本文
Ang pagbabakuna na makikita sa talahanayan sa baba ay nakasanayan at itinakda ng Preventive Vaccination Act na isinasagawa ng Hiroshima City.
Ang bawat pagbabakuna ay itinakda ng batas ayon sa target na edad at pamamaraan ng pagbabakuna na itinakda ng batas.
Para sa mga sumusunod na kaso, magiging boluntaryo na lamang ang pagpapabakuna at sasagutin ninyo ang gagastusin dito. Bukod pa rito, maaaring hindi kayo makatanggap ng ayuda kahit pa may nakaambang panganib dahil sa pagbabakuna ayon sa batas, kaya huwag kalimutang magpabakuna sa itinakdang iskedyul.
· Kapag ang edad ay hindi naaangkop
· Kapag ang itinakdang agwat ng pagbabakuna / dalas ay hindi sinusunod
Kapag nakatanggap ng abiso ng pagbabakuna, siguraduhing magdala ng Mother and Child Health Handbook at anumang dokumento na makakapagpatunay ng edad at tirahan (health insurance card, at iba pa).
Contact PageGumamit ng "Name Sticker" para idikit sa tiket ng pagbabakuna.
Paraan ng pagtanggap ng mga pagbabakuna (hanggang Abril 1, 2019)
Bakuna |
Pagbabakuna ayon sa Batas |
Tiket ng Pagbabakuna |
Paghahanda |
||||
Target na Panahon |
Simula ng Pagbabakuna |
Dalas ng Pagbabakuna |
Paano Mabakunahan |
||||
2 buwan mula sa kapanganakan hanggang umabot ng 60 na buwan |
2 buwan mula sa kapanganakan hanggang umabot ng 7 buwan |
4 beses |
Paunang bakuna |
Ang mga bakuna ay dapat ibigay sa pagitan ng hindi bababa sa 27 araw (o 20-26 araw kung itinuturing na kinakailangan ng doktor) hanggang sa unang 12 buwan ng buhay. |
Mother and Child Health Handbook o anumang inihanda ng mga institusyong medikal |
Hangga't maari kailangang magsisimula ang pagbabakuna sa edad na 2 ~ 6 na buwan. Magsisimula ang pagbabakuna ng Hib sa edad na 2 ~ 11 na buwan, kapag lumampas ng 12 buwan pagkatapos ng unang bakuna at hindi ito natapos, babakunahan ulit pagkalipas ng 27 araw (posible ring 20 ~ 26 araw ayon sa rekomendasyon ng doktor), at kaliangang magdagdag pa ng bakuna. |
|
Karagdagan |
Mataapos ang paunang bakuna, babakunahan ulit paglagpas ng 7 buwan o higit pa. |
||||||
Mula sa araw pagkatapos ng ika-12 buwan hanggang ika-24 na buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
3 beses |
Paunang bakuna |
Ang mga bakuna ay dapat ibigay simula sa ika-27 araw (o 20-26 araw kung itinuturing na kinakailangan ng doktor) hanggang sa unang 12 buwan ng buhay. |
||||
Karagdagan |
Pagkatapos ng unang bakuna, babakunahan ulit sa pagitan ng ika-7 buwan o higit pa. |
||||||
12 buwan mula sa kapanganakan hanggang umabot ng 60 na buwan |
Isang Beses |
Isang beses na pagbakuna |
|||||
2 buwan mula sa kapanganakan hanggang umabot ng 60 na buwan |
2 buwan mula sa kapanganakan hanggang umabot ng 7 buwan |
4 beses |
Paunang bakuna |
Magbabakuna ng 3 beses simula sa ika-27 na araw hanggang sa ika-24 buwan edad. Subalit, kapag lumampas na ng 12 buwan at dalawang beses pa lang nabakunahan, hindi babakunahan ng pangatlong beses. |
|||
Karagdagan |
Pagkalipas ng 60 araw o higit pa mula sa unang bakuna, babakunahan ng isa pang beses pagkatapos ng 12 buwan pataas. |
||||||
Mula sa araw pagkatapos ng ika-12 buwan hanggang ika-24 na buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
3 beses |
Paunang bakuna |
