本文
Ang mga nakapagrehistro na bilang dayuhan (Basic Resident Register) at may edad na higit sa 20 taong gulang ngunit hindi hihigit sa 60 taong gulang ay kinakailangang maging miyembro ng programa ng pambublikong Sistema ng pensyon (Public Pension). Ang mga empleyadong namamasukan sa kompanyang hindi sakop ng Programa ng Pambublikong Pensyon ay dapat na sumapi sa Pensyon Para sa Empleyado (Employees Pension Insurance), at ang mga kawani ng gobyerno ay dapat naman na sumapi sa Samahan Para sa Damayan (Mutual Aid Association). Ang lahat na hindi nabibilang sa mga nabanggit ay kinakailangang sumapi sa Pambansang Pensyon (National Pension Plan) at magsadya sa Dibisyon ng Seguro at Pensyon sa inyong kinauugnayang munisipyo o sangay nito. (Subalit,ang mga asawa na binibigyan ng suporta ng miyembro ng Pensyon Para sa Empleyado o Mutual Aid Association ay kinakailangang ilagay sa ayos ang mga dokumento ayon dito sa tanggapan ng pensyon sa kompanyang pinapasukan ng asawa).