本文
Alinsunod sa pagsusog ng batas, simula Hulyo 9, 2012, may panibagong sistema sa pagrehistro ng mga dayuhang residente.
Alinsunod dito, ipinawalang-bisa ang alien registration at ang lahat ng dayuhang residente ay mapapasailalim sa sistema ng basic resident registration.
Maaari na ring gamitin ng mga dayuhang residente ang “basic resident registration network” at “residence card” simula Hulyo 8, 2013.
Residence Card
Ang mga mid-to-long-term na residente (mga dayuhang namamalagi sa bansa ng higit sa tatlong buwan sa ilalim ng mga batas ng immigration) ay makakakuha nito sa Immigration Bureau kasabay ng mga pahintulot na kaugnay sa pananatili tulad ng pahintulot sa pagbaba, pahintulot sa pagpalit ng residence status at pahintulot sa pag-renew ng panahon ng pananatili.
Dahil ipinawalang-bisa ang sistema ng alien registration, iisyuhan ng “residence card” kapalit ng “alien registration card” ang mga mid-to-long-term na residente at “special permanent resident certificate” ang mga special permanent resident. Hindi iisyuhan ng residence card ang mga dayuhang mananatili lamang sa maikling panahon.
Tungkol sa pagpapalit mula sa alien registration card
Para sa mga special permanent resident
Para sa mga residente na ang simula ng “susunod na application period para sa kompirmasyon (o pag-renew)” ng “alien registration card” ay hindi lalagpas sa Hulyo 8, 2015, ang kanilang “alien registration card” ay mag-eexpire rin sa nasabing araw.
Mag-eexpire rin ang “alien registration card” ng sinumang aabot sa ika-16 na taon ng kanyang kapanganakan sa Hulyo 8, 2015.
Para sa mga special permanent resident na wala pang “special permanent resident certificate” at ang kanilang “alien registration card” ay lumampas na sa nasabing araw, mangyaring pumunta sa Citizens Affairs Division ng mga lokal na ward office o branch office sa madaling panahon, at mag-apply para sa pag-isyu ng special permanent resident certificate.
Kung ang isang residente ay hindi maiisyuhan ng special permanent resident certificate, hindi mawawala ang kanyang special permanent resident status ngunit tandaan na hindi ito makakapag-apply para sa “re-entry permit”.
Para sa mga permanenteng residente
Ang “alien registration card” ng mga permanenteng residente ay mag-eexpire sa Hulyo 8, 2015.
Para sa mga permanenteng residente na wala pang “residence card”, mangyaring pumunta sa pinakamalapit na Immigration Bureau sa madaling panahon at mag-apply para sa pag-isyu ng residence card.
Kung ang isang residente ay hindi maiisyuhan ng residence card, hindi mawawala ang kanyang residence status ngunit tandaan na hindi ito makakapag-apply para sa “re-entry permit”.
◇ Kaugnay na impormasyon
”Pagsimula ng bagong sistema ng residency management” (link ng home page ng Ministry of Justice)
Hapones<外部リンク> Ingles<外部リンク> Intsik<外部リンク> Koreano<外部リンク> Portuges<外部リンク> Espanyol<外部リンク>
I-download ang leaflet na gawa ng Ministry of Justice para sa pangkaraniwang kaalaman (link ng home page ng Ministry of Justice)
Hapones<外部リンク> (PDF 3.2MB) Ingles<外部リンク> (PDF 2.9MB) Intsik<外部リンク> (PDF 3.2MB) Koreano<外部リンク> (PDF 2.2MB) Portuges<外部リンク> (PDF 2.8MB) Espanyol<外部リンク> (PDF 2.8MB)
◇ Special permanent resident certificate
Ito ay ini-isyu para sa mga special permanent resident. Tulad ng dati, makukuha ito sa mga ward office o branch office ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay na impormasyon
”Pagbabago ng sistema ng special permanent resident” (link ng home page ng Ministry of Justice)
I-download ang leaflet na gawa ng Ministry of Justice para sa pangkaraniwang kaalaman (link ng home page ng Ministry of Justice)
”Pagbabago ng sistema ng special permanent resident”<外部リンク> (PDF 424KB)
Ang mga dayuhang residente ay ginawan ng certificate of residence at kasama ng certificate of residence ng residenteng Hapon ay inayos ang pag-rehistro ng bawat sambahayan, na naging dahilan kaya nabuo ang basic resident registration.