Magbabakuna ng 2 beses simula sa ika-27 na araw hanggang sa ika-24 buwan. |
||||
Karagdagan |
Pagkalipas ng 60 araw o higit pa mula sa unang bakuna, babakunahan ng isa pang beses pagkatapos ng 12 buwan pataas. |
||||||
Mula sa araw pagkatapos ng ika-12 buwan hanggang ika-24 na buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
2 beses |
Magbabakuna ng 2 beses sa loob ng ika-60 araw pataas. |
|||||
Mula sa araw pagkatapos ng ika-24 buwan hanggang ika-60 na buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
1 beses |
Isang beses na pagbakuna |
Pangalan ng Bakuna |
Pagbabakuna ayon sa Batas |
Nais na Panahon |
Tiket ng Pagbabakuna |
Paghahanda |
|||
Target na Panahon |
Dalas ng Pagbabakuna/ Pagitan |
||||||
Hanggang 1 taon |
3beses Ika-2 beses: 27 araw pagkatapos ng unang bakuna. Ika-3 beses:139 araw pagkatapos ng unang bakuna |
2 ~ 9 buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
Ipapadala sa target na tao o ang Mother and Child Health Handbook |
· Para sa mga taong ipinanganak pagkatapos ng Abril 1, 2016. |
|||
4 na uri Diphtheria Pertussis Tetanus Polio
(Babala 2)
|
Unang beses sa isang baguhan |
3 ~ 90 buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
Magbabakuna ng 3 beses sa pagitan ng 20 araw pataas. |
3 ~ 12 buwan pagkatapos ng kapanganakan. |
Mother and Child Health Handbook o anumang inihanda ng mga institusyong medikal |
・Magpabakuna sa lalong madaling panahon 3 buwan pagkatapos ng kapanganakan. ・Kung alam na na mayroong pertussis, ,maaring magpabakuna ng dalawang uri sa halip na apat. |
|
Karagdagan para sa Baguhan |
1 beses sa baguhan (3 beses). Pagkatapos nito, isang beses pang bakuna sa pagitan ng 6 buwan pataas |
Unang beses (3 beses) matapos makompleto nito hanggang umabot ng 12 ~ 18 buwan |
|||||
Polio (Babala 3) |
Unang beses sa baguhan |
3 beses sa pagitan ng 20 araw o higit pa |
Mula 3 ~ 12 buwan mula kapanganakan |
Inihanda ng Institusyong Medikal |
・Sa mga personal na nakatanggap ng isang bakuna kailangang mabakunahan pa ng paunang dalawang beses at isang karagdagang dosis. ・Sa mga personal na nabakunahan ng dalawang beses ay hindi na kailangang mabakunahan. |
||
Karagdagan para sa baguhan |
Unang beses sa baguhan (3 beses)matamata makompleto, isang bakuna sa pagitan ng 6 buwan o higit pa |
Unang beses (3 beses) matapos makompleto nito hanggang umabot ng 12 ~ 18 buwan |
|||||
Tuberculosis (BCG) (Babala 4) |
Hanggang 1 taon |
1 beses |
5 ~ 8 buwan mula kapanganakan |
Mother and Child Health Handbook |
|
||
Tigdas/Rubella (Babala 5) |
Unang pagkakataon |
12 ~ 24 buwanmula kapanganakan |
1 beses |
─ |
Mother and Child Health Handbook |
・Sa mga Unang pagkakataon, hangga’t maari mabakunahan kaagad pagkalampas ng 12 buwan mula kapanganakan. ・Para sa pangalawang pagkakataon magpabakuna mula Abril 1 ng taong bago mag-elementary hanggang Marso 31 ng taon ng pagpasok sa elementary. ・Sa mga nakatanggap ng bakuna ng Gamma Globulin ay 3 buwan (6 na buwan para sa high-dosage therapy) matapos mainiksyunan. |
|
Pangalawang pagkakataon |
1 taon bago mag-elementarya |
1 beses |
─ |
||||
Bulutong (Babala 6) |
Hanggang 12 ~ 36 buwan mula kapanganakan |
2 beses sa pagitan ng 3 buwan pataas |
1 beses: 12 ~ 15 buwan mula kapanganakan 2 beses:pagkalipas ng 6 ~ 12 buwan mula sa unang bakuna |
