ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > Filipino > Maghanda para sa malakas na pag-ulan at bagyo

本文

Maghanda para sa malakas na pag-ulan at bagyo

Article ID:0000017916 印刷ページ表示

1. Alamin ang pinsalang dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo

Maaaring magkaroon ng pinsala mula sa sakuna ng pagguho ng lupa, pagbaha (pag-apaw ng ilog), pagtaas ng tubig sa dagat at iba pa, dahil sa mga bagyo o malakas na pag-ulang dala ng seasonal rain front at iba pa.Biniyayaan ng kalikasan tulad ng dagat, bundok at ilog ang lungsod na ito, ngunit sa kabilang dako, mayroong panganib ng sakuna, at noong nakaraan, nagkaroon ng pinsala dulot ng pagguho ng lupa, pagbaha (pag-apaw ng ilog) at pagtaas ng tubig sa dagat.

The picture of alamin ang pinsalang dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo
[Mga pangunahing pinsalang dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo nitong mga nakaraang taon (lungsod ng Hiroshima)]
The pictuer of Mga pangunahing pinsalang dulot ng malakas na pag-ulan at bagyo nitong mga nakaraang taon (lungsod ng Hiroshima)
Mahalaga ang “Palagiang paghahanda” upang mapangalagaan ang sarili mula sa sakuna.

2. Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang sarili mula sa sakuna?

Simulain patungkol sa likas na sakuna na kumilos para sa paglisan ang mga naninirahan ayon sa sariling kapasyahan, nang hindi labis na umaasa sa pamahalaan kundi mayroong kamalayang “Pangangalagaan ko ang sarili kong buhay,” at hindi nag-aakalang hindi mahaharap ang sarili sa sakuna.
Kapag lumaki ang panganib na magkaroon ng sakuna, maglalabas ang lungsod ng opisyal na pahayag ng impormasyon upang panawagan ang paglikas tulad ng babala ng paglikas at iba pa, tungo sa pook kung saan tinatayang magaganap ang sakuna
Ipahahayag tungo sa nasasakop ng nakatakdang lawak ang impormasyon sa paglikas na ito, at hindi ito ipahahayag nang bukod tungo sa bawat isang tao. Ipinapalagay ring maaaring mahuli ang pagpapahayag sa oras ng biglaang sakuna.
Dahil dito, kinakailangang maunawaan na magkakaiba sa bawat taong naninirahan ang nararapat na kilos sa paglikas, tamang oras para lumikas, dahil sa pagkakaiba ng anyo ng lupa ng lugar ng tirahan, kayarian ng tirahan, kabuuan ng pamilya at iba pa para sa bawat tao, at magpasya ng sariling kilos sa paglikas nang natitiyak at nababatid muna kung lugar na kailangang lisanin sa paglikas ang sariling tirahan, o kung mawawala ang panganib sa buhay sa pamamagitan ng paglipat sa mas mataas na palapag o iba pa, ayon sa uri ng sakuna.

The picture of ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang sarili mula sa sakuna

3. Ano ang mapanganib na pook?

Unang hakbang ang pagtiyak kung anong panganib ng sakuna ang mayroon sa sariling tirahan, pinagtatrabahuhan at sa paligid nito.
Tiyakin din ang tungkol sa lalim ng ipinapalagay na pagkalubog sa tubig sa oras ng pagbaha, pagtaas ng tubig sa dagat, at iba pa.
Ipinapahiwatig ng bansa o prefecture ang mga ganitong mapanganib na pook batay sa mga batas.
Kinakailangan din ang pagsasaalang-alang na hindi lamang sa mga ganitong mapanganib na pook na ipinahiwatig batay sa batas ang panganib ng sakuna.

