本文
● Kung magpapalit ng pangalan, nasyonalidada /rehiyon, at iba pang bagay
Kung magpapalitan ng iyong apeliyido, nasyonalidad/rehiyon dahil sa kasal o magpapalit ng araw ng kapanganakan, kasarian at iba pa, kailangang ipagbigay-alam sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng nasabing pagpapalit sa pamamagitan ng pagpapakita ng pasaporte, Resident Card, sariling larawan, at iba pang angkop na dokumento na magpapatunay sa pagbabago.
● Kung ang Resident Card ay nawala o sobrang madumi na
Kung nawala o sobrang dumi na ng inyong resident card kailangang humiling muli ng bagong Card.sa opisina ng imigrasyon sa pamamagitan ng pag aaply para dito.
※Kung naiwala mo ang iyong pasaporte, kailangan ipag bigay alam mo ito sa pulisya (Report of Lost and Found).Pagkatapos ay pumunta ka sa embahada o konsulado ng iyong sariling bansa at mag pa-re-issue ng bagong pasaporte.Sa oras na yan, kakailanganin mo ang numero ng naiulat na report sa Lost and Found.
● Kung magbago ang itinalaga sa iyong aktibidades o magwakas ang iyong panahon ng pananatili
Kung ang Resident Status o tinalaga sa iyong aktibidades ay magbago o magwakas ang iyong panahon ng pananatili, kailangang mag apply ng panibagong katatayuan sa pananatili sa pamamagitan ng pagsusumite ng iyong pasaporte, Resident Card, sariling larawan, at mga kinakailangang dokumento sa address na ito.
Hiroshima Regional Immigration Bureau
2-31 Kami-hatchobori, Naka-ku, Hiroshima City Tel. 082-221-4412
※ Ang mga pamamaraan para sa paninirahan ay ginagawa sa munisipalidad ng inyong purok.
Ward Administration Section, General Affairs Division, Planning and General Affairs Bureau
TEL:082-504-2112 / FAX:082-504-2069
Mail Address:soumu-kusei@city.hiroshima.lg.jp