Mother and Child Health Handbook o anumang inihanda ng mga institusyong medikal |
・Hindi mapapabilang sa target ang nagkaroon na ng bulutong. ・Kung nabakunahan ka sa nakaraan, mangyaring makipag-ugnay sa Health Center. ・Sa mga nakatanggap ng bakuna ng Gamma Globulin ay 3 buwan (6 na buwan para sa high-dosage terapy) matapos mainiksyonan. |
||
(Babala 7) |
Baguhan |
Hanggang 6 ~ 90 buwan mula kapanganakan |
2 beses pagkalipas ng 6 na buwan pataas |
3 anyos |
Mother and Child Health Handbook |
・Ang rekomendasyon ng pagbabakuna ay naipagpatuloy noong Abril 2010. ・Ang mga ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 1995 hanggang Abril 1, 2007 na hindi nakumpleto ang bakuna ay maaring makatanggap ng espesyal na pagbabakuna hanggang sa edad 20 pababa. Pumindot dito para sa detalye. |
|
Karagdagan para sa baguhan |
Para sa baguhan (2 beses) isang bakuna pagkalipas ng 6 na buwan pataas matapos makompleto |
4 anyos |
Pangalan ng Bakuna |
Pagtanngap ng bakuna na inireseta ng batas |
Nais na panahon |
Tiket ng bakuna |
Komento |
||
Edad ng babakunahan |
Dalas・Agwat ng bakuna |
|||||
2 uri (DT) Dipterya Tetanus |
2 termino |
11 taong gulang pataas at 13 taong gulang pababa |
1 beses |
11 taong gulang |
Ipapadala sa babakunahan |
Medical interview sheet para sa dual vaccine [Wordファイル/96KB]
|
Japanese Encephalitis |
2 termino |
9 taon gulang pataas at 13 taong gulang pababa |
1 beses |
9 taong gulang |
Ihahanda ng mga medikal na institusyon |
|
Bakuna kontra cervical cancer (para lang sa mga batang babae) |
Grade 6 na elementarya~
|
3 beses [Servix]
Pangatlong bakuna: higit sa 5 buwan pagkatapos ng unang bakuna at higit 2 buwan pagkatapos ng pangalawang bakuna . [Gardasil]
|
1st year ng middle school |
Ihahanda ng mga medikal na institusyon |
・Standard na agwat ng bakuna [Servix]
[Gardasil]
|
Sa quadrivalent na uri ng bakuna (sa pagitan ng 20 araw o higit pa), kapag nabakunahan ka ng Martes, puwede ka magpabakuna ulit sa parehong araw pagkatapos ng 3 linggo.
Sa pangatlong bakuna kontra Cervical Cancer (sa pagitan ng 2 at kalahating buwan), nakasalalay sa kung anong buwan isinagawa ang bakuna sa pagbibilang ng kalahating buwan. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, kung ang susunod na buwan pagkatapos ng 2 buwan ay may 31 araw, ang kalahating buwan ay ang pagkatapos ng ika-16. Kung may 30 araw, ang kalahating buwan ay pagkatapos ng ika-15. Kung may 29 araw naman, ang kalahating buwan ay ang pagkatapos ng ika-15. At kung may 28 na araw, ang kalahating buwan ay pagkatapos ng ika-14.
*Gabay para sa iskedyul ng bakuna sa bata*
2 buwan hanggang 1 taong gulang |
1 taong gulang |
3 taong gulang |
4 na taong gulang |
5 taong gulang |
・Hib (unang 3 beses) |
・Tigdas at Rubella (1 termino) |
・Japanese Encephalitis (unang 2 beses ng 1 termino) |
・Japanese Encephalitis (karagdagan para sa 1 termino) |
・Tigdas at Rubella (2 termino) |
Flyers tungkol sa pagbabakuna sa Lunsod ng Hiroshima [Wordファイル/147KB]
Ang paraan sa pagkalkula ng edad para sa bakuna na ayon sa “Batas sa pagkalkula sa edad” at “Artikulo 143 ng Civil Code” ay ang pagdagdag ng 1 taon bago ang kaarawan, katulad ng mga sumusunod. Para hindi magkamali sa pagbabakuna.