Sakuna ng pagguho ng lupa

The picture of Sakuna ng pagguho ng lupa 1
The pictuer of Sakuna ng pagguho ng lupa 2Kalupaan ng naagnas na granito o decomposed granite (tinatawag na DG) ang halos buong lawak ng lungsod, at katangian ng ganitong lupa na walang kalagkitan, nabubuhaghag at madaling gumuho kapag naglulan ng tubig.
Sa lungsod na itong mayroong ganitong kalagayan ng katangian ng lupa, maraming lugar na may panganib ng sakuna ng pagguho ng lupa.
Upang maiwasan ang sakuna ng pagguho ng lupa, isinasagawa ang materyal na hakbang tulad ng pagpapatayo ng saplad na pangharang sa pagkatibag ng lupa, ngunit kinakailangan ang mahabang panahon at malaking gastusin upang gawing ligtas ang lahat ng mapanganib na lugar. Dahil dito, kasabay ng pagsulong ng materyal na hakbang, kinakailangan ding ang antimanong pagtiyak ng mapanganib na pook, at paglikas mula sa mapanganib na pook.
Itinalaga at opisyal na ipinahayag ng Hiroshima prefecture ang mga pook na may panganib ng sakuna ng pagguho ng lupa bilang pook na binabalaan sa sakuna ng pagguho ng lupa ayon sa nakasaad sa “Artikulo 7 ng Batas hinggil sa Pagsulong ng Hakbang sa Pag-iwas sa Sakuna ng Pagguho ng Lupa sa mga Pook na Binabalaan sa Sakuna ng Pagguho ng Lupa.”
Sa kasalukuyan, sunod-sunod na isinusulong ang nakatalagang pagpapalakad, at ukol sa mga susunod na itatalagang lugar, mangyari lamang na sanggunian ang “Lugar na May Panganib ng Sakuna ng Pagguho ng Lupa” na opisyal na ipinahayag ng Hiroshima prefecture noong 2002.

Pagbaha

Nakahubog katabi ng sistema ng ilog Ōtagawa, at makailang beses nang dumanas ng pinsala ng pagbaha ang bayan ng lungsod na ito. Kahit sa kasalukuyan kung kailan naisulong ang paggawa ng dike, mayroon pa ring panganib ng pagkalubog sa tubig kapag lumampas sa itinaya ang dami ng ulan. Mayroon ding panganib ng pag-apaw sa mga katamtaman at maliliit na ilog dahil sa biglaang pag-angat ng taas ng tubig kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Itinalaga at opisyal na ipinahayag ng tagapangasiwa sa mga ilog (bansa/prefecture) ang mga pook na tinatayang malulubog sa tubig dahil sa pagbaha (pag-apaw ng ilog), batay sa Artikulo 14 ng Batas hinggil sa Pagpigil sa Baha.
Sa katapusan ng taong piskal 2016, nakatalaga at opisyal na ipinahayag na pook na tinatayang bahain at lumubog sa tubig sa ilog Ōtagawa, Nenotanigawa, Misasagawa, Tenmagawa, Kyūōtagawa, Motoyasugawa, Furukawa, Yasukawa, Minochigawa, Fuchūōkawa, Suzuharigawa, Nabaragawa ng sistema ng ilog Ōtagawa, Senogawa ng sistema ng ilog Senogawa, Yahatagawa ng sistema ng ilog Yahatagawa, Okanoshitagawa ng sistema ng ilog Okanoshitagawa, sa lungsod na it

Pagtaas ng tubig sa dagat

The pictuer of Pagtaas ng tubig sa dagat

Sakuna sa tubig kung saan tumataas ang tubig sa dagat dahil sa pagbaba ng presyon ng atmospera o malakas na hangin dulot ng bagyo at iba pa ang pagtaas ng tubig sa dagat.
Hugis ng titik U ang pagkakurba, nakaharap sa timog at madaling tumaas ang tubig sa dagat ng Look ng Hiroshima, at dahil mababang kalupaan ang higit na malaking bahagi ng bayang delta, kapag nagkasabay ang pagtaog at bagyo, may panganib na magkaroon ng malaking kapinsalaan ng matinding paglubog sa tubig.
Dahil dito, sinusuong ng bansa at prefecture ang pagpapataas at pagpapatibay ng dike, ngunit sa baybaying-dagat, kinakailangan ang sapat na pag-iingat sa oras ng pagtaog.

4. Saan ang ligtas na lugar?

Kung nasa mapanganib na pook ang tirahan o iba pa, upang mapangalagaan ang buhay kapag lumaki ang panganib na magkaroon ng sakuna, kinakailangang lumipat sa ligtas na lugar tulad sa labas ng mapanganib na pook o ligtas na puwesto sa palapag na mas mataas kaysa sa tinatayang pagkalubog sa tubig.
Maaaring kongkretong pag-isipan ang bahay ng kamag-anak, kakilala, lugar ng pagtitipon sa pamayanan at iba pa.
Mayroon ding bubuksang lugar na malilikasan sa emergency (itinalagang emergency shelter) ayon sa uri ng sakuna sa lungsod.
Nasa talaan sa ibaba ang kaugnayan ng impormasyon sa paglikas at itinalagang emergency shelter.
Hindi sabay-sabay na bubuksan ang lahat ng itinalagang emergency shelter. Ipahahatid sa email ng Impormasyon sa Pag-iwas sa Sakuna ng Lungsod ng Hiroshima at iba pa kung magbubukas ng shelter.
[Kaugnayan ng Impormasyon sa Paglikas at Pagbubukas ng Itinalagang Emergency Shelter]

