本文
Higit sa 98% ng estudyanteng Hapon ay nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa Senior High Schools.
Kelangang pumasa sa isang eksaminasyon bago makapasok sa high school. Meron ding mga high school na tumatanggap ng mga estudyante base sa espesyal na rekomendasyon. (Halimbawa, kahit hindi nakatapos sa Junior High School, kung malaman base sa isang pagsiyasat na ang talino ng bata ay katumbas ng talino ng mga batang nakatapos sa Junior High School, maaaring tanggapin pa rin ang bata upang kumuha ng entrance eksam ng high school.)
Ang mga high school ay natatangi (pang-bansa, pang-probinsya, pang-syudad) o pribado, at ang nilalaman ng curriculum ay natatangi sa regular o espesyal na kurso (Engineering, Manufacturing, Agriculture, atbp.), general na kurso, o di kaya mga kursong natatangi depende sa oras (full time, part time [pang-umaga o pang-hapon], o sa pamamagitan ng sulat at koreo (correspondence course).
Ang Hiroshima International School at ang Hiroshima Korean school ay mayroon ding mga high school classes.
Para sa impormasyon ukol sa Municipal Senior High Schools, tawagan ang Teacher Supervisory Division II ng Board of Education (Tel.: 082-504-2704).
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa iba pang Municipal High Schools, tawagan ang sumusunod na mga lugar.
Pribadong Paaralan Kagawarang Pangkalahatan ng mga
Pribadong Paaralan ng Hiroshima-ken
Tel.: 082-241-2805
教育委員会 学校教育部 指導第二課 高等学校指導係
Tel:082-504-2704/Fax:082-504-2142
Mail Address:kyo-sido2@city.hiroshima.lg.jp