(Halimbawa 1) “Mula 3 buwan hanggang 90 buwan pagkatapos ng kapanganakan”…Kung ipinanganak ng Oktubre 9, isasagawa ito mula Enero 8 hanggang ika-7 taong gulang ng bata sa Abril 8.
(Halimbawa 2) “11 taong gulang pataas at 13 taong gulang pababa”…Mula 1 araw bago mag ika-11 taong kaarawan hanggang 1 araw bago mag ika-13 kaarawan.
Sa quadrivalent na bakuna, nagdagdag ng bakuna para sa polio sa trivalent na bakuna para sa Dipterya, Tetanus, Pertussis at Polio.
Simula Setyembre 2012, ang pagbabakuna ng polio ay isinasagawa na lamang bilang indibidwal na pagbabakuna sa mga institusyong medikal.
◎ Patungkol sa bakuna sa Polio
LinkBakuna sa Polio “Kinakailangan ang bakuna sa Polio para maiwasan ito”(Website ng Ministry of Health, Labor and Welfare)<外部リンク>
Simula noong 2008, ang pagbabakuna ng BCG ay isinasagawa na lamang sa mga medikal na institusyon.
Bilang karagdagan, mula noong Abril 1, 2013, ang edad ng babakunahan ay binago mula sa “hanggang 6 na buwan” at ginawang “hanggang 1 taong gulang”. Binago ang mainam na panahon ng bakuna mula sa “3 buwan hanggang 6 na buwan mula sa kapanganakan” at ginawang “5 buwan hanggang 8 buwan mula sa kapanganakan”.
Ang pangatlo at pang-apat na termino ng bakuna para sa Tigdas at Rubella ay isinagawa sa loob ng limang taon bilang temporary measure mula 2008 hanggang 2012.
Link Malapit na mag Grade 1 ng elementarya! Tapos na ba magpabakuna para sa Tigdas at Rubella?
Mula Oktubre 1, 2014, ang pagbabakuna para sa bulutong (chicken pox) ay naging regular na.
Hindi na kailangang sumailalim dito ang mga taong nagkaroon na ng bulutong.
Bilang karagdagan, ang iskedyul ng pagbabakuna ay nag-iiba ayon sa edad kung kailan nabakunahan, at kung nakaranas nang mabakunahan ng varicella vaccine, kaya mangyaring sumangguni dito para sa mga pamamaraan ng pagbakuna.
Mula noong 2005 hanggang 2009, itinigil ng Ministri ang aktibong pagrerekomenda ng pagbabakuna dahil mayroong isang kaso kung saan ang isang pasyente ay nagkakaroon ng isang malubhang sakit pagkatapos mabakunahan ng regular na Japanese encephalitis vaccine (mouse-brain derived vaccine).
Pagkatapos nito, binuo ang isang uri ng bagong bakuna, kaya maaari na muling makatanggap ng pagbabakuna ng Japanese encephalitis tulad ng dati.
Bilang karagdagan, ang mga ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 1995 at Abril 1, 2007 ay maaaring makatanggap ng natitirang kabuuang bilang na apat na bakuna bilang regular na pagbabakuna para sa mga 20 taong gulang pababa.
Suriin ang iyong history ng pagbabakuna sa Mother and Child Health Handbook, at magpabakuna!
Para sa mga ipinanganak sa pagitan ng Abril 2, 1995 at Abril 1, 2007, mangyaring sumangguni sa seksyon na ito para sa sistema ng pagbabakuna.
LinkJapanese encephalitis vaccination
* Mula 2010, ang pagbabayad ng mga bahagyang kontribusyon para sa pagbabakuna para sa Japanese encephalitis vaccination ay hindi na kinakailangan.
May ibang mga institusyong medikal kung saan kailangan ang reserbasyon bago isagawa ang pagbabakuna. Mangyaring makipag-ugnayan muna sa napili ninyong medikal na institusyon para rito.
Maaari ka ring maghanap para sa mga institusyong medikal na nagbibigay ng mga pagbabakuna sa website na "Hiroshima Emergency Medical Network" sa ibaba.
