本文
Ang Peace Tourism ay
Nilikha ng lungsod ng Hiroshima ang salitang ingles na “Peace Tourism” na nangangahulugang kapayapaan, para sa pagbahagi ng mga bisita at mamamayan ng Hiroshima ng kanilang mga saloobin para sa kapayapaan.
Marami ang mga naiwang bakas ng pagbobomba at mga katibayan ng panibagong pagtatag sa Atomic Bomb Dome, Peace Memorial Park at iba pang mga lugar sa lungsod, at ang bawat isa sa kanila ay may sariling kwento.
Inaasahan namin na ang mga bisita at mamamayan ng lungsod ay magtipon upang mag-isip at magnilay tungkol sa kung ano ang kapayapaan at kung ano ang magagawa nila patungo sa isang mapayapang mundo sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar na ito. Ito ang diwa sa likod ng “Peace Tourism.”
4 na Thematic Route na Maaaring Gamitin Bilang Isang Sanggunian Kapag Bibisita sa Isang Pasilidad na may Kaugnayan sa Kapayapaan
(1) Sa pamamagitan ng Paglalakad at Bisikleta (Peacecle) “Ruta para maikot ang mga Hibaku Building kung saan nanatili ang mga bakas ng atomic bomb”
Ang pinsala na sanhi ng atomic bomb ay malawak, at ang mga bakas nito ay naiwan sa iba't ibang mga lugar sa lungsod. Ito ay isang ruta upang bisitahin ang mga nasabugan na gusali na nagpapakita kung ano ang nangyari sa araw na iyon.
(2) Sa pamamgitan ng loop bus (Meipuru~pu) at Paglalakad “Ruta para makita ang kultura at literatura bago at pagkatapos ng pagsabog”
Sumakay sa Hiroshima Sightseeing Loop Bus “Hiroshima Meipuru-pu,” na nakapalibot sa lungsod, at galugarin ang 3 magkakaibang aspeto na mga gawang sining at pangkultura na nagpapahayag ng kapayapaan, kabilang ang museo ng sining at manga library. Ito ay isang ruta kung saan maaari mong maranasan ang kultura at literatura ng Hiroshima na nagmumula sa “pagnanais ng kapayapaan.”
(3) Sa pamamagitan ng Paglalakad at Bisikleta (Peacecle) “Ruta para makita ang panunumbalik ng buhay ng mga mamamayan”
Ito ay isang ruta kung saan maaari mong maramdaman ang pag-unlad ng progreso ng muling pagtatayo ng Hiroshima, tulad ng buhay ng mga tao na bumangon mula sa pinsala na dulot ng atomic bomb, ang muling itinayong mga kalye, at mga gusali na malalim na nauugnay sa buhay ng mga tao.
(4) Sa pamamagitan ng Paglalakad “Ruta para maikot ang mga museo ng mga atomic bomb survivor”
Ito ay isang ruta upang bisitahin ang 4 na museo tungkol sa atomic bombing sa sentro ng lungsod upang malaman ang realidad ng atomic bombing at mag-isip tungkol sa kapayapaan.
Smartphone website “HIROSHIMA PEACE TOURISM”
Ang mga ruta sa pag-ikot sa mga pasilidad na nauugnay sa kapayapaan ay ipinapakilala sa 4 na mga tema.
Naka-link ito sa Maps app para makita mo ang mga ruta, mga kaugnay na impormasyon sa lugar, at kung gaano katagal ang kinakailangan upang makarating doon. Gayundin, kapag nag-tap ka sa patutunguhan, bubukas ang detalyadong pahina ng pasilidad.
Bilang karagdagan, patungkol sa 8 pangunahing lugar, kabilang ang Atomic Bomb Dome at Peace Memorial Park, ang mga kwento bago ang atomic bombing hanggang sa kasalukyan ay nakasulat dito. Kung babasahin mo ang mga kwento bago lumibot sa mga lugar, magkakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa sa kapayapaan.
Japanese web page: https://peace-tourism.com/<外部リンク>
English web page: https://peace-tourism.com/en/<外部リンク>
Hiroshima Peace Tourism (Hiroshima Peace Tourism) Website Screen (Wikang Hapon)
Nagtatampok din ito ng isang AR (Augmented Reality) camera na nagbibigay-daan para makita ang 360 degree na panoramic view sa loob ng Atomic Bomb Dome.
I-start ang camera mula sa website at i-load ang AR marker tourist sa hilagang bahagi ng Atomc Bomb Dome.
Namamahagi kami ng Brochure
Ang mga brochure na may mga mapa ng ruta para sa Peace Tourism ay ipinamamahagi sa Peace Memorial Museum at mga Tourist Information Center ng lungsod.
Ito ay may tamang laki para iyong madala-dala, at pinakamainam na lumibot hanggang sinusuri ang ang ruta gamit ito. Mangyaring subukang kumuha nito.
Ipinapakilala rin ng Hiroshima Tourism Information Site (Hirotabi) ang Peace Tourism!
Ang Feature Section (Burari Hirotabi) ng “Hirotabi” ay nagpapakilala ng iba’t ibang mga karanasan at mga sightseeing spot. Mayroon ding mga ulat ng karanasan ng Peace Tourism dito, kaya mangyaring tingnan ito.
Hiroshima Tourist Information Site Hirotabi “Burari Hirotabi Vol. 27”
”Hiroshima Peace Tourism” Pag-iisip ng Kapayapaan
Peace Tourism Brochure
Inquiries About This Page
Tourism Promotion Section, Tourism Policy Department, Economic Affairs and Tourism Bureau
1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City, Japan 730-8586
Tel: 082-504-2767 Fax: 082-504-2253
E-mail: kanko-pro@city.hiroshima.lg.jp