本文
Hindi nalalaman kung kailan, saan at anong pagkakataon mangyayari ang lindol.
Alamin ang tungkol sa lindol at maghanda upang mailigtas ang sariling buhay at buhay ng pamilya sa oras ng di-inaasahang pangyayari.
Mayroong 2 uri ng lindol, ang “Lindol na kaugnay sa fault (epicentral)” at “Lindol na kaugnay sa trench”.
Sa lindol na kaugnay sa trench, dahil nagaganap ang lindol sa ilalim ng dagat, maaari ring maganap ang tsunami.
Ipinahihiwatig ng kalakasan ang enerhiya (antas) ng lindol, at ipinahihiwatag naman ng katindihan ang lakas ng pagyanig sa isang lugar.
Kaugnayan ng epicenter at katindihan (intensity) ng lindol
(Materyales: “Talaan ng Paliwanag kaugnay sa Antas ng Katindihan ng Lindol ng Japan Meteorological Agency”
Nagsagawa ng pagsusuri ng pagtaya ng pinsala noong piskal na taong 2013 (Heisei 25) ukol sa lindol na maaaring magdulot ng napakalubhang epekto sa lungsod na ito, at ipinagtipon ang tinatayang pinsala sa tao, kagamitan, at iba pa para sa bawat distritong pampamahalaan.
Kapag ipinapalagay ang lindol na 5- o higit pa ang pinakamataas na katindihan (intensity), ipinapahayag mula sa Japan Meteorological Agency ang maagang babala sa lindol sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, cellphone at iba pa.
Mula ilang segundo hanggang ilampung segundo ang oras mula sa pagpapahayag ng babala hanggang sa pagdating ng malakas na pagyanig, at hindi siguradong palagi itong tama, ngunit pakinabangan ito hangga’t maaari upang mailigtas ang sariling buhay at buhay ng pamilya.
Kapag naganap ang malakas na lindol, mauugnay sa pagligtas ng buhay ang pagtugon nang mahinahon at hindi natataranta. Kahit masugatan o masaktan ang katawan, maaaring hindi agad makapagpatingin sa ospital dahil inuuna ang mga malubha ang pinsala sa katawan, kaya’t mag-ingat upang huwag masugatan o masaktan ang katawan.
Mabisa sa pagbawas ng pinsala at mahalagang paghahanda sa hakbang na panlindol ang pagpapatibay ng sanggalang sa lindol ng bahay.
Dahil dito, nagsasagawa ang lungsod na ito ng pagsusuri ng sanggalang sa lindol ng bahay, tulong sa panukala at konstruksiyon para sa pagpapabuti ng sanggalang sa lindol.
Gawin ang paghahanda upang hindi masugatan o masaktan ang katawan, o makulong dahil sa pagtumba ng muwebles at iba pa, kapag naganap ang lindol.
Maaaring hindi magamit ang lifeline (kuryente, gas, tubig atbp.) dahil sa lindol. Hindi rin masisigurong agad na makatatanggap ng mga gamit pansaklolo (relief goods).
Upang makatagal nang ilang araw hanggang manumbalik ang lifeline at dumating ang mga gamit pansaklolo, malaan ng itatabing mga bagay sa loob ng tahanan.
Kinakailangang lumikas sa bahay ng kamag-anak o sa nakatalagang lugar na paglilikasang itinakda sa lungsod kapag nawasak ang inyong bahay dahil sa lindol. Pagpasyahan antimano ang paglilikasan at iba pa bilang paghahanda kung maganap ang lindol habang bukod-bukod na kumikilos ang mga miyembro ng inyong pamilya.
Hindi maginhawa ang pamumuhay sa paglilikasan dahil mahirap masiguro ang privacy at kulang ang mga gamit. Maghanda antimano ng mga bagay na kakailanganin sa pamumuhay sa paglilikasan bilang “gamit na pang-emergency”, at dalhin ito kapag lilikas.
Mayroong seguro para sa lindol para sa muling pagtatag ng pamumuhay ng mga biktima ng sakuna upang makapaghanda kung sakaling mapinsala sa lindol. (Gabinete ng Hapon: page ng Tanggapan ng Ugnayang Pampubliko)
Dibisyon ng Pag-iwas sa Sakuna, Tanggapan ng Pangangasiwa sa Krisis
Dibisyon ng Pag-iwas sa Sakuna, Tanggapan ng Pangangasiwa sa Krisis
電話:082-504-2664/Fax:082-504-2802
メールアドレス:saigaiyobo@city.hiroshima.lg.jp