,Special Needs Education Division
1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City 730-8586
Tel:082-504-2494 Fax:082-504-2142