Simula noon nawala na ang “certificate of matters in the alien registration records” at nag-iisyu na ng “kopya ng certificate of residence”.
◇ Ang mga maaaring magpagawa ng certificate of residence
Maliban sa mga turista na mananatili lamang sa bansa ng panandalian, ang mga legal na dayuhan na may higit sa tatlong buwan ng pananatili sa bansa ay maaari nang gawan ng certificate of residence.
(1) Mga mid-to-long-term na residente (mga taong maaaring isyuhan ng residence card)
(2) Mga special permanent resident
(3) Mga taong pinahintulutan ng temporary asylum o temporary residence
(4) Transitional resident sa kapanganakan o dahil sa pagkawala ng nasyonalidad
*Maaaring hindi maisyuhan ng certificate of residence ang mga hindi kabilang sa itaas o mga walang residence status sa araw ng pagpapatupad ng bagong batas (kabilang na ang mga hindi nakapag-abiso sa kanilang munisipyo patungkol sa pagbabago ng mga impormasyong nakasaad sa kanilang card sa ilalim ng batas ng alien registration, tulad ng panahon ng pananatili).
◇ Tungkol sa Kanji ng legal na pangalan na nakasulat sa certficate of residence
Ang pangalan na nakasulat sa certficate of residence ng mga dayuhang residente ay ang legal na pangalan na nakasaad sa “residence card” o “special permanent resident certificate” na iniisyu ng Minister of Justice.
Sa karaniwan, ang pangalan na nakasulat sa residence card ay nakasulat gamit ang alpabetong Ingles, at maaaring isulat ang Kanji ng pangalan sa tabi nito. Kung gayon, ang simplified o traditional Chinese characters ay papalitan ng Japanese Kanji (orihinal na letra ng Hapon) alinsunod sa patakaran ng Ministry of Justice (abiso kaugnay sa kanji ng pangalan na nakasaad sa mga dokumentong tulad ng residence card; notification no.582 ng Ministry of Justice sa taong 2011).
“Tungkol sa Kanji ng pangalan na nakasulat sa residence card o special permanent resident certificate<外部リンク>” ”
Kaugnay na impormasyon
“Tungkol sa basic resident registration ng mga dayuhang residente” (link ng home page ng Ministry of Justice)
Hapon<外部リンク> Ingles<外部リンク> Koreano<外部リンク>
Leaflet na gawa ng Ministry of Justice para sa pangkaraniwang kaalaman (link ng home page ng Ministry of Justice)
Hapon<外部リンク> (PDF 2.8MB) Ingles<外部リンク> (PDF 2.3MB) Intsik<外部リンク> (simplified Chinese) (PDF 3.8MB) Intsik<外部リンク> (traditional Chinese) (PDF 3.2MB) Koreano<外部リンク> (PDF 3.1MB) Portuges<外部リンク> (PDF 2.6MB) Espanyol<外部リンク> (PDF 2.6MB)
◇ Notipikasyon tungkol sa tirahan
Sa dating sistema ng alien registration, kapag magpapalit ng tirahan, hindi na kinakailangang dumaan sa mga proseso sa lokal na pamahalaan ng munisipyo, bayan, o village na dating tirahan. Ngunit sa bagong sistema, kinakailangang magsumite ng moving-out notification sa lokal na pamahalaan ng munisipyo na dating tinirhan, at pagkatapos kumuha ng moving-out certificate ay dadalhin ito sa lokal na pamahalaan ng lilipatang lugar kasama ng residence card o special permanent resident certificate upang magsumite ng moving-in notification.
(Kung maglilipat ng tirahan sa loob lamang ng lungsod ng Hiroshima, matatapos ang proseso sa pagsumite ng change of address notification form sa ward office ng dating tirahan o ng ward na lilipatan.)
Mangyaring siguraduhin ang pagdala ng residence card o special permanent resident certificate dahil kung ito ay maiiwan, hindi maisusulat ang iyong bagong tirahan at kakailanganin mong bumalik sa tanggapan.
◇ Notipikasyon ng pagbabago ng residence status atbp.
