ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
Kasalukuyang Lokasyon Home > 分類でさがす > くらし・手続き > がいこくじんのみなさんへ > Filipino > Filipino > Pampublikong transportasyon

本文

Article ID:0000136059Petsa ng Pag-update:2020年2月27日更新印刷ページ表示

Pampublikong transportasyon

Ang pamasahe sa mga pampublikong transportasyon sa lungsod ng Hiroshima gaya ng JR at Astram Line y sa pamamagitan ng tiket na nabibili sa automatic ticket vending machine. Ang tiket ay ipinapasok sa automatic inspection machine bago sumakay ng tren. Sa pagbaba ng tren, ang tiket ay muling ipinapasok sa inspection machine upang makalabas sa istasyon.

Sa pagsakay ng bus, kunin ang tiket na may numero na lumalabas sa automatic machine. Sa loob ng bus ay may makikita kang paskil ng numero at kung magkano ang pamasahe. Sa pagbaba ng bus, ilagay lamang sa kahon ng pamasahe ang halagang dapat ibayad. Kung sasakay naman sa City Rail Train, flat rate lang ang pamasahe sa buong biyahe kaya di na kailangan kumuha ng tiket.

Bukod pa rito, may ibinebentang IC card “PAPSY” na maaring gamitin sa Hiroshima Electric Railway (city-line, Miyajima-line), Astram Line, at sa mga bus (maliban sa ilang kumpanya) at ang IC Card “ICOCA” ay ibinebenta sa JR at mas madaling gamitin ito.Para sa mga detalye, magtanong lamang sa malapit na ahensya ng transportasyon sa inyong lugar.

Ang ilan pa sa mga pampublikong transportasyon ng Lungsod ng Hiorshima ay binubuo ng mga linya ng tren ng JR (Sanyohonsen, Kuresen, Kabesen, Geibisen), Hiroshima Dentetsu (Shinaisen, Miyajimasen), Astram Line, at labindalawang (12) kompanya ng bus (Hiroshima Dentetsu, Hiroshima Bus, Hiroshima Kotsu, Chugoku JR Bus, Geyo Bus, Hikita Kotsu, HD Nishi Hiroshima, DaiIchi Taxi, Hiroko Kanko, Angel Cab, Sasaki Tour, Sogo Kikaku (General Planning) Corporation) na nagpapatakbo ng ruta ng bus na may una at huling estasyon sa loob ng lungsod.


コロナ情報

コロナやさしい日本語

Note Regarding Links

Please note some links on this page may navigate to our Japanese website.

外国人市民のための生活ガイドブック

英語のバナーの画像<外部リンク>

ひろたびの画像<外部リンク>

  • Hiroshima Peaceのバナー画像<外部リンク>
  • 広島市へ寄付