本文
Mayroong sistema na maaaring bawasan ang bayarin sa ospital kapag nagkasakit ang bata, atbp.
Ito ay tinatawag na “Subsidy sa Medikal na Gastos para sa mga Bata”.
Nilalaman |
Mga batang maaaring makatanggap ng Subsidy sa Medikal na Gastos para sa mga Bata |
---|---|
Pagpapaospital |
Mga batang hanggang ika-3 baitang sa junior high school |
Regular na Pagpapatingin sa Ospital |
Mga batang hanggang ika-3 baitang sa elementary (mula Enero 2022, mga batang hanggang ika-6 na baitang sa elementary) |
Maaaring hindi makatanggap ng subsidy ang mga magulang/tagapag-alaga ng bata na may mataas na kita.
Dapat dalhin ng mga magulang/tagapag-alaga ng bata ang health insurance card (na may pangalan ng bata na nakasulat), at pumunta sa counter ng Welfare Division ng iyong tinitirhan na ward o branch office.
Mangyaring fill-upan ang "Aplikasyon para sa Pagkuha ng Kuwalipikasyon para sa Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata" sa counter.
Magpapadala ang lungsod ng "Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata" tulad ng nasa kanan sa mga taong maaaring makatanggap ng subsidy.
Mangyaring magtanong sa Welfare Division ng iyong tinitirhan na ward para sa mga detalye.
○ Pumunta dala ang "Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata"
Mangyaring ipakita ang "Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata" kasama ang health insurance card sa counter ng ospital.
〇 Bayarin sa ospital
Ang bayarin sa regular na pagpapatingin sa ospital ay 500 yen para sa unang pagpapatingin lamang.
Kapag mas mababa sa 500 yen ang bayarin sa ospital, babayaran ang mas mababang halagang iyon.
* Depende sa iyong kita at edad ng bata, ito ay maaaring maging 1,000 yen o 1,500 yen.
* Walang babayaran kapag naospital.
〇 Kapag pupunta sa ospital sa labas ng Hiroshima Prefecture
Kapag pupunta sa ospital sa labas ng Hiroshima Prefecture, hindi maaaring gamitin ang "Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata"
Mangyaring kumuha ng resibo sa ospital.
Mangyaring dalhin ang resibo na iyon sa Welfare Division sa iyong tinitirhan na ward.
Idedeposito ang subsidy money pagkatapos ng 1~2 buwan mula sa aplikasyon.
(1) Ang subsidy para sa regular na pagpapatingin sa ospital ay babaguhin mula “Hanggang ika-3 baitang sa elementary”, at magiging “Hanggang ika-6 na baitang sa elementary”.
(2) Para sa mga batang wala pang 6 taong gulang at hindi pa pumapasok sa elementary, ang unang pagpapatingin lamang sa regular na pagpapatingin sa ospital ang babayaran.
Walang dapat bayaran sa muling pagpapatingin.
* Magpapadala kami ng bagong “Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata” sa bandang katapusan ng Disyembre sa mga magbabago ng kanilang “Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata” dahil sa pagbabago ng sistema.
Kapag dumating na ang bagong “Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata”, mangyaring itapon ang dati nang ginagamit.
Para sa mga wala pang “Sertipiko ng Tagatanggap ng Benepisyo ng Medikal na Gastos para sa mga Bata”, mangyaring mag-apply sa Welfare Division ng iyong tinitirhan na ward.
Naka Ward | 082 - 504 - 2569 |
---|---|
Higashi Ward | 082 - 568 - 7733 |
Minami Ward | 082 - 250 - 4131 |
Nishi Ward | 082 - 294 - 6342 |
Asaminami Ward | 082 - 831 - 4945 |
Asakita Ward | 082 - 819 - 0605 |
Aki Ward | 082 - 821 - 2813 |
Saeki Ward | 082 - 943 - 9732 |