Dati ay kinakailangang magpadala ng abiso sa munisipyo pagkatapos makakuha ng pahintulot galing sa Immigration Bureau para sa pagbabago ng residence status o pag-renew ng panahon ng pananatili. Ngunit sa bagong sistema, kinakailangan lamang ng pag-proseso sa Immigration Bureau at hindi na kailangan pa ang pag-abiso sa munisipyo.
Gayunpaman, para sa mga mga special permanent resident, ang pagbabago ng impormasyong nakasaad sa special permanent resident certificate (tulad ng pangalan, kaarawan, kasarian, nasyonalidad, atbp.) o sa pag-apply para sa pag-renew at pag-reissue ng validity period nito, kinakailangang pumunta sa tanggapan ng munisipyo.
Ang “basic resident registration network” (juki net) ay isang sistema ng pagkakakilanlan na maaaring magamit sa buong bansa sa pamamagitan ng pagkonekta sa basic resident register ng isang network para mas mapaginhawa pa ang buhay ng mga mamamayan.
Hindi na kailangan ng mga dayuhang residente na gumawa ng anumang mga proseso upang magsimula sa paggamit nito.
Bukod pa rito, ang certificate of residence ng mga dayuhang residente ay may nakasulat na residence certificate code*, at simula sa Hulyo 8, 2013 ay ipinapaalam ito sa Citizens Affairs Division ng ward office sa tinitirhang munisipyo.
*Ang residence certificate code ay 11 numero na pasumalang pinili, na mahigpit na kinakailangan sa juki net para kumpirmahin ang pambansang pagkakakinlanlan.
Maaari na ring makakuha ng kopya ng certificate of residence sa alin mang munisipyo bukod sa munisipyong tinitirhan.
>>> ”Laganap na pag-isyu ng kopya ng certificate of residence” (link ng home page ng lungsod ng Hiroshima” *Kinakailangang magpakita ng “My Number card” o resident card.
Kaugnay na impormasyon
“Para sa mga dayuhang residente: FAQ tungkol sa juki net<外部リンク>(link ng home page ng Ministry of Justice) (link ng home page ng Ministry of Justice)
Dahil sa pagpapawalang-bisa sa batas ng alien registration, itinigil na ang pag-isyu ng “certificate of matters in the alien registration records”.
Kung kinakailangan ang alien registration records bilang patunay, kakailanganing magsumite ng aplikasyon sa Immigration Services Agency para sa disclosure nito.
Para sa aplikasyon para sa disclosure, mangyaring bisitahin ang home page ng Immigration Services Agency.
Tungkol sa aplikasyon para sa disclosure ng orihinal na alien registration records<外部リンク> (link ng home page ng Immigration Services Agency)
Pakikipag-ugnayan / address na padadalhan
Immigration Services Agency, General Affairs Division, Information System Management Office, Immigration Information Disclosure Section
Lokasyon: 〒 1-1-1 Kasumigaseki, Chiyoda-ku, Tokyo 100-8977
Telepono: 03-3580-4111 (extension no. 4448)
Oras: 9:30 AM hanggang 12:00 AM, 1:00 PM hanggang 5:00 PM (Hindi kasali ang Sabado, Linggo, at mga national holiday.)
Serbisyong konsultasyon sa telepono tungkol sa sistema ng basic resident registration<外部リンク> (link ng home page ng Ministry of Justice)
1) Telepono: 0570-066-630 (Navi-Dial)
03-6634-8325 (para sa mga tawag na gamit ang IP phone o PHS)
2) Oras na bukas: 8:30 - 17:30
3) Panahon ng pagbubukas: Simula Abril 1, 2019 hanggang Marso 31, 2020 (Hindi kasali ang Sabado, Linggo, mga national holiday, at mga year-end holiday.)
4) Mga wika: Hapon, Ingles, Intsik, Koreano, Espanyol, Portuges, Biyetnames, Thai, Indones, Tagalog, wika ng Nepal (11 na wika)
Serbisyong konsultasyon sa telepono tungkol sa bagong sistema ng residency management at sa sistema ng special permanent residence<外部リンク> (link ng home page ng Immigration Bureau)
General information center para sa mga dayuhang residente
1) Telepono: 0570-013-904 (Navi-Dial)
03-5796-7112 (para sa mga tawag na gamit ang IP phone o PHS)
2) Oras na bukas: 8:30 - 17:15 (Hindi kasali ang Sabado, Linggo, mga national holiday, at mga year-end holiday.)
Ward Office Citizens Affairs Division, Branch Office