LinkHiroshima emergency medical network (hanapin ang homepage ng ospital, institusyong medikal na nagsasagawa ng pagbabakuna)<外部リンク>
Upang mabakunahan sa Lungsod ng Hiroshima, kailangan mo ng Mother and Child Health Handbook at tiket sa pagbabakuna na ibinigay ng lungsod. Makakatanggap ka ng tiket para sa pagpapabakuna mula sa inyong health center pagkatapos iproseso ang inyong paglipat sa Citizen's Section o sa branch office, kaya't huwag kalimutang iproseso ang inyong paglipat. Mangyaring dalhin ang iyong Mother and Child Health Handbook.
Kailangan din sumailalim sa nasabing proseso ang mga taga-Hiroshima bago pa man lumipat at nagkaroon ng tiket para sa pagbabakuna. Mangyaring makipag-ugnay sa health center ng inyong ward para sa mga detalye.
Maaari kang mabakunahan gamit ang tiket sa pagbabakuna na inisyu ng lungsod ng Hiroshima kung nakarehistro ka rito bilang isang residente ng Hiroshima sa araw mismo ng pagbabakuna. Hindi ito maaaring gamitin pagkatapos ng araw ng iyong paglipat.
Para sa pagbabakuna pagkatapos lumipat, mangyaring makipag-ugnay sa inyong lokal na pamahalaan.
Maaari kang humingi ng panibagong tiket sa pagbabakuna sa health center ng bawat ward kung nawala ito.
Gayundin, kung nais mong mabakunahan sa isang institusyong medikal sa labas ng Hiroshima, kailangan mong dumaan sa isang proseso.
Kung ang institusyong medikal ay nasa loob ng isang prefecture, maaari kang makakuha ng pagbabakuna nang libre sa pamamagitan ng tiket sa pagbabakuna na maaaring gamitin sa iba’t-ibang lugar.
Kung nakatira ka sa labas ng isang prefecture, mayroong partial subsidy system, kaya mangyaring makipag-ugnay sa health center ng bawat ward.
DownloadVaccination ticket grant application (PDF file) [PDFファイル/251KB]
● Lokasyon at contact information ng health center ng bawat ward
Pangalan |
Lokasyon |
Numero ng telepono |
Naka Health Center Health Longevity Division (Naka Ward community-based welfare center) |
4-1-1 Otemachi, Naka-ku |
504-2528 |
Regional Support Division, East Health Center (Higashi Ward General Welfare Center) |
9-34 Higashi Kaniyacho, Higashi-ku |
568-7729 |
Minami Health Center Health and Longevity Division (Minami Ward Office Annex) |
1-4-46 Minami-cho, Minami-ku |
250-4108 |
West Health Center Healthy Longevity Division (Nishi Ward Community Welfare Center) |
2-24-1 Fukushima-cho, Nishi-ku |
294-6235 |
1-38-13 Nakasu, Asanami-ku |
831-4942 |
|
3-19-22 Kabe, Asakita-ku |
819-0586 |
|
Aki Health Center Health and Longevity Division (Aki Ward General Welfare Center) |
3-2-16 Funakoshiminami, Aki-ku |
821-2809 |
Saeki Health Center Saeki Health Center (Saeki Ward Office Annex) |
1-4-5 Kairoen, Saeki-ku |
943-9731 |
Immunization Act<外部リンク>
Kautusan ng Pagpapatupad ng Immunization Act<外部リンク>
Mga Regulasyon sa Pagpapatupad ng Immunization Act<外部リンク>
Mga Batas sa Pagpapatupad ng Immunization Act<外部リンク>
Ang “Hiroshima Child Care Support App” na inilunsad ng Hiroshima City ay idinisenyo para sa mga ina at ama bilang suporta sa pangangalaga ng bata. Maaring makita rito ang health record ng buntis at bata, growth record ng fetus at ng bata, pamamahala ng iskedyul ng pagbabakuna, mga kaganapan para sa mga bata at pagpapakilala ng mga pasilidad na sumusuporta sa pangangalaga ng bata.
LinkHiroshima Child Care Support Application (Hiroshima City HP)
DownloadFlier ng Hiroshima Childcare Support Application [PDFファイル/1.9MB]
Health and Welfare Bureau Health Department Health Promotion Section Health and Prevention Section
1-6-34 Kokutaiji-machi, Naka-ku, Hiroshima City 730-8586
Tel:082-504-2622 Fax:082-504-2258