Kung pumasok sa Hiroshima municipal elementary school o junior high school (chūgakkō), maaaring makakuha ng parehong edukasyon sa batang Hapones ang batang dayuhan.
- Libre ang matrikula at textbook, ngunit may bayad ang ibang stationery, tanghalian (kyūshoku) atbp. Kung mahirap ang pagbayad ng halaga, may sistema ng “Tulong para sa Pagpasok sa Paaralan.” Makipagkonsulta sa paaralan.
- Para sa batang hindi nakakaintindi ng salitang Hapon, pupunta sa paaralan ang taong magtuturo ng salitang Hapon (tagapagturo ng salitang Hapon). Makipagkonsulta sa paaralan.
- Maaaring papuntahin sa paaralan ang tagapagsalin kung kailangan ng magulang/tagapag-alaga sa paaralan para sa pag-uusap ng guro at magulang/tagapag-alaga (pakikipanayam sa magulang/tagapag-alaga (hogosha mendan)). Makipagkonsulta sa paaralan.
Palakad sa Pagpasok sa Mababang Paaralan at Gitnang Paaralan (Chūgakkō)
- Mababang Paaralan: Maaaring pumasok mula 6 taon – 11 taong gulang.
Mag-apply sa Citizens Affairs Division ng Ward Office o sa Branch Office.
Iaabot ang “Paunawa sa Pasukan,” kaya’t ibigay ito sa mababang paaralan.
- Gitnang Paaralan (Chūgakkō): Maaaring pumasok mula 12 taon – 14 taong gulang.
Mag-apply sa Citizens Affairs Division ng Ward Office o sa Branch Office.
Iaabot ang “Paunawa sa Pasukan,” kaya’t ibigay ito sa gitnang paaralan (chūgakko).
- Klaseng Panggabi (Gitnang paaralan (chūgakko) na sa gabi ang pagpasok. Maaaring pumasok ang tao mula 15 taong gulang na hindi nagtapos ng gitnang paaralan (chūgakko).)
Higashi Ward: Futaba Junior High School Nishi Ward: Kanon Junior High School
Mag-apply sa School Affairs Division ng Board of Education (Naka Ward Office 6F).
Abril o Oktubre ang pasukan. Makikipag-ugnayan kapag napagpasyahan ang pasukan.
Bagay na dapat i-check bago mag-apply
- Pangalan ng taong papasok sa paaralan
- Pangalan ng magulang/tagapag-alaga (Hindi kailangan kung papasok sa klaseng panggabi ang taong 20 taong gulang pataas.)
- Araw ng kapanganakan ng taong papasok (Para mapagpasyahan ang baitang.)
- Address ng taong papasok (Nakatakda ang papasukang paaralan ayon sa address.)
- Address ng magulang/tagapag-alaga (Kung nakatira sa lugar na iba sa taong papasok.)
Para sa bagay na hindi maintindihan tungkol sa pagpasok sa Hiroshima municipal school, makipagkonsulta sa School Affairs Division ng Board of Education (082-504-2469).
Contact Information Tungkol sa Pahinang Ito
Board of Education Executive Office School Affairs Division
Tel:082-504-2469/Fax:082-504-2328
Mail Address:gakujika@city.hiroshima.lg.jp