The pictuer of Kaugnayan ng Impormasyon sa Paglikas at Pagbubukas ng Itinalagang Emergency Shelter

5. Kailan ang tamang oras para lumikas?

The pictuer of kailan ang tamang oras para lumikas
Ipahahayag mula sa Meteorological Agency ang impormasyon sa panahon tulad ng babala sa malakas na pag-ulan at iba pa, at mula naman sa tagapangasiwa ng mga ilog ang impormasyon kaugnay sa taas ng tubig sa mga ilog.
Batay sa ganitong impormasyon, opisyal na ipahahayag ng lungsod ang impormasyon sa paglikas tulad ng babala ng paglikas upang makapagpasya ng kilos sa paglikas ang bawat isang residente.
Sanggunian ang ganitong impormasyon, at pagpasyahan antimano ang tamang oras para lumikas ayon sa sariling kalagayan tulad ng kabuuan ng pamilya, paglilikasan at iba pa.
Mabisa bilang mapagkukunan ng impormasyon ang email ng Impormasyon sa Pag-iwas sa Sakuna ng Lungsod ng Hiroshima na magpapaalam sa inyo sa oras na dumating ang impormasyon, at maaari ninyong matiyak sa nakasulat na titik.

6. Ano ang dadalhin sa oras ng paglikas?

Maghanda antimano at dalhin sa paglilikasan ang mga dadalhing gamit na pang-emergency tulad ng pagkain at inumin, karaniwang gamot at iba pa upang makapamuhay sa loob ng tiyak na panahon palagay nang magkaroon ng sakuna.
At kung lilikas sa palapag na mas mataas sa itinatayang pagkalubog sa tubig, kailangan ang pagsasaalang-lang na gawin ang paghahanda ng mga reserba ng kinakailangang mga kagamitan, minimong kinakailangang ilaw at iba pa, dahil mahihirapan sa pagtutustos ng tubig at pagkain, paggamot kung sumama ang pakiramdam, at iba pa, dala ng pagtagal ng pagkalubog sa tubig at pagkakabukod.
* Kapag malaking lindol, maaaring huminto ang paghahatid ng mga paninda, mahirapan sa pagbili ng mga kagamitan at iba pa dulot ng malawakang pinsala, ngunit dahil limitado ang lugar kapag sakuna ng pagguho ng lupa, pagbaha o iba pa, maaaring bumili ng kagamitan sa mga tindahang malapit sa paglilikasan.

7. Nagsasagawa ba ng mga gawaing kaugnay sa pag-iwas sa sakuna sa pamayanan?

Magkakaiba ang nararapat na kilos sa paglikas at tamang oras para lumikas ayon sa anyo ng lupa ng lugar ng tirahan at iba pa ng bawat isang tao, ngunit dahil magkatulad ang kalagayan ng pag-ulan, peligro ng sakuna, anyo ng lupa at paglilikasan sa magkalapit na lugar/pamayanan, mabisang-mabisa ang pagharap sa paghahanda para sa sakuna nang nagtutulungan at nakikipagtulungan sa pamayanan.
Sa lungsod ng Hiroshima, mula mga taong 1985, nagtatag ng nagsasariling organisasyon
para sa pag-iwas sa sakuna na ginawang saligan ang pangkat ng asosasyon ng kapitbahayan/samahan ng mga residente, at sa kasalukuyan, may itinatag na nagsasariling organisasyon para sa pag-iwas sa sakuna sa buong lawak ng lungsod, at nagsasagawa sila ng mga gawain tulad ng pagbuo ng mapa para sa pag-iwas sa sakuna, pagdaraos ng pagsasanay para sa pag-iwas sa sakuna, panayam at iba pa.
Magsikap upang mapabuti ang kakayahan sa pag-iwas sa sakuna sa pamamagitan ng pag-alam ng at paglahok sa mga programang isinasagawa sa ganitong mga pamayanan.

このページに関するお問い合わせ先

Dibisyon ng Pag-iwas sa Sakuna, Tanggapan ng Pangangasiwa sa Krisis
電話:082-504-2664/Fax:082-504-2802
メールアドレス:saigaiyobo@city.hiroshima.lg.jp


新型コロナウイルス感染症に関する情報

コロナやさしい日本語

Paalala Tungkol sa mga Link

May mga link sa pahinang ito na mapupunta sa aming Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

平和文化センター<外部リンク>

カタポケ<外部リンク>

ひろしま公式観光サイト<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • ザ・ひろしまブランド(英語版)
  • 広島市へ寄付